* Sgt.Alejandro Valdes POV *
ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makalanding ng maayos ang minamaneho kong Private Plane....
hindi man ito naging ganoon kaayos ay laking pasasalamat parin dahil ligtas naman lahat ang mga pasahero ko...
sumadsad nga sa kagubatan ang plane..
malaki ang naging pinsala ng sasakyan..
kaya hindi na ito mapapakinabangan pa...basta ang huli kong naaalala ay ang pagbangga nito sa isang puno..at nagising nalang ako na naghahabol ng hininga ko...nasa harapan ko si Charles noon at nakalapat ang mga palad nito sa dibdib ko...
mukhang alam ko na ang ginawa niya para magising ako pero ayaw ko ng isipin pa...mahalaga sa akin buhay pa ako...
madami akong naging galos pati narin ang ibapa...nagpahinga muna kamiat kinaumagahan nga ay sinuri ko ang lugar na pinagsadsaran ng plane...
malawak nga ang kagubatan...
at matagal namin bago malabas ito..
lalo na at maglalakad lang kami...
ilang gabi din ang lumipas....sa mga gabing lumipas ng paglalakbay namin sa kagubatan ay natanaw namin ang ilang kabahayan sa may kabundukan...malayo pa ito..
Pinuntahan namin ito..at sa wakas
at narating din namin ito..napansin namin na tila nilisan na ito ng mga marahil katutubo nananirahan dito..
binuksan namin ang ilang bahay na yari sa kawayan at kogon..
at natigagal kami sa aming nakita dahil may ilang mga zombies na nakatali sa loob..
kaya minarapat namin na wakasan ang buhay ng mga ito...ng bigla ay sumulpot ang mga katutubo at tinutukan kami ng mga sandata nila...
kinausap ko ang pinuno nila..
nahirapan ako dahil iba ang salita nila at hindi niya ako maintindihan..
kaya sign language ang ginawa ko at sa wari ko ay may naintindihan naman ito...pinatuloy nga nila kami sa tahanan nito...pero hindi kami ngtagal doonbago kami umalis tinanong ko ang daan patungo sa siyudad at nagpasya ang isang katutubo na ihatid kami roon..
na mas pabor nsmsn para sa amin..mahaba ang naging paglalakbay namin para marating ang siyudad...
at ng marating namin ang siyudad ay madami ang mga zombies tulad ng aming inaasahan...nagpasalamat kami sa katutubo na naghatid sa amin...at iniwan na niya kami at bumalik sa kabundukan...
makikipaglaban na naman kami sa pangit na mga zombies na ito...
sa isang convenient store namin napili na tumungo dahil narin sa wala na kaming supply ng pagkain...
kinalaban muna namin ang mga zombies bago kami nakapasok doon...sa pagpasok namin ay agad kami na kumuha ng mga supply ng pagkain at ilang mga tubig...
at saka kami lumabas sa may likurang bahagi na pinto..
i think employees entrance iyon...
at sinagupa muli namin ang ilang mga zombies na naroon sa daan..sa pag-alis namin ay may narinig kami na papalapit, nakamotor ito at di ko malaman kung babae ba ito o lalaki dahil sa suot nito at dahil nakahelmet din ito...
huminto ito sa amin at saka tinanggal ang suot na helmet..
bumagsak ang mahaba nitong buhok at saka nagsalita...OHH...ayos may buhay pa pala sa lugar na ito..akala ko ako nalang ang tanging buhay dito...
sino kayo?
wika nito...nga pala ako pala si Joanna Montes..
lahad nito ng kamay kay Charles...
na para bang ito lang ang napapansin niya..
sa bagay gwapo si Charles at kapansin-pansin kaya di ko ito masisi...
pero the hell! ang ganda niya... satingin ko ay para siyang artista...
o baka nga artista siya o kaya isang modelo...
BINABASA MO ANG
Survive the World of Zombies
Terrorpaano nga ba kung isang araw magising ka sa mundo ng mga zombies? makakatagal ka kaya at masasabi na you survived the world of zombies... ... .. . hope you all enjoy reading my story...