* Ruel's POV *
napunta kami sa airport ng mga kasama ko..
aalis na sana kami ng biglang may mapansin si Charles na mga tao sa lugar..
nagdesisyon sila na iligtas ang mga ito..
naiwan ako sa sasakyan para bantayan ito...nagtagumpay sila sa planong pagligtas sa mga iyon..
at ito nga at pabalik na sila..
nakapasok na sila kasama ang kanilang mga niligtas..
kaya lumipat ako sa may likurang upuan ng sasakyan dahil nasa drivers seat ako noon..sa pag-upo ko ay nabigla ako sa nakita ko na pamilyar na mukha na nasa harap ko..
agad niya akong sinampal naikinabigla ko..halata sa mukha ng lahat ang pagkabigla..
hindi ko alam ang sasabihin ko..
para bang wala akong kakayahan na ibuka ang bibig ko..pinigilan ni Charles ang sana pagsampal ulit sa akin ni Mae..
puro katanungan ang lumalabas na kataga kay Charles..
alam ko na naguguluhan si Charles sa mga reaksiyon at galit ni Mae sa akin..hindi ko alam na pati ikaw makikita ko..
at talagang sumama ka talaga kay Charles!
or should i say sinusundan mo talaga siya...
pati sa ganitong sitwasyon ay pinanindigan mo na talaga yang kabaklaan mo..
galit na galit na mga salita sa akin ni Mae..Oo Charles tama ka sa narinig mo Bakla siya at matagal ng may lihim na pag-ibig sayo..
at siya ang dahilan ng lahat ng mga nangyari sa atin..
pilit siya gumagawa ng paraan para paghiwalayin tayo...
Walang hiya ka!
sabay sampal ulit sa akin ni Mae...
Sinungaling..sabi niya sa akin patay ka na..kaya pumayag ako sa matagal ng planong kasal sa akin ng pamilya ko...
sasampalin sana ulit ako ni Mae pero pinigilan na siya ni Charles...umiiyak lamang ako sa mga rebelasyon ni Mae..
wala akong lakas magsalita..
Nahihiya ako,nahihiya ako na tumingin sa kanila..lalo na sa lalaking noon pa man ay akin ng iniibig..pero nagulat ako sa sinabi ni Charles
at nakapagpaangat ng ulo ko na kanina pa nakayoko...tama na!, matagal ko ng alam ang pagtingin niya sa akin..hindi ako manhid para hindi iyon mahalata..
at yong mga nangyari?
tapos na ang lahat ng yon..
hindi na natin mababalik pa ang mga lumipas na...
ang mahalaga ngayon ay ang kasalukuyan...
mga salita na nagpahagulgol sa akin..kinuha niya ang anak nila ni Mae
na noon ay natutulog...
at kinarga ito at hinahalik-halikan..
na parang walang argue na nangyari..kailangan natin ng pansamantalang matutuluyan kailangan natin na magpahinga..
wika ni Charles...at huminto nga ang sasakyan namin sa isang restaurant sa dulong bahagi ng bayan na iyon..
sinigurado muna namin na wala ng zombies doon...
may ilan mang mga zombies ay napapatumba namin ito...sa restaurant ay pansamantala kaming nagpahinga..
nagluto sina Nelrose at Mae ng makakain...
habang ako ay nakaupo sa isang sulok at nakatingin sa kung saan...si Pamela na katulad ko din na hindi nagsasalita at nilalaro lamang ang isang hawak na kutsilyo sa sahig...
iba sa natural nitong ugali na jolly at masayahin...at si Charles na karga-karga pa din ang anak nila ni Mae..
na mahimbing padin na natutulog...
masaya ko siyang makita na ganyan..
ngiti na noon ko lang nakita ng mga panahon na sila pa ni Mae..
lubos tuloy akong nakokonsensiya sa mga ginawa ko noon sa kanila..
at kusa na naman na umagos ang luha sa aking mga mata...mabait si Charles sa kabila ng mga narinig at nalaman niya kay Mae ay heto siya at parang walang nangyari..
hindi siya nagalit sa akin..ni paalisin ako at sumbatan ay hindi niya ginawa...
BINABASA MO ANG
Survive the World of Zombies
Horrorpaano nga ba kung isang araw magising ka sa mundo ng mga zombies? makakatagal ka kaya at masasabi na you survived the world of zombies... ... .. . hope you all enjoy reading my story...