nilisan nga ng grupo ni Charles ang kampo..
pero bago nila nilisan ang kampo ay may nakasalubong sila na grupo ng mga kalalakihan..
armado ang mga ito..
at dahil sa pakikipag-usap ni Charles sa pinuno ng mga ito ay walang nangyaring hindi kaayaaya...
pero nagbanta muna ito na sa oras na magkrus ulit ang landas nila ng grupo ay iyon na ang huling pagkikita nila..samantala sa grupo naman ni Ronel ay naging madugo ang kaganapan..ilan sa mga kasamahan nila ang napahamak..
at ngayon nga ay lima na lamang sila...
hindi matanggap ni Jasmine ang sinapit ng kanyang nakababatang kapatid..
at pinagtangkaan nito na wakasan nadin ang kanyang sariling buhay..
pero napigilan ito ng mga kasamahan..
at kinausap siya ni Andrea ng sarilinan..
habang umiiyak si Jasmine at pinipilit na nais na niyang mamatay ay sinampal siya ni Andrea...
dahilan para marealize nito na mali siya sa iniisip niya..sa tingin mo ikaw lang ang nakakaranas ng ganyang bagay..
madami pa ang nawalan..
hindi lang ikaw ang nagdudusa sa mundong ito..
at sa tingin mo gugustuhin ng kapatid mo na waksan mo ang iyong buhay dahil sa pagkawala niya?
kailangan natin lumaban..
lumaban para mabuhay..
mga salitang nagmula kay Andrea..
agad niya na niyakap si Jasmine na noon ay walang tigil pa sa pag-iyak..
ngunit pinunasan nito ang mga luha ng dalaga..
walang magagawa ang pag-iyak..
kailangan mo paring maging matatag para sa kapatid mo at para sa amin..naging maayos na ang dalaga at nagdisisyon nasila na umalis nasa bahay na pansamantala nilang tinuluyan..
sa muling paglalakbay nila ay narating nila ang isang kampo..
ngunit may namatyagan sila na mga bandido sa lugar..
kaya nagdisisyon sila na lisanin ang lugar..sa paglayo nila sa kampo ay narating naman nila ang isang bayan..
sa bayan na iyon ay may nakilala silang isang matandang babae..
pinapasok sila nito sa bahay nito..
kakaiba ang matanda dahil minsan ay nagsasalita itong mag-isa na tila may kausap..
at pagkinausap nila ito ay malayo ang sagot nito..sa mga tanong nila...habang naroon sila sa harden kasama ang matanda ay may mga sinasabi ang matanda na ikinabahala nila..
nabanggit nito na papakainin niya ang kanyang dalawang anak dahil marahil raw ay nagugutom na ang mga ito..at iniwan sila nito at pumasok sa loob ng bahay..
nabahala si Andrea at may masamang kutob..
kaya ilang sandali lang ay sinundan nila ito..
sa pagpasok nila ay hindi nila makita ang matanda pati narin si Angel na noon ay naglalaro sa sala..
hinanap nila ito sa loob ng bahay ngunit di nila ito makita ...hanggang marinig nila ang sigaw ni Angel mula sa likurang bahagi ng bahay..
tinakbo nila ang pinagmulan ng sigaw at nabigla sila sa nadatnan nila kinakain na ng dalawang zombies si Angel na nakakulong sa isang silda...huli na sila para iligtas ang bata.. hinarap sila ng matanda na may hawak hawak na baril at itinututok sa kanila..
nagpaputok ang matanda at tinamaan si Mang Anton at muli ay itinutok kina Ronel at Andrea..rinig na rinig ang muling putok ng baril..
ang akala nila Ronel ay tinamaan ang isa sa kanila..
ngunit nabigla sila ng makita na natumba ang matanda...at may tama ito sa dibdib at sa paglingon nila sa likuran nila ay naroon si Jasmine hawak ang isang baril...agad nila na tinungo si Mang Anton na noon ay naghihingalo na..
nakiusap ito na sa oras na bawian siya ng buhay at maging zombie ay wag mag-atubili na barilin siya sa ulo..at dumating nga ang oras na naging zombie na ito..
at walang ano-ano ay binaril ito ni Ronel sa ulo...
at binaril din nito ang dalawang zombie na ikinulong ng matanda...samantala sa grupo naman nila Charles ay naging madugo din..
sa isang bayan kung saan sila na padpad ay nakalaban nila ang ilang mga bandido..
umalingawngaw ang putukan sa pagitan ng dalawang grupo...
na ikinakuha ng atensiyon ng mga zombies...naroon sila Charles sa isang gusali samantalang na sa kabila namang gusali ang mga bandido...
sa pagtigil ng putukan ay ang siya namang pagdagsa ng mga zombies papasok sa mga gusali...
naging mahirap ang paglabas ng dalawang grupo sa mga gusali..
dumami ang mga zombies..
kanina ay sa magkabilang grupo ang pagpapaputok nila ngayon ay natuon na sa mga zombies ang kanilang pagpapaputok...naging marahas ang sitwasyon..ng bawat grupo .
pinilit nila namakaalis sa naturang lugar..pero hindi ito naging madali...bago sila nakalabas sa gusali at nakalayo sa lugar ay..
nabawasan sila ng mga kasamahan..
si Julius na nacorner sa isang silid at naubusan ng bala..
si Mang Teban na nabaril ng mga bandido..at
si Mae na nakagat ng zombie..
at naging zombie din kalaunan..
at binaril ni Charles...naging mahirap para kay Charles ang pamamaalam sa dating kasintahan at ina ng kanyang anak..
puno ng lungkot at pagluluksa ang paglayo nila sa lugar...
muli nilang inalala ang masasayang pinagsamahan nila ng mga nasawi nilang kaibigan...sa panibago nilang paglalakbay ay nakarating sila sa isang lambak...
at doon nagpasyang magpahinga...
sa unang pagkakataon ay tahimik lamang sila..
nakapalibot sila sa sinisiga nilang apoy...
5 na lamang sila na natira kasama nila ang anak ni Charles...at sa kauna-unahang pagkakataon
ay kumanta si Charles sa harap ng mga kasama...Chasing Cars by Snow Patrol
we'll do it all
everything
on our own...
we don't need
anything
or anyone..if i lay here
if i just lay here
would you lie with me
and just forget the worldi dont quite enough
how to say
how i feel
those three words
i said too much
that not enoughif i lay here
if i just lay here
would you lie with me
and just forget the worldlets waste time
chasing cars
around our headif i lay here
if i just lay here
would you lie with me
and just forget the worldforget what were told
before we get too old
so show me that garden
and burst it into life..if i lay here
if i just lay here
would you lie with me
and just forget the world....lumamig ang simoy ng hangin
na tila ba nakisimpatya ang paligid sa kanilang nadaramang lungkot...
tumulo ang kanilang mga luha..
masakit para sa kanila ang mamaalam sa mga kaibigan na itinuring na nilang pamilya....sino pa ang mawawala
kanino pa sila mamaalam..
ayaw na nila pang mangyari pa ito...
pero sa mundong kanilang ginagalawan ay walang kasiguraduhan ang buhay...sa isip nila na sana sa pagtatapos ng kanta ni Charles ay natapos at nawala din ang lungkot at hapdi na kanilang nararamdaman...
sumapit ang umaga na may lungkot sa kanilang mga puso...
pilit silang naging matatag at nagpatuloy ang buhay...hindi nila alam ang nag-aantay sa kanila...
sa panibagong paglalakbay..
sa dulo kaya ng kanilang pupuntahan ay ang pagtatapos ng lahat..?
hindi nila alam...sana nagustuhan niyo yong kwento..
ang hirap mag UD ha!
hehe..
nahirapan ako mag-isip magdugtong sa kwento...iadvance na natin ang story..
next update ko is after 5 years na..
7 years old na si Charie..
sana magustuhan niyo padin at subaybayan ang itatakbo pa ng kwento..ito yong kwento na talagang tinutukan ko..
actually nagka idea ako to write this story..dahil
sa series na talagang sinusubaybayan ko na THE WALKING DEAD..
pero di naman parehas ang kwento iniba ko talaga..
base sa malikot kong imahinasyon...support niyo po..
thanks..
and irecommend o ishare niyo if talagang nagustuhan niyo...:)
BINABASA MO ANG
Survive the World of Zombies
Horrorpaano nga ba kung isang araw magising ka sa mundo ng mga zombies? makakatagal ka kaya at masasabi na you survived the world of zombies... ... .. . hope you all enjoy reading my story...