scene 1

757 20 3
                                    

ako si Charles Anggeri isang hamak na tambay,kasama ko ang aking ina at isang kapatid na babae...
normal na buhay...kumakain,natutulog,nag-iinom,nakikipagbasag-ulo...
at kinakainisan ng ibang tao..
sabi nga nila mukha ng isang anghel ugali ng demonyo...
pero sa sitwasyon ko ngayon at sa ibang taong nabubuhay pa at nakikipaglaban para mabuhay..
looks doesn't matter...
money...
magarang sasakyan..
magandang bahay...
mga mamahaling gamit...
hindi na mahalaga lahat ng yan...
ang mahalaga ngayon?
ang MABUHAY!...

bakit ko nasabi?

ganito kasi yun!....
nagpapastol ako ng mga kambing namin sa bundok...
oo may mga kambing kami..
at sa probinsiya ako nakatira...
tanging pagpapastol lang ng kambing ang tanging matino kong ginagawa sa booooring kong buhay....

habang nagpapastol ay humiga ako sa lilim ng isang puno...
pinabayaan ko lang yung mga kambing na sumibsib ng mga damo...
dahil hindi naman lalayo ang mga ito...wala akong pakialam kong may masira o makain itong mga pananim...
sanay na kong kinakagalitan ng mga may-ari at ipabaranggay...
astig di ba?
hehe...

habang nakahiga ako sa lilim ng isang malaking puno...
ay nakatulog ako...at d namalayan ang oras...
mag-aalas 7 na ng gabi ng magising ako sa ingay ng mga kambing na nasa gilid ko na pala...
binilang ko ang mga ito at buti naman at kompleto...
agad ko nalang itong pinapasok sa kubo namin sa bundok at tsaka ko sinara para hindi na ito pa makalabas...
at bukas ng umaga ay ipapastol ko sila ulit...at pati narin sa hapon...

kaya bumaba na ako sa bundok para umuwi...
habang papalapit na ako sa mga kabahayan ay unti-unting kong naririnig ng malinaw ang tila mga sigaw ng mga tao...
napahinto ako sa paglalakad...
at pinakinggan ang kanina ko pang naririnig na mga sigaw na tila ba may malagim na nangyayari...
pinakiramdaman ko ang paligid....
at nagulat ako sa nakita ko sa di kalayuan...
isang babaeng duguan at susuray-suray na naglalakad...may mga sugat ito sa katawan at mukha...

mga taong nagtatakbuhan na tila naghahabulan...
ngunit ang ikinakilabot ko ay ang pagkain ng mga ito sa kapwa nito tao...
kinakagat nito ang mga laman at kinakain...

halos di ako makapaniwala sa mga nakikita ko...
unti-unti ay lumakad ako pero patago para hindi ako mapansin ng mga tila halimaw na mga tao...
baka kasi pag nakita nila ako ay kakainin din nila ako...
naku! ayokong maging hapunan ng mga yun...
at isa pa nag-aalala ako sa mama at kapatid ko baka napahamak na sila...
kahit puro sakit ng ulo lang ang naibibigay ko sa kanila ay hindi ko parin nman gugustuhing may mangyaring masama sa mga ito ....
kahit papaano ay pamilya ko sila at mahal ko sila...

nakarating ako sa bahay ng walang nakapansin na mga taong kumakain ng kapwa tao ..
sa pagpasok ko sa bahay ay agad ko hinanap ang mama at kapatid ko...
magulo ang loob ng bahay na parang may sagupaan na nangyari..
pero hindi ko sila mahanap...
marahil ay nakaalis na sila..
kailangan ko silang hanapin at baka kung ano ang mangyari sa kanila...

suot suot ko parin ang itak sa bewang ko...at umalis ng bahay para hanapin sila...dumampot din ako ng isang kakanin sa mesa at sumubo...
syempre nagugutom na ko noh?

sa paglabas ko ng bahay ay agad ako napansin ni Mang Poldo..
duguan ito at may mga kagat sa leeg,braso at sa ulo nito...

palapit ito sa akin kaya tinadyakan ko ito...na ikinatumba nito..
agad naman itong nakabangon at akmang susugod ulit sa akin...
kaya agad ko itong initak sa ulo...
nahati ang ulo nito at bumagsak ito sa lupa...

unang beses kong pumatay ng tao...
Oo basagulero ako at takaw gulo pero di naman ako pumapatay...binubugbug ko lang ang mga ito para turuan ng leksyon...
Pero iba ito ngayon hinati ko ang ulo ni Mang Poldo gamit ang itak ko...
nagsorry pa ako rito bago ako lumayo para hanapin ang pamilya ko...

Survive the World of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon