scene 12

195 5 0
                                    

* pamela's POV *

mag-iisang linggo na din mula ng makita namin si Mae sa airport at naligtas..
labis ako na nasaktan sa mga naging rebelasyon nila sa kanilang naging relasyon..

may-anak na pala si Charles sa babaeng iyon..at maging ang mga nangyare sa kanilang pagmamahalan ay nalaman ko din...

hindi ko alam ang nararamdaman ko..
kasi kong tutuusin ay wala naman talaga kaming relasyon ni Charles..
oo may mga nangyayari sa amin..
na dahilan para umasa ako na magiging kami..
na sasabihin niya sa akin na mahal niya ako...

pero nawala na ang pag-asang pinanghahawakan ko..
bumalik si Mae at ngayon ay ginugulo ang sana ay love story namin ni Charles..

nakakainis,nasasaktan ako..
parang gusto ko mawala na lang...
at lumayo sa kanila..sa tuwing makikita ko na inaalagaan niya si Charles nasasaktan ako..pumuputok ang botse ko..

dapat ako iyon,dapat ako ang nag-aalaga sa kanya..dapat ako at hindi si Mae..

lagi akong umiiwas sa tuwing kakausapin ako ni Charles hindi ko alam pero hindi pa ako handa na kausapin siya...

marami pa akong nalaman pati ang lihim na pagkatao ni Ruel at ang lihim nitong pagtingin kay Charles..
kaya pala malayo ang loob niya sa akin..

pero sa isang banda naawa ako sa kanya..at lubos ko siyang nauunawaan...
pero ang mawala siya ay hindi namin natanggap..
bakit pa humantong sa ganoon..
sa bagay walang kasiguraduhan ang buhay..
kung saan ka lang makakatagal nasa mauuna lang..

sa pagiging zombie ni Ruel ay isang kahilingan ang nais niyang mapagbigyan..
nais niya na si Charles ang papatay sa kanya..
nais niya na sa mga bisig ni Charles siya bawian ng buhay...

at yun naman ang ginawa ni Charles
bago pa man maging zombie si Ruel ay niyakap na niya ito..
at ng mawalan na ito ng buhay ay agad na niya itong binaril..bago pa man ito maging zombie...

pero meron pa akong ikinababahala.
dahil higit isang buwan na akong hindi dinadalaw ng buwanang dalaw ko..
at pati mga symptoms ng pagbubuntis ay nararanasan ko...
hindi ko alam kong matatanggap ito ni Charles..hindi ko alam kong paano sasabihin kay Charles ang mga nararanasan ko..

ngayon pa na mukhang ako na ang kontrabida sa kwento nila..

sa paglalakbay namin ay nadaanan namin ang isang bayan..
at doon ay nakita namin ang isang kampo..
tinungo namin iyon..para makakuha ng mga baril..
nauubusan nadin kasi kami ng mga bala..

kaya tinungo namin ang kampo..
lahat kami ay pumasok sa loob..
papasok palang kami ay
madami na kaming naka encounter na mga zombies..
hanggang nakapasok kami sa loob ng kampo..

pinasok namin ang bawat silid...
may mga nakita naman kami na mga baril at yung ilan ay nakuha namin sa mga sundalo na naging mga zombies na...

napunta din kami sa imbakan ng pagkain..doon ay pumasok kami..
ng mapansin namin na kulang kami..
nawawala ang dalawang katulong ni Mae..
marahil ay nahiwalay ito sa amin..
madilim kasi sa daan na tinahak namin sa pagpasok sa loob ng kampo...

dito lang kayo!
babalikan ko sila..
sabi ni Charles..
at sumama naman si Nelrose at Angelito....

matagal din sila na hindi nakabalik....
at sa pagbalik nila ay malungkot na mukha ang bumungad sa amin..
wala na sila..
huli na kami..
hindi namin sila nailigtas...

umiyak naman si Mae sa narinig..
marahil ay napamahal na din sa kanya ang mga ito..

ilang gabi din kami nanatili sa naturang kampo..
at sa ilang gabi na pananatili namin
ay nag-usap din kami ni Charles..

iniiwasan mo ko?
bakit dahil ba kay Mae?
tumayo ako sa kinauupuan ko at tumalikod sa kanya..
sa mga tanong niya ay wala akong gustong sagutin...
pero hinarap niya ako sa kanya..
at nabigla ako ng halikan niya ako..
matagal iyon at puno ng pagmamahal
natinugunan ko din..

sa pagbitiw ng aming paghahalikan ay nagsalita siya..
hindi mo ko kailangan iwasan...
yung sa amin ni Mae?
wala na iyon..tapos na ang lahat sa amin..
at may iba na akong mahal...
at ikaw yun!..
sa mga narinig ko ay agad ko siya na niyakap ng mahigpit...
teka lang!
hindi ako makahinga..
at agad ko naman siyang binitawan..
pero tumawa siya..
kaya agad ko siya hinampas ng hawak kong damit...

at hinalikan niya ako ulit...
naging mainit iyon at pinagbigyan namin ang naglalagablab na pagnanais ng aming mga katawan..
pinagsaluhan namin ang gabi na iyon ng puno ng pagmamahal...at sinabi ko din sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko...
kinatuwa naman niya pero andoon din ang pangamba na isisilang ang bata sa ganitong klaseng pamumuhay at delikadong mundo...

sa pagbalik namin sa mga kasamahan namin ay nakita ko si Nelrose at Angelito na nagkukulitan..
mukhang may namumuo na din sa pagitan ng dalawa...

si Mae na nag-aalaga sa anak nila ni Charles...
at si Kuya Julius na naglilinis ng ilang mga baril..
at ng mapansin ako ay hinagis sa akin ang isang baril..
hindi ko alam kung anong uri ito na baril..
ang mahalaga sa akin ay magkaroon ng proteksyon..
naghagis din ito ng isa kay Charles...
at nagpasalamat naman si Charles...

ng biglang nagsalita si Mang Teban..
gumagana pa ito...
at nilakasan ang volume ng isang device na gamit ng mga militar at kapulisan..para makausap ang mga kasamahan..

sa pag-andar ng device na ito ay may mga naririnig kami..
kung may nakakarinig sa akin..
ay sumagot kayo..
ako si Sgt.Alejandro Valdes ..
..
kinuha ni Charles ang device at kinausap..ang nasa kabilang linya...
Sgt.Valdes ako si Charles Angeri
at may mga kasama pa ako..na mga nakaligtas...

copy...copy..
nasaan ang lokasyon niyo Charles...?
madami pa itong sinabi pero hindi na ito malinaw ..
at naputol na ang tawag..

hello....hello Sgt.Valdes!
hello?...
pero wala ng sumasagot sa kabilang linya...
Sh*t...
sambit ni Charles...

inayos ulit ito ni Mang Teban..
at sana ay maayos pa ito...

sa ilang gabi na pananatili namin sa kampo ay nagdisisyon na kami na lisanin ito...
dala ang ilan sa mga pagkain na nakuha namin sa imbakan..

ng sa paglabas namin ay nakasalubong namin ang ilang mga kalalakihan...
armado din ang mga ito....
tinutukan nila kami ng mga dala nilang armas..
pero hindi kami nag patinag dahil itinutok din namin ang dala naming armas...

pero kinausap ni Charles ay namumuno sa mga ito..
kung pagkain lang ang hanap niyo madami pa sa imbakan sa loob...
wala kaming balak na kalabanin kayo..
hindi tayo magkaaway dito..
pareparehas tayong nais pang mabuhay...
ngayon kung gusto niyo ng laban hindi namin kayo uurungan..
narinig kung sabi ni Charles..

suminyas ang lalaki sa mga kasamahan niya para papasukin ang mga ito sa loob..
at ilang sandali lang ay may isang lumabas..
"Boss madami pang pagkain sa loob"
sabi nito...

sa oras na magkrus uli ang landas natin..sinisigurado ko na iyon na huling pagkikita natin...
sabay tutok nito ng baril sa sintido ni Charles..
at bangga kay Charles at sumunod na ito sa mga kasamahan.....

agad naman kami na sumakay sa mga sasakyan namin at nilisan ang lugar...

binaybay namin ang daan na hindi namin alam ang patunguhan...
basta alam namin kailangan namin makita ang lugar kung saan magiging ligtas kami..
at kung saan nandoon rin marahil ang pamilya ng mga kasamahan ko...

sa paglalakbay namin hindi ko sigurado kung ano ang naghihintay sa amin..







Survive the World of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon