scene 2

426 12 0
                                    

* Ruel Siera's POV *

Ito ang mga nangyari bago kami nagkita ni Charles Anggere...
nasa kwarto ako noon ng may sumigaw sa labas ng bahay...
agad akong napasilip sa bintana para tignan..

mula doon ay nakita ko ang ilan sa mga kapitbahay ko na hinahabol ng mga duguan ko ding mga kapitbahay...
lumabas ako sa kwarto at hinanap ang mga magulang ko..

ma,pa?
anung nangyayari sa labas...
sigaw ko sa kanila..
ng biglang makita ko ang isa naming kapitbahay na duguan at may mga malalalim na sugat sa katawan..

nakatayo ito sa loob ng sala at pilit na lumalapit kina papa..
na noon ay nakatayo malapit sa may bintana..hawak hawak ang isang baseball bat....

halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan..sa takot ko...
at mas nangatog pa ako ng makita ang isa pa naming kapitbahay na nakapasok na din sa bahay...

lumalapit ito sa akin..na noon ay hindi na alam ang gagawin at hindi na makagalaw..
umikot sila papa sa may pagitan ng mga upuan at mesa papunta sa hagdanan na kinakatayuan ko...
agad ako niyakap ni Mama...

tanda ko pa ang sinabi ni Mama..

anak magpakatatag ka!
aalis tayo dito..maghahanap tayo ng ligtas na lugar ok..

at sumigaw si Papa na pinapaakyat kami sa taas...
ngunit sinugod na siya ng dalawang dugaan naming kapitbahay..
pilit ni papa na nilabanan ang mga ito...
hinampas niya ito ng hawak niyang baseball bat..sa ulo
natumba ang mga ito...
sa labas....!!!
sigaw ulit ni papa..

at agad kami na tumakbo palabas ni mama...
nang mapansin namin na hindi pala nakasunod sa amin si papa...
agad kaming bumalik ni Mama para tignan si Papa...
ng marinig namin ang sigaw ni Papa..
Ahhhhhhhhhhh....
sigaw na puno ng sakit dulot ng pagkagat ng dalawa naming kapitbahay sa binti at tiyan niya...

Alfredo???? diyos ko....!!!
sigaw ni Mama habang umiiyak..
samantalang ako ay walang nagawa kundi ang tumulo ang luha...
habang pinagmamasdan si Papa...

ng bigla ay may humablot sa akin mula sa likuran na ikinatumba ko...
at bumungad sa akin ang mukha ng isang Zombie...
oo zombie! tulad ng mga napapanood ko sa mga movies..mga patay na muling nabubuhay at ginagawang pagkain ang laman ng mga buhay...
kinain nila si Papa at ngayon ay ako naman ang kakainin nila...

sumigaw ako ng ubod ng lakas...
tulungan niyo ko!
Mama....
Pilit inaabot ng zombie ang mukha ko para kagatin..
nasa ulunan ko siya habang ako ay nakahiga sa lupa...

agad na lumapit si mama sa kinaroroonan ko..
at tinulak ang zombie na ikinalayo nito at napahiga ito sa lupa...
agad naman akong itinayo ni Mama...
at tatakbo na sana kami ng mahablot ng zombie ang kamay ni mama..
at kinagat ang braso ni Mama...
napasigaw si mama sa sakit..

itinulak naman ito ni mama..
at nabitiwan siya nito..
tumakbo kami ni Mama
sa daan ay marami ang mga patay na nakahiga at ang ilan ay muling bumabangon..at sumama sa mga humahabol sa amin...

nadapa si Mama...habang hawak-hawak ko ang kamay niya...
pilit ko siyang pinapatayo..
pero mukhang napilay siya..
pinapaalis ako ni mama...tinutulak niya ako palayo..
malapit na ang mga zombie na humahabol sa amin..

iwanan muna ako anak...
iligtas mo ang sarili mo....
mahal na mahal kita...
mahal na mahal ka namin ng papa mo...tandaan mo yan...
sinasabi sa akin ni mama...
ayoko ko sana siyang iwan at pilit ko pa siyang tinatayo pero sinigawan ako ni Mama...

umalis ka na sabi???!
alis na......!

napaatras ako at saglit na natulala...
sa sinasabi ni Mama...
ng muli siyang sumigaw..
alis na anak....!!!
kitang kita ko ang mga luha sa mata ni mama at ngiti nito...
ang huling ngiti ni mama para sa akin...ngiti na nakikiusap...

Survive the World of ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon