Simula
"Tol, yung crush mo oh!"
Agad akong napatingin barkada kong si Kelson dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko kayang marinig 'yon ng team namin lalo pa't baka pagbuntungan ako ng galit dahil ang iba dito ay may gusto rin sa kanya.
Lihim akong napatingin habang siya'y busy sa pagbabasa ng libro. Seryoso ang mukha, walang bahid ng paglalaro. Hindi ko alam kung bakit napadpad siya dito gayong hindi niya naman hilig ang panonood ng basketball.
Napahinga ako ng malalim. Maganda siya. Iyon ang palaging bukambibig ng mga kalalakihan dito. Sa seventy percent ng populasyon ng mga lalaki sa paaralan na 'to, alam kong kalahati no'n ay may gusto rin sa kanya. She's the type of every man in this university.
Walang kapintasan ang itsura. Mataas. Maputi at higit sa lahat, matalino. Palagi siyang kinukuha ng mga school bilang representative sa iba't-ibang laban ngunit palagi ko rin naririnig na wala siyang interes sa mga 'yon.
"Ang ganda naman kasi talaga ng anak ni Gov noh? Parang Victoria Secret ang atake ng mukha, tol." dagdag pa ni Kelson.
Tinignan ko siya ng masama. Bukod pa sa wala akong pag-asa bilang isang lalaki na lihim na nagkakagusto sa kanya, anak siya ng Gobernador namin sa lungsod! Sobrang bagsak ako sa standard nyan. Hindi naman kami mahirap pero kung itatapat sa kanila, para lang kaming basahan.
Nandito kami sa kanilang basketball court. Magkaiba kami ng university. Sa katunayan, ilang milya lang naman ang layo ng school nila sa akin. Practice namin dito dahil may laban bukas para sa AUBG o mas kilalang Annual Universities Basketball Game. Sila ang host ng event kaya dito ang practice.
Palagi akong nandito. Lihim siyang sinusundan palagi sa araw-araw. Stalker na ba ako? Malamang sa malamang ay ganoon na nga ang tawag sa akin. Simula ng makita ko siya hindi na nawala sa isip ko. Para bang may mahika, hinahanap-hanap ng mga mata ko. Sa tuwing napagmamasdan ko ang kanyang mukha, sobrang gaan ng pakiramdam ko.
Wala, siya talaga ang pangpakalma ko. Para na akong gago sa mga iniisip ko sa tuwing nakikita ko siya. Nakakabakla pa lang magkagusto sa babaeng walang pag-asa.
"Uy tol, tignan mo oh! Kinakausap ni Alric!" si Kelson.
Agad akong napatingin sa banda niya. Nakangiti siya habang nakikipag-usap sa ka-team kong may gusto rin sa kanya.
Tangina. Huminga ako ng malalim bago tumayo at lumapit. Huminto ako sa baba ng inuupuan nila.
"Ric, tawag ka ni coach." I lied.
Kailangan ko siyang paalisin dahil kumukulo ang dugo ko ngayon. Baka kapag hindi ko matansya, makagawa pa ako ng gulo.
Tumingin sa akin si Sistine, seryoso ang mata habang hindi na nakangiti. Tsk! Ang galing ha! Ngumingiti kapag sa ibang lalaki! Galing!
"Talaga? Sige punta na ako." aniya at nagpaalam pa kay Sistine.
Tumango ito at umalis naman agad si Alric. Napahinga ako at muli siyang tinignan. Nagkatitigan kami. Mata sa mata. Seryoso siya.
I smiled. Tangina, ang awkward ko! Hindi siya ngumiti at muling bumalik sa kanyang pagbabasa. Napailing ako at bumalik nalang sa upuan namin ni Kelson. Nakangiti asong itong kaibigan ko habang napapailing-iling.
"Umalis ka na nga! May practice rin kayo diba?" pagpapaalis ko sa kaibigan.
Iba ang sport ni Kelson. He's a volleyball player. Samantalang si Jesuren ay track and field naman. Tatlo kaming magkakaibigan. Pareho ng pinapasukan na paaralan. Hindi na kasi humiwalay ang dalawa sa akin simula nung matapos kami sa elementary at senior high school. Hanggang sa college, magkakasama kami.
"HAHAHA! Grabe ngayon ko lang nalaman na seloso ka sa babaeng hindi ka naman kilala! Naku!" natatawa niyang sabi.
Sinuntok ko ang kanyang braso sa inis na nararamdaman. Paano ba kasi turuan ang puso na hindi magselos sa hindi naman akin? Malayong maging akin itong si Sistine. Hinding-hindi ako nyan papansin. Kahit pa umiyak ang tala sa langit, hindi ako papansin no'n.
"Tol, pigilan mo habang maaga pa. Delikado yan." abiso ni Kelson bago ako iwan.
Inisip ko na yan noon pa. Simula highschool ako, inisip ko na yon. Sinubukan ko pa ngang pigilan e. Pero saan ako dinala ng pagpipigil ko? Heto at mas lalo pang nabaliw sa kanya. Hindi ako makakaahon mula sa pagbagsak kay Sistine. Siya ang pahinga ko at pangkalma.
Muli akong tumingin sa banda niya. She's busy reading. Maingay ang loob ng court kaya hindi ko alam kung naiintindihan niya ba ang binabasa. Sana ako nalang yung naging libro. Paulit-ulit niyang pagmamasdan hanggang sa matapos sa pagbabasa.
Bumaling siya pabalik sa akin. Gamit ang mga matang malalalim at seryoso. Wala talaga akong maikumpara sa mukha niya. She's beyond perfect for me.
Para siyang mahiwaga sa akin. Siya ang paulit-ulit kong pipiliin sa araw-araw. Ngumiti ako at napahinga. Gaya ng mga naunang reaksyon, umiwas siya ng tingin sa akin.
Nagsimula muli ang practice namin. Si Alric ang point guard ngayon. Maingay ang basketball court habang paulit-ulit kaming nagpa-practice. Naisip ko baka kaya nandito si Sistine dahil sila na ni Alric? Is she supporting Alric? Kasi kung titignan, wala yung mga kaibigan niyang babae dito. She's here, alone. Baka nga sila na?
My heart beat for pain. Akalain mo, kung saan-saan napupunta ang iniisip ko. Kung hindi pagseselos, sakit sa puso naman dahil sa pag-iisip ng masasakit na pwede niyang gawin sa akin.
Inis kong siniko si Alric kaya natamaan ito sa panga. Agad na pumito ang coach namin at pumagitna.
"Ano bang problema mo, Salarcon!?" bulyaw ni Alric.
Tinignan ko siya ng malamig bago ngumisi.
"Naiinis ako sa pagmumukha mo!" sigaw ko pabalik.
Tinalikuran ko siya at lumapit sa bag ko. Kinuha ko ang pamunas sa pawis. Napatingin ako sa banda ni Sistine, nagtaka ng makitang wala na siya doon. Nang bumaling sa pwesto ni Alric, she was there...wiping that mother fucker wets!
Mas lalo akong nagalit. Tangina! Padabog kong kinuha ang bag. Nakita ko ang palapit naming coach.
"Candro, what is your problem?" tanong nito.
Umiling ako at nagpatuloy sa pagpalabas. Tumingin muna ako ng isang saglit sa kanila, she's staring at me now. Pinakita ko sa kanya ang galit kong mukha. Lumabas na ako at hinayaan siyang gawin 'yon sa lalaki niya!
Damn it! Galit ako at wala siyang kaalam-alam na galit ako sa kanyang ginagawa. Tanginang pagseselos 'to! Kapag talaga maging akin siya, wala siyang ibang lilingunin kundi ako lang!
---
©Alexxtott2024
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)
RomantikAlam ni Candro Salarcon na bihira magkagusto sa isang lalaki ang anak ng gobernador nila sa lungsod. Bukod sa bihira itong lumabas ng mansyon, hindi rin ito halos makita sa iba't-ibang okasyon na meron ang ama nito. Pero dahil sa makulit ang kanyang...