Kabanata 8

879 34 0
                                    

Kabanata 8

Mahal


"You are smittenly in love with me?" she forwarded what I said.

I nodded like a dog. Nakayakap na ako sa kanyang baywang habang nasa sasakyan pa rin kami. Kalmado na ako ngayon. Hindi tulad kanina na halos sumabog 'tong puso ko upang sabihin sa kanya ang nararamdaman.

"Paano mo ako minahal?" aniya sabay haplos sa dibdib ko.

Really? Do I need to explain everything to her? Do I need to elaborate how I fall to her? Pero sige, sasabihin ko. Para malaman niya. Para maging aware siya na sobra akong hulog na hulog sa kanya.

"Senior High ka palang, I was always at your school. Nakita kita sa campaign ng Papa mo, I was there cheering and promoting your father. Sa unang pagkakita ko palang sayo, hindi na ako nakatulog ng maayos. I'm always thinking of you. Iniisip ko kung magugustuhan mo rin ba ako pabalik? Kasi mahirap umasa lalo pa't anak ka ni Gov." unang sabi ko.

She nodded and sighed heavily. I caressed her waist gently.

"Sistine, simpleng lalaki lang kasi ako. I'm not rich. I'm not born with a gold spoon and fork in my mouth. My mother is striving for us. My father cheated. Wala kami kumpara sainyo. Let's say...basura lang kung malalaman ni Gov kung gaano ako nababaliw sayo." humina ang boses ko.

Tumango siya at patuloy na hinahaplos ang dibdib ko. She even caressed my jaw softly. Habang tumatagal kami dito, mas lalo akong nahuhumaling sa babaeng ito. She's like a witch, and had power on me.

"I try to divert my feelings. But guess what? It didn't work. Saan ako dinadala sa tuwing tinatakbuhan ko ang nararamdaman sayo? Sa paaralan niyo, stalking you, making sure that you are doing fine and walang boyfriend. Hindi ko alam kung bakit seloso at demanding ako. Gusto ko kasi, yung akin, akin lang dapat. Walang ibang iisipin. Walang ibang lalaki sa buhay. Ako lang. Matutong makuntento sa akin." sagot ko sa kanya.

"Well, thank you for explaining that. At least, I'm aware now." she said softly.

I nodded and smiled at her. Muli siyang lumapit sa akin at dinampian ako ng mga halik sa labi. I couldn't control myself when it comes to her kisses. I want more. Hinawakan ko ang kanyang panga at mas lalong nilaliman ang halikan namin. Kontento na ako sa labi niya. And I am sure of this, siya lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito. Ibubuhos ang lahat sa kanya. Siya lang ang babae para sa akin. Hindi ko na 'to mahahanap sa iba.

"Go, Salarcon! Win your team!" sigaw ni coach.

Pawis na pawis ako habang hawak ang bola. Hindi makalapit sa akin ang mga kalaban kasi nakaharang ang team ko. When I throw the ball, agad 'yong pumasok sa ring. Malakas na hiyawan ang dumagundong sa gym ng manalo kami. Napahinga ako ng malalim at tumingin sa banda ni Sistine. She was there, standing and cheering for me too. My heart is pounding crazily right now.

After that night, hinatid niya ako sa bahay. Nahihiya pa ang ako dahil siya pa naghatid sa akin. Hindi ko naman kasi dala yung motor ko. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. She smiled too. Kumuha siya ng towel at mabilis na pinunasan ang pawis ko. I sighed heavily. Ramdam ko ang titig sa amin ng mga tao. Maging si Mama ay nagtataka na rin.

"Congrats! Sobrang galing mo sa basketball." she said softly.

I nodded. Inabot ko ang kanyang labi at hinalikan siya bago ngumisi. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang pisnge. She even put a bandaid on her neck, to hide my hickey.

"Thank you for cheering me. Are you available later? May handa si Mama sa bahay." sabi ko sa kanya.

She nodded.

"Sure! Pwede ba akong pumunta doon?" aniya nang matapos punasan ang pawis ko.

I hugged her waist. Damn! Sobra akong PDA ngayon. Hindi ako nakakaramdam ng hiya na.

"Of course! Ikaw lang ang babaeng makakapasok sa bahay namin. Sunduin kita after 5:30 PM?" tugon ko sa kanya.

Tumango siya at muling ngumiti sa akin. Binuksan niya pa ang gatorade at binigay sa akin.

"Thank you." sabi ko at muli siyang hinalikan sa pisnge.

Umiling-iling lang at kinuha ang kanyang bag. Mamaya pa, lumapit na ang mga kaibigan ko maging si Mama at kapatid ko.

"Tol, congratulations! Grabe ka talaga! Pumasok ka na kaya sa PBA?" sabi ni Kelson.

Umiling ako sa kanya at ngumiti sa aking Ina. I hugged her and kissed her cheeks.

"Why are you kissing the governor's daughter? What is it, Alicandro?" seryosong boses ni Mama.

Ngumiti lang ako sa kanya. I know she's just worried.

"Ma, kasama si Sistine sa bahay mamaya ha." sagot ko.

Sumeryoso ang kanyang mukha.

"Andoy, I'm asking you, why are you kissing her? Is she your girlfriend?" my mother said seriously.

I sighed heavily.

"I'm dating her, Ma. Why?" tanong ko pabalik sa aking Ina.

"Mag-usap tayo sa bahay mamaya." aniya sabay lakad palayo sa akin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. What's wrong with her? Am I not allowed to date her?

"Dude, mukhang seryoso si Tita ha. Baka mamaya tutol 'yon kay Sistine." si Jesuren sa aking tabi.

Napahinga ako ng malalim at inisip ang ginawa ni Mama. Maybe she's just worried? Baka ang iniisip niya, bawal akong maging boyfriend ni Sistine? Or is it because, Sistine is the daughter of our governor? Iyon ba ang rason? Iyon ba ang kanyang inaalala?

"Ma, what's the matter?" tanong ko sa aking Ina.

Nasa bahay na kami. She's not smiling and very serious now.

"Are you out of your mind, Alicandro? That woman is the governor's daughter! Hindi mo ba naisip na ibibigay ni Gov yang anak niya sa mayaman na katulad nila! Look at us, anak! Wala tayo sa estados ng buhay nila! I don't want to hurt you but please, think about that, Andoy." she said worriedly.

I sighed. Hindi naman ganoon si Sistine e. Hindi naman siya magpapadala sa kanyang pamilya diba? Kapag maging kami, she will protect our relationship from her family!

"Ma, calm down please? Sistine is not like that. She knows how to take care of herself. She had her own decision. Hindi naman siya magpapadala sa gusto ng kanyang pamilya." sagot ko sa aking Ina.

She shook her head.

"You don't get it, son! You don't get the point here! Oo, hindi siya magpapadala sa kanyang pamilya pero may magagawa ba siya kung ano ang gusto ng kanyang Papa? It's her family, anak! Wala siyang ibang sasandalan kundi ang kanyang pamilya lang. Ayokong umabot sa punto na pati ikaw mawala sa akin, Candro. This is not just for love, their family has the power to kill you. Madumi ang pulitika. Sanay na yang si Gov na kumitil ng buhay." she cried.

Umiling ako at niyakap ang aking Ina. I get her point. I get what she wants to instil in my mind. I get it. Pero paano nga ba tatalikod sa pagmamahal na ito? Paano nga ba kakalimutan ang pagmamahal na meron ako kay Sistine? Mahirap. Sobrang hirap.

"M-mahal na mahal ko siya, Ma. Mahal ko siya." I said as I cried with my mother.






---
©Alexxtott2024

The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon