Kabanata 22
Father
"I need to win this case, Attorney!" Mr. De Asis noted.
Napahinga ako habang iniisip ang kanyang kwento tungkol sa case na ito. I know that the family he loathed is filthy rich, I cannot deny that Mr. De Asis on the other hand, has power too. Mahirap lang dahil mas naunang nakilala ang gobernador ngayon kaysa sa kanya. But if I'm going to win this case, I know I'll make him famous.
Tinago ko ang binabasang mga information galing sa kliyente. I'll try to think of a way to win his case. Mahirap kalabanin ang pamilyang iyon. Kaya nga hanggang ngayon, nandyan pa rin sila sa posisyon. Pero kung matatalo ko sila sa laban na ito, maipapakita ko sa Governor na iyon na hindi lang ako basta nagtapos ng pagiging abogado, I am great in my field.
"I'll see you tomorrow, Attorney." he bid goodbye.
Tumango ako. He was guided out of our firm law office. According to the information I gathered, malakas ang laban ni Mr. De Asis sa election. Maraming nagsasabi na siya dapat ang manalo dahil gusto ng taong bayan ng bagong lider na magbibigay ng tapat na serbisyo sa lungsod. Pero lahat ng paghihirap ng mga sumusuporta sa kanya ay biglang nawala dahil sa naganap na vote buying.
Ang pagbibili ng boto ay isang uri ng krimen sa batas. Ito ay nakasaad sa law ng Comelec. Hindi ko lang alam kung bakit may mga kandidato na nakakalusot sa krimen na ito. Siguro ko'y pati ang nasa ahensya ay kayang bayaran?
Saan napunta ang dignidad? Para lang sa pera ay papayag kang manalo ang hindi karapat-dapat sa pwesto? That's unfair. Life is fucking unfair.
Hindi ako naniniwalang patas ang buhay ng isang tao. Walang ganoong buhay. Lahat tayo'y humaharap sa pagsubok ng buhay. Kung patas ang buhay, bakit may mahirap? Bakit may mayaman? Bakit may mga taong nasa lansangan? Walang makain at naghihirap? See? Life is fucking unfair. That's the reality.
Kinuha ko ang cellphone at nanood na muna ng mga news. When I scroll down, napatitig ako ng matagal sa screen ng aking phone. My heart ran so fast when I saw that face again.
"Anak ni Governor na si Sistine ay nasa bansa upang dumalo sa kaso ng kanyang Ama. Matatandaang umalis ng bansa ang anak ng Gobernador upang magsimula ng buhay. Ngayon, isa siyang sikat na modelo sa Hollywood." anunsyo sa balita.
Hindi nila nakausap si Sistine dahil napapalibutan ito ng mga gwardiya. Pero nakuha sa camera ang kanyang mukha, katawan at itsura niya ngayon. Napahinga ako ng malalim. Umigting ang panga ko habang nakatitig sa kanya.
It's fucking long year! Ngayon lang siya umuwi para sa kaso ng kanyang Ama? To what? To prove that she there to support his father wrongdoing? Bullshit!
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Kung maganda na siya noon, mas lalo siyang kuminang ngayon. Ano kaya ang nalalaman niya sa buhay ko ngayon? Is she aware that I'm a lawyer now? Paano niya naman malalaman, wala naman yon pakialam sa akin. She didn't even love me. Ako lang yung nagmahal sa aming dalawa.
See? Life is unfair. Love is unfair too. Kaya hindi masisisi yung ibang mga tao na napagod magmahal at lumaban sa buhay. Tired of fighting. Tired of surviving. At the end, they end their life.
Kuyom ang kamay ko ng pinatay ang cellphone. Hindi ako magpapatalo sa laban na ito. I'll make them see and prove that I am just like nothing, I have my own way to prove that my life, even though unfair, still standing and fighting.
---
Sistine POV
Ngumiti ako kay Mommy ng pumasok kami sa mansyon. Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin. Hindi ko akalain na nandito ako sa sariling bansa ngayon.
"Mommy!"
I smiled widely when I hug him tight. Halos hindi ako bitawan habang magkayakap kami.
"What took you so long to come home?" he rants.
I kissed his cheeks.
"You know that Mommy is busy abroad. How are you here?" I asked him.
He pouted his lips and then sighed. Parang ang tanda naman kung magbigay ng reaksyon ang anak kong ito.
"Hija, he's fine here." si Mommy at niyakap ako.
"Grandma, I'm still talking to my mother." my son grab me again.
Napatawa nalang ako pati si Mommy. Muli akong umupo upang magkapantay kami.
"Baby, I miss you." I said.
Unti-unting ngumiti ang anak ko at muli kong nakita ang mukha ng kanyang Ama sa kanya. Same features. Walang nakuha sa akin.
I feel so sad and bad for myself. I miss him so much.
"I miss you too, Mom. We will stay here for a long time?" he asked me.
Nandito ako upang tumulong sa kaso ni Papa. He was summoned to face the case filed against his opposition last election. I know that election is very dirty. I know that my father has that capability to use his power to win that campaign. Pero hindi 'yon tama.
"We'll see, baby." I said softly.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi. Napangiti nalang ako sa ginawa niya. He's such a sweet baby boy. Kahit hindi ko na siya baby, sobrang lambing pa rin sa akin.
Peter Alicandro is my son from Candro, the love of my life. Yes, we had a son. When I left the Philippines, I was pregnant with his baby. Sobra akong malungkot. Sobra akong nasasaktan para sa aming dalawa.
I love him. I truly love him. Sobrang hirap sa akin na makitang naghihirap siya sa kulungan bago ako umalis. I had no choice but to leave and accept our fate. Ayokong mawala si Candro dahil lang sa pagmamahal sa akin. He deserves to live and continue his life. Kaya nung binigyan ako ni Papa ng pagkakataon na ayusin ang buhay ni Candro, I chose it.
Pedro, our son is very loveable. Mahirap itago sa kanya ang lahat lalo pa't matalino siyang bata. Even his father, he knows him. Kaya nauna yang umuwi sa akin dito upang maghanap sa kanyang Papa. Hindi ko naman nilihim, ayokong itago sa anak namin ang katotohanan.
"I'll look for my father here, Mommy. And I will ask him why he's not with us!" Pedro said warningly.
I sighed heavily to my son. I hope Candro accept him as his. I don't want to hurt or ruin Pedro's eagerness to meet his father.
---
©Alexxtott2024
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAlam ni Candro Salarcon na bihira magkagusto sa isang lalaki ang anak ng gobernador nila sa lungsod. Bukod sa bihira itong lumabas ng mansyon, hindi rin ito halos makita sa iba't-ibang okasyon na meron ang ama nito. Pero dahil sa makulit ang kanyang...