Kabanata 4

878 30 0
                                    

Kabanata 4

Help


Napangiti ako sa ginawang fake account dito sa Facebook. Kanina habang nag-iisip ako kung paano magiging malapit kay Sistine, biglang pumasok sa isip ko ang paggawa ng fake account sa social media na 'to. Marami akong nababasa na minsan okay gamitin ang ganito pero susubukan ko. Kapag makita kong hindi siya mabuting gawin, ititigil ko.

Ali Nuevas, iyan ang gamit kong pangalan sa fake account. Kinuha ko ang Ali sa pangalan ko tapos apelyido ni Mama. Nag-edit rin ako ng picture ko, yung topless ako tapos namamawis ang katawan dahil sa practice namin ng basketball, blurred lang ang mukha para hindi niya mapansin na ako 'yon.

Tangina. Alam kong kasiraulohan 'tong ginagawa ko pero hindi ko mapigilan na gawin e! Sa ginawa niya kahapon sa gym, hindi ako pinatulog ng maayos. I was like, mulat ang mga mata ko hanggang alas-kwarto! Naabutan pa ako ni Mama na nagsi-cellphone kaya napagalitan tuloy!

All set na itong fake account ko. Hindi naman halatang ako pero kung makikita ni Sistine ang katawan ko, baka malaman niya. I sighed. Agad kong in-add friend ang kanyang Facebook account.

Sistine de Villamonte accepted your friend request.

Napabulagta ako ng mabasa ang notification ni Facebook. Shit! Ang bilis niya naman akong in-accept? Akala ko tatagal 'tong request ko ng ilang weeks. Napalunok ako at agad nagtipa ng message sa kanya.

Ako:

Hi ;⁠-⁠)

Tangina, para akong tanga na nakangiti ngayon! Nakita kong gumalaw ang icon sa messenger, nagta-type siya ng reply.

Sistine typing...

I sighed heavily. Her reply pop in.

Sistine:

Hi.

Napangiti ako sa saya. Ang simple lang reply pero nababaliw na ako dito! Ganito ba ang lalaki kiligin? Napasuntok pa ako sa mga unan.

Ako:

Ang ganda mo, palagi.

She reply immediately.

Sistine:

Thanks. Who are you? Did we met before?

I smiled. Hindi mo lang alam! Hindi lang met kundi mahal na kita! Walanghiyang puso!

Ako:

Palagi kitang nakikita sa school niyo. Sikat ka e! May boyfriend ka na?

Kupal ang bilis kong magtanong sa kanya ng personal huh? Syempre gusto kong malaman kung single ba siya! Pero baka mahalata niyang ako ito? Sinabi ko pang nakikita ko siya sa school nila! Yare baka mahalata agad ako!

I unsent the message but it was too late. Nagreply na siya!

Sistine:

That was too much. Not really fancy with relationship.

Napabuntong hininga ako. Not fancy with relationship pero may kiss sa pisnge ni Alric?

Ako:

Pero kumi-kiss sa pisnge?

I sent it. Bobo ka, Alicandro! Bakit ko 'yon sinabi! Mabilis kong binura ang reply pero nabasa niya na. I gritted my teeth. Hindi ko kasi mapigilan e! Gusto ko siyang tanungin kung bakit nanghahalik siya ng pisnge?

Sistine:

Oh, stalker?

Ako:

Syempre! Crush kita e!

The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon