Kabanata 16
Sacrifice
"I totally understand you working for our needs, Alicandro! Pero yung babaeng iyon? She's hitting you!" she screamed.
Kinabahan na ako. Sa paraan ng kanyang boses at mukha, kinabahan na ako. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. She's crying now. Nanginginig pa habang umiiyak.
"Baby, no, shhh, don't cry please?" I whispered.
She did not stop crying. Kabadong kabado na ako ngayon habang yakap-yakap ang babaeng inaalagaan ko. I know that she's feeling jealous, but I always assure her that she's only the one. Walang ibang babae.
She punched me. Scourging me.
"Ano ha! Pagkatapos mong gawin sa akin 'yon, gagawin mo sa higad na iyon!?" she said burstly.
Umiling-iling ako habang hinahalikan ang kanyang pisnge at noo. I want her to feel that there is no other woman.
Siya lang.
"No. Hindi ako ganoon, baby. Hindi ako gagawa ng ikagagalit mo. Ikaw lang. Wala akong ibang babae." mahinahon kong sagot.
She cried. Nanghihina na siya ngayon habang ako naman ay patuloy sa pagyakap sa kanya. Ayoko siyang bitawan. Ayokong maramdaman niyang pagod na ako sa amin. No. Hindi ako mapapagod sa amin. Mahal na mahal ko siya.
"I love you so much, Sistine." I whispered.
Dahan-dahan siyang huminahon bago tumayo at nagmamadaling pumasok sa banyo. Before anything else, I heard her, vomiting.
Agad akong sumunod sa kanya, binuksan ang pinto ng banyo at hinagod ang kanyang likod. She was crying while vomiting. Puro tubig ang sinusuka.
"S-sistine, anong nangyayari? Anong nararamdaman mo?" my voice shattered.
Nag-aalala ako sa kanya. Malayo ang ospital dito. Pero kung kailangan ko siyang dalhin doon, then I need to move as fast as I can. Tumigil siya sa pagsusuka at tumayo ng maayos. She looked at me, tired and weak.
Agad kong binigay ang towel sa kanya. I even wiped her sweats. Umilag siya at naunang lumabas sa akin. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya. She was quiet while resting on our bed. May ilaw na dahil sa pagpapakabit ng kuryente ni Bobby sa amin.
"Okay ka lang ba? Dalhin ba kita sa ospital?" tanong ko sa kanya.
She didn't move. Nakatingin lang sa labas ng bintana. Tahimik at malalim ang iniisip. Isang buwan at dalawang linggo na kami dito. Ngayon lang naman siya naging ganito. Pero may gabing umiiyak siya kapag hindi ako kayakap. Kinda bothering me but I want to be sure that she is fine.
"Kumain na tayo. Luto na itong pagkain." I asked her.
Pagkatapos ng gabing suka siya ng suka, naging malamig na siya sa akin. She didn't even kiss me or hug me. May nagbago. May kakaiba sa kanya. I want to figure it out.
"Mamaya na ako kakain." sagot niya.
I sighed. Palaging ganito. Hindi na sumasabay sa akin kapag kumakain. Nakakapagtaka at nag-aalala na ako.
"Hindi. Sabay tayong kakain." maingat kong sabi.
She looks at me, using her metal eyes.
"I said, no!" she burst out.
Napanganga ako sa kanyang ugali ngayon. Kakaiba ang Sistine na ito ngayon. Hindi ko na pinilit dahil baka mag-away na naman kami. Kumain rin naman siya pagkatapos ko. At nung natulog na, naririnig ko ang mumunting iyak niya. Agad akong bumangon sa sahig dahil doon niya ako pinatulog.
"Hey? What's wrong?" maingat kong sabi.
Nakita ko siyang nakaupo habang nakayuko. Umiiyak na. Agad akong lumapit at niyakap siya. Nagulat rin ako ng yumakap siya pabalik sa akin. Umiiyak sa balikat ko.
"H-hindi mo na ako mahal. May iba ka ng m-mahal." she cried.
I sighed heavily. Ganito parati ang sinasabi niya kapag umiiyak sa gabi. Sinasabi niyang hindi ko na siya mahal. May iba na akong mahal. Minsan, may kasama akong ibang babae. Ganoong mga salita, paulit-ulit, umiiyak at nagmamaktol sa akin.
I'm starting to feel uneasy. Something very weird. This is not the Sistine I knew. Something is weird.
"Shhh. Wala akong ibang babae. Wala akong ibang mahal. Ikaw lang." malambing kong bulong sa kanya.
Huminahon naman. Sa tuwing sinasabi ko 'yon, kumakalma naman siya. Siguro ko, naiisip niyang kasama niya ako at totoo ang sinasabi ko sa kanya. Na wala akong ibang babae. Na hindi ko siya papalitan ng iba. Siya lang.
"Pre, kumusta girlpren mo?" tanong ni Bobby sa akin.
Dumayo na siya dito sa bahay. Tatlong araw na akong hindi nakakasama sa laot. I'm monitoring Sistine's health. Baka may sakit na kaya binabantayan ko siya.
"Maayos naman. Nagpapahinga lang." tugon ko.
He sighed.
"Pasensya ka na kay Jayra. Ganoon talaga 'yon. Iwas-iwas nalang kapag lumalapit." paalala niya sa akin.
Tumango naman ako sa kanya. Simula nung nangyari sa dalampasigan, hindi ko na nakikita si Jayra. Naging busy na rin ako kay Sistine tsaka halos hindi na ako lumabas ng bahay muna. Kasya pa naman yung kinita ko sa isda kaya hindi na muna ako sumama sa pangingisda.
"Narinig ko kay Linda, may kasamang dayuhan daw yon nung isang araw. Kinabahan kami baka armadong lalaki, hindi naman daw." kwento pa ni Bobby.
Kumunot ang noo ko. Dayuhan? Sino namang dayuhan ang pupunta sa lugar na ito? This island is very isolated. Malayo sa syudad. Tahimik. Hindi marangya mamuhay pero masaya at masarap mabuhay dito.
"Sino naman kaya?" usisa ko.
Bobby shrugged his shoulder.
"Hindi ko rin kilala. Basta yung pangalan parang Aldric yata?" aniya sabay tingin sa dagat.
Kinabahan na ako. Who's Aldric? Very familiar name. May kutob na ako pero ayokong pangunahan iyon. This island is located far from the city. Imposibleng malaman nilang nandito kami? Sino ang magsasabi? Paano nila malalaman? Even Kelson and Jesuren do not know about our rest house here.
I should be more careful. Baka nasa paligid na ang tauhan ni governor. I don't want to ruin our relationship. I don't want Sistine to be away from me. She's the only woman I will love.
Napahinga ako habang iniisip ang mga plano. Kung nandito man ang tauhan ni governor, kailangan may plano ako. If they try to get Sistine, for sure, they will not hurt her. She's the daughter of the governor. Pero paano ako? Anong kaya kong gawin upang maitago si Sistine mula sa kanyang Ama? Paano ko siya mapo-protektahan kung sa ngayon pa lamang ay walang-wala ako sa kanyang Ama?
Paano ko siya mapapanatiling ligtas at malayo sa kanyang Ama? Wala pa akong plano pero sa oras na dumating ang araw na 'yon, I can sacrifice my life for her. Only for her.
---
©Alexxtott2024
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAlam ni Candro Salarcon na bihira magkagusto sa isang lalaki ang anak ng gobernador nila sa lungsod. Bukod sa bihira itong lumabas ng mansyon, hindi rin ito halos makita sa iba't-ibang okasyon na meron ang ama nito. Pero dahil sa makulit ang kanyang...