Kabanata 9
Smiled
Alam ko naman yung point ni Mama kung bakit takot siyang maging kami ni Sistine. Her family is wealthy. Governor pa ang kanyang Ama. May mga balita nga naman noon na maraming nawalang tao kapag sangkot kay Gov. Ang iba ay natatagpuang walang buhay. Pero may iba na hindi na lumitaw. Takot si Mama kasi hindi lang basta si Sistine ang haharapin ko sa kanila, I need to face her father. Knowing Governor de Villamonte, alam kong mahihirapan akong harapin ang kanyang pamilya.
Pero ano nga ba dapat ang gagawin ko? Paano ko mapipigilan ang sarili gayong mahal ko si Sistine. She's the woman I can see in my future. I want to build a family with her. I want her to be the mother of my children. Wala akong ibang makitang babae kundi siya lang. Wala akong ibang minahal kundi siya lang.
Kaya paano ko 'to tatakasan? Paano ko siya mamahalin? Sa paanong paraan ko siya ihaharap sa altar?
Sinuot ko ang helmet sa kanyang ulo. Nandito ako sa labas ng kanilang mansyon. She was wearing a very beautiful casual dress. Tumingin ako sa kanyang mga mata at ngumiti.
"You're so gorgeous." I compliment her.
Namula ang kanyang pisnge at sumakay na sa akin likod. After what happened that night, palagi na kaming nagkaka-usap ni Sistine sa cellphone. I call her every night. We chat and exchange good things with each other. And I'm dating her. She allowed me to date her. Kaya ngayon, malaya ko siyang naisasama sa akin.
She embraces her arms on my waist.
"Yumakap ka ng mahigpit. Aalis na tayo." sabi ko.
She nodded. Inamoy niya ang likod ko kaya natawa ako.
"Ang bango mo." aniya sabay halik sa likod ko.
"Ba't sa likod ka humalik? Sa labi ko dapat." sabi ko sa kanya.
Ngumuso siya kaya lumingon ako sa kanya at binigay ang labi. She kiss my lips immediately. Ngumiti ako. Buti nalang at hindi siya madamot sa halik. Pinaandar ko na ang motor at umalis na kami sa kanila. Mabagal lang ang pagda-drive ko, syempre ayoko naman may mangyaring masama sa sakay ko. Iniingatan ko siya ng husto.
"Huwag kang mahihiya sa Mama ko ha. She's kind." sabi ko sa kanya ng huminto kami sa tapat ng bahay.
"Yeah, I know it." aniya at hinubad ko na ang kanyang helmet.
Ngumiti ako at hinawakan siya sa baywang papasok ng bahay namin. Rinig ko na ang ingay ni Kelson at Jesuren kaasaran ang mga kapatid ko. Binuksan ko ang pinto kaya napatingin sila sa akin. My Mama sighed when she saw Sistine. Ngumiti ako at dinala papasok sa loob si Sistine.
"Ma, this is Sistine." pakilala ko kay Mama.
Mama sighed again and smiled at Sistine.
"Hello, hija. Nice to meet you." bati ni Mama kay Sistine.
Ngumiti naman ang kasama ko at humalik kay Mama. My heart melted again. She's very wife material for me. Bagay talaga sa akin. At para sa akin lang.
"Nice to meet you too, Tita." bati niya sa Ina ko.
Tumango si Mama at nilahad ang pagkain na nasa lamesa. My mother is always like this whenever I win from my sport. Nung senior high ako, naghanda rin siya kasi ako ang nagpanalo sa team ko before. Hinahandaan niya kami every time may nagagawa kaming mabuti sa pag-aaral namin.
Nicandro is good at academics. Palaging honor simula nung nag-aral kaya palaging may handa sa bahay kapag may medal ang kapatid ko. She always supports us in everything kaya mahal namin siya.
"Hindi ako tutol sa inyong dalawa ni Sistine, anak. Ipangako mo lang sa akin na walang mangyayaring masama sayo. Ikaw lang ang kayamanan na meron ako, kayo ng mga kapatid mo." aniya habang magkayakap kami.
Iyon ang huling napag-usapan namin ni Mama bago ako umalis at sunduin si Sistine sa kanila. Wala naman mangyayaring masama sa akin. Alam ko 'yon at po-protektahan ko ang sarili at pamilya ko.
Sabado ng umaga, maaga akong dumating sa Jollibee na pagta-trabahuan ko. Wearing a white polo tshirt, hair net, slack and black shoes, nililinisan ko ang lamesa na pinagkainan ng isang pamilya. Maraming tao ngayon sa Jollibee kasi sabado at sigurado bukas ganoon rin.
"Candro, pakilinis sa second floor." utos ni Ryan.
Tumango ako at agad na umakyat sa second floor. Nakakapagod pala ang trabahong ganito. Kaya saludo ako sa mga service crew na tumatagal at minamahal ang trabaho nila. Niligpit ko ang mga pinagkainan at muling pinunasan ang lamesa. I sighed and continued my work.
"First time mong magtrabaho?" tanong ng isang customer.
Ngumiti ako at tumango.
"Working student po." sagot ko.
She smiled and nodded at me. Siguro nasa bente palang ang edad itong babae. Nakatingin siya sa akin kaya nailang ako.
"Anong pangalan mo, Kuya?" tanong niya.
I sighed.
"Candro po." sagot ko.
Ngumiti ulit siya sa akin. Tumango ako at lumayo na para malinisan rin ang ibang lamesa. Habang hawak ang map, nagulat ako ng nasa likod ko na ang babae.
"May girlfriend ka na ba, Candro?" she asked me.
Napanganga ako sa kanyang tinanong. Should I answer her? Parang out of work na itong nararamdaman ko sa babaeng 'to.
"Yes po." maikli kong sagot.
Ngumuso siya. Ngumiti naman ako at nagpatuloy sa pagma-map sa sahig. Ano bang gusto nitong babae?
"Sayang naman. Hiwalayan mo na yang girlfriend mo." aniya sabay alis sa tabi ko.
Napailing ako at ngumiti nalang sa sarili. After my duty, pumasok ako sa crew room at nagpahinga. Free meal kaya kumain na rin ako habang ka-chat si Sistine.
Ako:
Labas tayo mamaya? Free ka? Punta tayo sa MOA.
She replied.
Baby:
Sige. I'm always available for you.
Napangiti ako at muling nakaramdam ng kakaiba sa puso. Dala ko naman ang motor tsaka uuwi muna ako sa amin para maglinis ng katawan.
Ako:
Sunduin kita sa inyo ha. Miss you :'(
Reply ko. Really? Napaka-clingy ko naman! Hindi ko pa nga girlfriend e!
Baby:
Hmm, kawawang baby naman :-(
Napatawa ako sa kanyang reply. Grabe 'tong si Sistine magpakilig! Kapag 'to talaga maging girlfriend ko, walang araw na ibubuhos sa kanya ang lahat sa akin.
Ako:
Kapag talaga maging girlfriend kita, humanda ka.
I smiled crazily. Napahinga ako at tinapos nalang ang trabaho ngayon araw.
---
©Alexxtott2024
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAlam ni Candro Salarcon na bihira magkagusto sa isang lalaki ang anak ng gobernador nila sa lungsod. Bukod sa bihira itong lumabas ng mansyon, hindi rin ito halos makita sa iba't-ibang okasyon na meron ang ama nito. Pero dahil sa makulit ang kanyang...