Kabanata 12

795 24 0
                                    

Kabanata 12

Sana


Nilinisan ko ang buong rest house pagkadating namin. Ang kapal na ng mga alikabok kaya pinagsuot ko muna ng face mask si Sistine habang nagpapahinga sa kwarto. Hindi ko maiwasang maisip ang mga nakaraan ng pamilya namin dito. My father is an honor man. Sa lahat ng mga tao na nakilala ko, siya ang tinuring kong bayani at inspirasyon.

Buong akala ko, mahal niya ang Ina ko. Buong akala ko, nagmamahalan sila. Pero bunga pala sila ng fixed marriage. My mother isn't his great love. Kaya dumating ang punto na nag-cheat siya sa babaeng kanyang mahal. I understand my mother's pain. She really tried everything to make my father love her. Pero sadyang sumusuko talaga ang puso kapag pagod na.

Ngayon, iniwan ko pa siya. Iniwan ko pa ang Ina ko dahil sa babaeng mahal ko. Ganoon ba talaga palagi ang mangyayari sa Ina ko? Iniiwan dahil sa pagmamahal? Paano ko ibabalik ang tiwala niya sa akin gayong nasaktan ko siya ng husto sa ginawa kong 'to? Paano ko siya masusuklian sa lahat ng mga ginawa niya sa amin? I'm a bastard son.

Katulad lang din ako ni Papa, nang-iwan dahil sa pagmamahal. Tinignan ko ang isang portrait, nandoon kaming lahat. Masaya kung titignan ang picture pero sa kailaliman nito, naghihirap na pala ang Ina ko. I sighed heavily. Tinapos ko nalang ang paglilinis ng rest house. Mabuti nalang at marunong ako sa paglilinis.

Nagpahinga muna ako ng sandali sa sofa at tinignan ng mabuti ang lahat sa rest house. It really looks old. Hindi napaayos dahil matagal ng hindi napuntahan. Bumukas ang pinto at lumabas si Sistine na nakanguso. Napangiti ako at nilahad ang braso para yakapin siya. Umupo sa kandungan ko at tinago ang kanyang mukha sa aking leeg. Napangisi ako.

"What's wrong?" I asked her.

Bumuntong hininga siya at niyakap pa ako ng mahigpit.

"I had bad dreams." aniya at umiling-iling.

Napahinga ako. Bad dreams pala kaya nagpa-baby ang baby ko.

"Anong bad dreams naman 'yon?" marahan kong bulong.

Naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga sa aking leeg. Napangisi ako at niyakap pa ang kanyang katawan.

"Iniwan mo ako." she said while sighing.

Umiling ako at mahinang natawa. Hindi ko gagawin 'yon sa kanya. Hindi ko siya iiwan. Hindi ko siya papabayaan. Hindi ko siya hahayaang masaktan. Hinding-hindi ko 'yon magagawa sa kanya.

"I won't do that, baby. I won't leave you." marahan kong sabi.

Tumingin siya sa akin na nakanguso. Napangisi ako at hinaplos ang kanyang baywang.

"Talagang hindi mo ako iiwan. Hindi ako papayag na iwan mo ako." masungit ang kanyang boses.

Ngumisi pa lalo ako at umiling-iling sa kanya. Magluluto ako ng pagkain namin dahil alam kong gutom siya. Pero dahil nagpapa-baby pa sa akin, hahayaan ko muna.

"Gutom ka na ba? Magluluto ako ng pagkain natin." sabi ko sa kanya.

Ngumuso siya habang tumatango sa akin.

"I want sinigang na baboy. Can you cook that for me?" she asked me.

Mabilis akong tumango. Marunong akong magluto no'n. Kailangan lang namin pumunta ng palengke kasi wala pang grocery dito.

"I'll cook that pero punta muna ako sa palengke? Bili ako ng baboy tsaka pang-sangkap sa sinigang." I told her.

Tumango siya at sa huli, sumama sa akin. Hawak ko ang kanyang kamay habang naghahanap kami ng bagong ihaw na baboy. One thing is good here, malapit lang ang palengke sa amin. Pwede lang lakarin. Tumagal ang pamamalengke namin ng kalahating oras bago makauwi sa bahay.

Nagpahinga si Sistine sa sofa habang nagsimula na akong magluto. Kailangan ko munang palambutin ang karne. Naghiwa na ako ng mga sangkap, gulay na ihahalo ko. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin sa likod.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. She's tired.

"Ang sarap mong tignan habang naghihiwa." aniya habang nakabaon ang mukha sa likod ko.

Ngumisi ako at hinayaan siyang yakapin ako.

"Masarap rin akong maging asawa." tugon ko.

She bit my back but it did not hurt. Nagpatuloy ako sa pagluluto habang nagpahinga naman ulit si Sistine sa kwarto. Nag-isip na ako ng pwedeng gawin dito upang kumita ng pera. Kailangan ko rin kasi maghanap ng trabaho gayong kaunti lang ang baon kong pera dito. Baka mawalan na kami ng kakain ni Sistine sa mga susunod na araw.

Naisip kong sumama sa pangingisda, madali lang naman matutunan 'yon. Wala kaming ilaw dito kaya lampara lang ang gamit namin mamaya kapag gabi na. Mabuti nga't gumagana pa 'tong stove at gas na iniwan namin.

Hindi naman malaki ang rest house ni Mama. Bungalow house lang siya na malapit sa dagat. Nabili ni Mama ang bahay na 'to noon pa, mura palang kasi ang bilihan ng mga lupa at bahay noon. She grab that opportunity to buy this house and lot. Pero nung naghiwalay sila ni Papa, hindi na namin napuntahan pa. Kahit manlang pagbisita ay hindi magawa ni Mama. Kaya ngayon kami muna ni Sistine ang titira dito.

"Baby, kain na tayo. Stop sleeping, wala ka ng itutulog mamaya." paggising ko kay Sistine.

She's sleeping peacefully. Parang anghel ang mukha niya. Nagising naman siya at ngumiti sa akin. I kissed her lips and then sighed.

"You're so gorgeous." puri ko sa kanya.

She smiled again and then gave me a peck kiss. Binangon ko siya mula sa higaan at karga-karga papunta sa lamesa. My baby wants like this huh?

Nilagyan ko siya ng pagkain sa plato at sabaw. Humigop muna siya bago tumingin sa akin.

"Sarap!" she said unbelievably.

Ngumisi ako.

"Masarap rin kasi ang nagluto hihihi." singit ko.

Ngumuso siya at umirap sa akin bago magpatuloy sa pagkain. She likes it. Kitang-kita naman habang kumakain kami, marami siyang nakain. Bukas maghahanap agad ako ng pwede kong pagkakitaan ng pera dito. Hindi kasi pwedeng wala akong gawin habang nandito kami. Limited lang ang pera na dala ko. This won't feed us for a month. Kailangan kong maghanap-buhay.

"Thank you for everything, Ali. Thank you for bringing me here. I know, hindi madali pero pinili mo pa ring makasama ako." she said in our cuddle.

Nagsindi ako ng katol upang hindi malamok. Madilim nga lang pero malamig naman dahil sa dagat. Yakap ko siya habang nakasubsob ang kanyang mukha sa aking dibdib.

"I'll do everything for you, Sistine. Everything for you." iyon ang naging pahayag ko.

I just hope everything will be fine. Lalo pa't sa mga oras na 'to sobra na ang pag-aalala ni Mama sa akin. Sana lang maging maayos ang lahat.




---
©Alexxtott2024

The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon