Kabanata 2
Bigo
Pawis na pawis ako habang pilit inaagaw ang bola kay Alric. Kanina ko pa siya tina-target. Kapag hawak niya ang bola, nakukuha ko 'yon at naisho-shoot ng maayos sa court. Umiingay kapag nagagawa ko 'yon pero hindi ako kontento. Gusto ko pa siyang gantihan. Gusto kong malaman niya na galit ako. Sa pamamagitan ng paglalaro namin ng basketball, gusto kong malaman niya na hinahamon ko siya.
Magka-team kami pero sa ginagawa ko, para ko siyang kalaban. Kanina pa pumipito si coach sa tuwing ginagawa ko 'yon. Hindi ko pinapansin at nagpapatuloy lang sa laro. Muling napunta kay Alric ang bola kaya lumayo ito sa akin. Umigting ang panga ko ng lumapit at pilit inaagaw ang bola.
"Gago! Magka-team tayo!" aniya habang nilalayo ang bola sa akin.
Seryoso ko siyang tinignan at naagaw ang bola ulit.
"Coach! Siraulo yata 'tong si Salarcon e!" sigaw ni Alric.
Hindi ko 'yon pinansin at muling pinasok ang bola sa ring. Rinig na rinig ko ang sigawan ng mga kaibigan ko. Maging si Mama na nandito at dalawa kong kapatid ay nagchi-cheer sa akin.
"Go anak! Ipanalo mo team niyo!" sigaw ni Mama.
Tumingin ako sa kanila at kumaway. Ang dalawa kong best friend ay tumatalon-talon pa habang tawang-tawa sa ginagawa ko.
"Salarcon!" si coach ng mag-time break.
Kinuha ko ang panyo at pinunasan ang pawis.
"Anong ginagawa mo? Magka-team kayo ni Bastes! Stop what you're doing!" sita ni coach sa akin.
Huminga ako ng malalim. Bumaling ako sa banda ni Sistine, she was standing in front of Alric, giving him water. Napalunok ako at galit na binuhos ang tubig sa katawan ko. Nakaramdam ang mga titig kaya muli akong tumingin kay Sistine, she was staring at me now.
Bumuntong hininga ako at tumayo. Sobrang ingay sa loob ng gym. Iba't-ibang school ang nandito ngayon. Ang kalaban namin ay Normal Western College. Bukas pa ang laban ng team namin sa school nila Sistine.
"Tol, hanep ka!" si Kelson sabay sapak sa braso ko.
Si Jesuren ay tumatawa habang napapailing-iling.
"Huwag mo naman ipakita sa point guard niyo na mas magaling ka. Masyado kang pabibo e!" si Jesuren sabay gulo ng buhok ko.
"Gago kayo! Kung mang-aasar kayo tumigil ha!" sagot ko sa dalawa.
Sabay silang tumawa. Tumingin ulit ako kay Sistine, nakatitig pa rin sa akin.
Damn, woman! Stop staring at me like that! Stop seducing me!
"Sa team niyo pala si Sistine tol, pero si point guard yung bet niya." pang-iinis pa ni Kelson.
Umikot ang mata ko sa inis. Narinig ko ang pito mula sa referee, tumayo ako at lumapit sa pamilya ko. Agad pinunasan ni Mama ang pawis ko sa mukha.
"You did well, Anak." aniya habang nagpupunas sa akin.
Napangiti ako at binalingan ang dalawa kong kapatid.
"Hanep ka Kuya! Shooter ka pala!" bilib na sabi ni Jandro.
Ngumiti lang ako. Merian is smiling while trying to kiss me on my cheeks.
"Mabaho pa si Kuya, mamaya nalang, baby." natatawa kong sabi sa bunsong kapatid.
Ngumuso siya at umikot ang mga mata sa akin.
"Gusto ko kiss si Kuya!" aniya kaya yumuko nalang ako para mahalikan ako sa pisnge.
After that, umiling ako sa pamilya ko at muling bumalik sa court. Napabaling ako kay Sistine, titig na titig ang mga mata niya sa akin. Anong problema ng babaeng 'to? Galit ba siya kasi talo ko ang kanyang boyfriend? Tsk!
"Salarcon, ayusin mo!" muling paalala ni coach.
Tumango nalang ako at nagpatuloy ang laro. Unang bagsak ng bola, napunta sa kalaban namin. Mabilis kong nakita ang technique para makuha ang bola. Hindi ako nakita ng may hawak sa bola kaya agad kong nakuna 'yon at tumakbo papunta sa ring. Isang hagis sa himpapawid ng bola, bumagsak ito sa loob ng ring.
Hiyawan ang mga ka-team namin. Ang mga taga school namin ay nagchi-cheer sa ginawa ko.
"Into the North...Into the South... Northern Philippine University is the best!" cheer ng mga cheerleader namin.
Muling umikot ang bola sa kalaban, this time, hawak na siya ng point guard nila. Muli akong nag-isip sa gagawin. Si Alric ang humaharap sa point guard ng kabilang team. Napailing ako dahil hindi niya agad nakita ang technique para makuha ang bola. Tumakbo ako sa gilid at hindi 'yon napansin ng mga kalaban. Nang makarating sa likod ng may hawak sa bola, walang pag-aalinlangan kong nakuha 'yon.
Humiyaw ang mga tao sa court, nakita kong medyo malapit sa ring si Alric kaya hinagis ko sa kanya ang bola pero isang pagkakamali 'yon dahil sa mukha niya bumagsak ang bola. Rinig ko ang 'O' ng mga audience dahil sa nangyari.
Natumba si Alric at humiyaw sa sakit na naramdaman. Agad na lumapit ang mga ka-team namin sa kanya. Ako naman ay tumayo lang doon at nagkibit-balikat kasi wala naman akong ginawang masama diba? I gave him the ball so he could give points to our team. Sadyang tanga lang at hindi napansin ang bolang papunta sa kanya.
"Salarcon!" si coach.
Tumingin ako sa kanya at kumunot noo.
"What?" I asked innocently.
"Are you fucking with us!? What did you do?" batid ang galit sa kanyang boses.
"Bakit kasalanan ko, coach? Binigay ko sa kanya ang bola para siya naman ang mag-shoot pero sadyang wala yata sa atensyon yang si Bastes kaya sa mukha tumama ang bola." katwiran ko.
Lumapit si Mama sa amin. Kasama ang mga kapatid ko at kaibigan.
"Out ka muna sa team! You did this on purpose?"
"Teka, why are you asking my son he did that on purpose when in fact, he's just giving the ball to the guy? Is that unfair?" si Mama.
Hinawakan ko ang braso ni Mama at ngumiti sa kanya. Nakita ko si Sistine na nasa harap ni Alric. Muling uminit ang ulo sa nakikita.
"Mrs. Salarcon, your son has anger issue--"
"Are you accusing my son that he did that to hurt the guy? Excuse me, Mr. Coach. Eliminate my son from your team if that's what you think of him." malamig na boses ni Mama.
Natahimik si coach at walang nasagot. Tumalikod si Mama at lumapit sa bag ko.
"Jandro, bring your Kuya's bag." utos niya sa kapatid ko.
Agad na sinunod ng kapatid ko ang utos. Napahinga ako at muling tumingin kay coach.
"I guess, it will end here, coach? Good luck!" paalam ko sabay talikod sa kanya.
"Wait! Wait! Seriously, Alicandro? I'm not saying you leave the team for goodness sake! Just take a break--"
"Protect your Bastes, coach." seryoso kong putol sa kanya.
Wala siyang nasabi kundi matulala sa pag-alis namin. Maging ang dalawa kong kaibigan ay sumunod na rin. Isang baling ang ginawa ko upang makita si Sistine. Pareho kaming nakatitig sa isa't-isa. Umiling ako at bigong lumabas ng gym nila.
---
©Alexxtott2024
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAlam ni Candro Salarcon na bihira magkagusto sa isang lalaki ang anak ng gobernador nila sa lungsod. Bukod sa bihira itong lumabas ng mansyon, hindi rin ito halos makita sa iba't-ibang okasyon na meron ang ama nito. Pero dahil sa makulit ang kanyang...