Kabanata 1
Hoping
Kanina pa ako kinakausap ng dalawa kong kaibigan. Hindi ko sila masagot ng maayos kasi lumulutang ang isip ko ngayon sa ginawa ni Sistine kasama ni Alric. Ayokong aminin na baka sila na pero umaasa akong hindi sila! Umaasa akong wala silang relasyon.
Kahit kanina pa kami dito sa dinaanan naming bar, hindi ko magawang mag-inom ng marami. Gusto kong puntahan si Sistine sa kanilang bahay ngayon. Gusto kong malaman na wala silang relasyon ni Alric. Gusto kong masiguro na nagkakamali lang ako.
"Hoy, Alicandro! Ano tol, okay ka lang ba?" batok ni Jesuren sa akin.
Tinignan ko siya ng masama. Tangina!
"Oo! Ano ba ha? Mag-inom nalang kayo dyan!" singhal ko.
Ngumisi ang gago at tinungga ang alak. Kinuha ko ang cellphone at naisipang mag-book ng Move It. Bahala na! Gusto kong malaman na wala silang relasyon ni Alric. Pupunta ako sa mansyon nila.
"Hala yung gago nag-book ng Move It oh! Ano pupuntahan mo na ba?" pangungulit ni Kelson.
I give him my middle finger.
"Hoy huwag kang papaloko doon! Oo na't maganda yon pero hindi ka no'n papansinin." singit ni Jes.
Sinuntok ko ang kanilang braso dahil sa inis na nararamdaman.
"Wala kayong kwentang kasama. Pupunta ako sa kanilang bahay. Titignan ko lang kung nandoon na ba." sagot ko.
Tumawa ang dalawa.
"Girlfriend na 'yon ni Alric!" pang-iinis sa akin ni Kelson.
Pinakyuhan ko siya at inis na kinuha ang baso ng alak. Nilagok ko 'yon at tumayo na dalhin nasa labas na ng bar ang rider.
"Uy mag-iingat ka doon, Candro! Ayusin mo lang, tol." concern na sabi ni Jesuren.
Tumango lang ako at lumabas na ng bar. Dala ni Kelson ang kanyang kotse kaya doon sasakay si Jesuren. Samantalang naiwan ko ang motorcycle sa bahay dahil sabay kaming tatlo na pumunta sa campus nila Sistine.
"Sir, sa mansyon 'to nila governor?" tanong ng rider sa akin.
Tumango ako at sabay abot sa helmet ng rider. Sumakay ako sa kanyang motor at umalis na kami papunta sa mansyon ng mga De Villamonte.
"Anong gagawin niyo sir sa mansyon ni Gov?" usisa ng rider.
"May titignan lang Kuya. Tsaka uuwi rin ako pagkatapos makita ang titignan doon." sagot ko.
Alas-dyes na ng gabi at hindi na masikip ang kalsada dahil wala ng trapik.
"Ganoon ba. Ganda ng anak ni Gov noh? Crush yon ng binata kong anak e."
Napalunok ako. Pati pa anak ni Kuya rider ay kalaban ko kay Sistine. Sa dami ng mga lalaking nagkakagusto sa kanya, mukhang si Alric ang pasado?
Ilang minuto bago makarating sa mansyon nila, nagbigay ako ng pamasahe kay Kuya rider. Hindi na ako naghintay sa sukli kasi malayo nga naman ang biniyahe namin. Tinignan ko ang malaki nilang mansyon. Mayaman talaga sila. Nagtago ako sa may ilalim ng puno habang nakatingin sa may gate. Pabukas 'yon dahil may palabas na kotse.
Huminto ang kotse sa may harap ng gate at lumabas si Sistine. Bumukas ang bintana ng sasakyan at lumabas ang ulo do'n ni Alric. Umigting ang panga ko habang pinagmamasdan sila. They were talking. Sistine soft laugh makes me bleed to envy.
A kiss planted on Alric cheeks makes me more angry. Damn it! Pagkatapos ng halik na binigay ni Sistine sa lalaking iyon, umalis na ang kotse. Nangangati ang paa kong magpakita ngunit pinipigilan ko lang. Tumingin sa paligid si Sistine bago pumasok sa loob ng kanilang mansyon. Nanatili akong tulala sa gilid habang iniisip ang nakita kanina.
Sa lahat ng makikita ko, iyon pa talaga! Yung kiss pa talaga ni Sistine sa pisnge ni Alric. Nanginig ang cellphone ko sa tawag ni Kelson.
"Hello tol? Saan ka na? Tara na, uwi na tayo!"
Napahinga ako ng malalim. Bigo ako ngayon. May laban kami bukas pero ito ang iniisip ko.
"Kunin niyo ako dito." malamig kong sagot.
Buntong hininga lang ang narinig ko kay Kelson bago patayin ang tawag. Kailangan kong ayusin ang laban bukas. Malilintikan ako kay coach.
Dumating agad si Kelson. Tulog na si Jesuren sa backseat. Mabilis kasi malasing. Bumuntong hininga ako ng sumakay sa front seat. Nagkatitigan kami ni Kelson bago siya umiling-iling.
"Ano, bigo?" aniya sabay paandar ng kotse.
Tumingin ako sa labas ng bintana.
"Sila na yatang dalawa?" mahina kong sagot.
I heard a deep breath from my friend. Hindi nalang kasi pagka-crush ang nararamdaman ko kay Sistine. Hindi nalang 'to paghanga sa kanyang kagandahan. This is different. What I have for her is fucking different!
Sabi ni Mama, ang pagmamahal hindi daw 'yan natuturuan. Hindi rin nauutusan. Minsan pa nga'y naloloko at minsan lang manalo sa laban. Tulad ng nangyari sa magulang ko.
My father cheated. Hindi na naghanap ng ibang lalaki si Mama. Wala siyang ginawa kundi alagaan kaming mga anak niya. I got two siblings. Dalawa kaming lalaki at isang babae. Our youngest sibling is a girl. Galit ako sa ginawa ni Papa. I loathed him for not being contented with my mother.
She worked hard for us. I got a soft heart because of my mother. Magkatulad kami, nagmamahal kahit walang kapalit.
Sa ginawa ni Papa, napatunayan kong siya lang ang minahal ni Mama. After 7 years, hanggang ngayon, walang ibang minahal ang Mama ko kundi siya lang. But my mother is not staying for her heart, she stayed because of us. Imbes ibuhos ang lahat sa panibagong pagmamahal, binuhos niya 'yon sa amin.
Kaya mahal ko si Mama. And I must say, I'm Mama's boy? I'm always proud of her. Proud because she didn't turn her back on us. Pinanindigan niya kami.
Pagkarating ko sa bahay, si Mama ang nagbukas ng gate. She even thanks Kelson for driving us safe. Hinawakan ni Mama ang braso ko habang papasok kami ng bahay.
"Nag-inom kayo?" unang tanong niya.
I nodded. Humarap ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I sighed while hugging my mother. She caressed my back.
"I'm tired." mahina kong sabi.
"Then...rest, anak." aniya sabay halik sa aking pisnge.
Ngumiti ako at dumiretso na sa kwarto. Nagpalit ako ng damit at lumabas upang puntahan ang kwarto ng mga kapatid ko. Busy si Mama sa pagbi-bake ng cake. Iyon ang sideline niya kapag walang trabaho sa bangko.
Pumasok ako sa kwarto ni Jandro, mahimbing na ang tulog ng kapatid ko. Lumapit ako sa kanya ang hinalikan ang kanyang noo. Nagising pa sa halik ko. Yumakap sa akin kaya napangisi ako.
"Kanina pa kami naghihintay sayo, Kuya." aniya sa nagtatampong boses.
Nicojandro is just a three age gap to me. I'm 22 and he's 19 years old.
"Practice kasi dahil first game na bukas. Sige na, matulog ka na ulit." sagot ko.
He nodded then kiss my cheeks. Pagkatapos ni Jandro, pumasok ako sa kwarto ng bunso kong kapatid. She's sleeping like a princess. Paano ang kanyang kwarto ay puro mukha ng barbie. Napailing nalang ako. Kaming dalawa ni Jandro ang nag-design nito.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan rin siya sa noo. Hindi naman nagising kaya napahinga ako. Merian is our youngest sister. She's twelve now.
Lumabas ako at pumasok na muli sa kwarto. I need to rest now. Itutulog nalang ang bigong puso dahil sa nakita kanina. Hoping that one day, mapansin niya rin ako.
---
©Alexxtott2024
BINABASA MO ANG
The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)
RomanceAlam ni Candro Salarcon na bihira magkagusto sa isang lalaki ang anak ng gobernador nila sa lungsod. Bukod sa bihira itong lumabas ng mansyon, hindi rin ito halos makita sa iba't-ibang okasyon na meron ang ama nito. Pero dahil sa makulit ang kanyang...