Kabanata 24

533 24 6
                                    

Kabanata 24

Mata


Unti-unting kong iniisip lahat ng sinasabi ni Candro sa harap ng judge. May hawak siyang printed na paper at ball pen sa kamay. Hindi ko alam kung nakasulat ba doon lahat ng sinasabi niya laban sa daddy ko. Naririnig ko ang mga singhap ng tao. Sa bawat pagsasalita ni Candro laban kay Daddy, my heart is ruined.

Kita ko ang galit ni daddy habang pinagmamasdan si Candro sa pagsasalita. May isang witness na siyang nakaupo sa gilid ng judge. Lahat ng mga sinabi ng witness ay ramdam kong tugma sa aking ama. Hindi ko lang alam kung paano at bakit nagawa ni daddy iyon kung totoo nga?

"Ayon sa aming witness, your honor, itong si Governor ang mastermind sa pagpatay sa isang politiko na gustong tumakbo noon. Siya ang nag-utos na ipapaslang ang taong gustong manilbihan sa bayan." Alicandro stated.

Napatigil ako. What? Isa sa accusation nila kay daddy ay nag-utos itong ipapatay ang dating gustong kumalaban sa kanya? Paano 'yon nangyari?

Napatingin ako kay daddy, yumuko siya at huminga ng malalim. Don't fucking tell me, this is true?

"Talamak ang droga, illegal mining at iba pa sa bayan at suportado iyon ng Governor. Harassment and violation to human rights were neglected because of his abusing power." dagdag ni Candro.

"Your honor, I bet to disagree! That's not true! We are here for the accusation of my client buying the votes of the people not the other---"

"That is part of this hearing, Attorney." Alicandro my father's attorney.

Maraming tao ang nakikinig at nanonood ngayon. They are here to know the truth.

"Part of this hearing to know what is real beyond the governor's position! Saan napupunta ang pera ng bayan? People of this city have the right to know of what is happening. This is not for me nor for my client, attorney." he stated.

Narinig ko ang kalampag ng baton ni judge sa lamesa. Tahimik ako habang nakikinig.

"Wala kayong ebidensya sa mga pinagsasabi niyo. Your honor, we have to stick with the primary accusation not the other way around." attorney trying to defend my father.

"Lahat ng baho ay ilalabas. We are here to know the truth." sagot ni Candro.

"Daddy!" try to talk to my father.

Lumingon siya sa akin at kitang-kita ko ang guilty sa mata ni daddy.

"Arman Evangelista were found dead two days before the election years ago. Bago si Mr. De Asis tumakbo upang kalabanin ang governor ngayon, may sa isa pang tao ang gustong ituwid ang bayan. Unfortunately, he was found lifeless." muling paalala ni Candro.

Tinuro niya ang witness kaya tumango ito at nagsimulang magkwento.

"Isa po ako sa tauhan ni sir Arman. Nung nalaman naming tatakbo siya bilang governor ng bayan, sobrang saya namin dahil mabait siyang tao at mahalaga sa kanya ang pagtulong. Malaki ang laban ni sir Arman noon, wala siyang pera at suporta lang ng mga taong naniniwala sa kanya ang pinanghawakan niya." kwento ng witness nila.

Mga singhap ng tao ang naririnig ko sa likod. My father sighed botherly.

"Dalawang araw bago ang eleksyon, nakita ang katawan ni sir Arman, wala ng buhay. Lahat kami ay nagulat at nawalan ng pag-asa muling maging maayos ang bayan. Pagkatapos ni sir Arman, dumating naman si Mr. De Asis, nakita namin ang katauhan ni sir Arman sa kanya kaya nung tumakbo siya sa eleksyon upang kalabanin ang governor, naging masaya ulit kami." he stop and then look at my father.

Kitang-kita ko ang galit sa mata ng witness. The way he looks at my father, he wants to do something to my daddy. Tinuro niya si Daddy at gigil na nagsalita.

"Pinagbibili ng governor na yan ang boto ng mga tao kaya natalo si Mr. De Asis sa eleksyon! Your honor, kung may pagkakataon lang kami na pumili hindi sa botohan, hinding-hindi sasagi sa isip namin na maging governor pa siya. Karahasan at kalupitan ang meron sa kanyang pag-upo." the witness stated truthfully.

I know it. Alam ko naman na ganoon si Daddy. Noon pa man, nung magkasama kami ni Candro, malupit siya. Durog na durog ang puso ko habang pinapakita ni Alric ang pictures ni Candro noon, punong-puno ng pasa ang mukha, nakakulong habang umaasang matutulungan ko siya. Sobrang sakit ng dahil sa akin, naging ganoon ang buhay niya.

At ngayon, habang pinagmamasdan ko siya, suot ang napaka-pormal na damit, pinagtitinginan ng mga tao, humahanga sa kanya, hindi ko masabi na sobra akong masaya at proud sa kanya. Proud akong naging matagumpay siya sa buhay. Proud akong naging abogado siya ngayon.

"This hearing is adjourned. We will continue the hearing and investigation with this concern for some other time. For now, dismissed." ani ng judge.

Tumingin ako kay daddy, he looks tired and guilty. Pero nung tumingin siya sa kalaban, nakita ko ulit ang rahas sa kanyang mga mata. Hindi talaga magpapatalo kahit alam niyang may laban ang kalaban.

"Attorney, I'm so proud of you." narinig kong sabi ng babae palapit kay Candro.

She was tall, slim and very very beautiful. Nakasuot rin ng formal dress and looking very professional. Sino siya?

Lumapit ito kay Candro at kitang-kita ng mga mata ko ang pagdampi ng labi nito sa pisnge ni Candro. My heart hurts. Umiwas ako ng tingin sa kanila.

"Thank you, Attorney Celeste." marahang tugon ni Candro.

Are they in relationship? Siguro girlfriend ni Candro? Wife perhaps? I promise to myself that if he's in relationship or family, I would take it with respect. Pero ngayon, halos manlumo ako sa nawala sa akin.

"Sistine, let's go." si daddy.

Tumango ako at huminga ng malalim. Bago tumalikod sa kanila, bumaling muna ako ng isang beses kay Candro, nagkatitigan kami. Nakangisi ang kanyang labi at animo'y sinasabi ng kanyang mata na maayos na siya at masaya na siya.

Hindi ko alam kung paano sasabihing naghihintay ang kanyang anak sa kanya. Na sobrang excited na makita siya. Hindi ko talaga alam kung paano at saan magsisimula.

"Governor, it's nice to see you." he grab my father's attention.

Napahinga si daddy.

"You're doing this because of the past we had!" sagot ni daddy.

Nakayakap ang braso ni Mommy sa kanya upang umalalay.

"Oh, it's in the past, Gov. Besides, what we had behind is already faded. I don't mind it..." Candro's stated.

Tumingin siya sa akin, nasa tabi ang babaeng humalik at yumakap sa kanya kanina.

"Mananagot sa batas ang may sala." aniya habang nakatitig sa akin.

Napalunok ako at bumuntonghininga. Umiling si Daddy at hinawakan ang palapulsuhan ko upang umalis na kami. What does he mean? Mananagot sa batas ang may sala? Ako rin ba ay may kasalanan? Paano?

Muli akong tumingin sa kanya na ngayon ay nakangisi sa akin, nanunuya ang mga mata na animo'y may binabalak na paghihigante.




---
©Alexxtott2024

The Governor's Daughter (HANDSOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon