C'33

1.2K 17 0
                                        

Chapter 33

“T-Tulungan mo'ko p-please” nahihirapan at naiiyak na sambit nung babae, tulala lang akong nakatingin sakanya.

Lubha siyang kaawa-awa kase para siyang sobrang pinahirapan kase sobrang namamaga ang buong mukha niya, pati leeg at braso ay namamaga rin and she's wearing a red fitted dress but the bloody stain was still visible in her clothes.

Nanginginig at nanghihina ang mga tuhod kong lumapit sakanya. Agad naman akong lumuhod para mapantayan siy, nakita ko na may nakalagay na panyo sakanyang bunganga para siguro hindi siya makagawa ng ingay pero nakita ko na nasa leeg na niya ito ngayon.

Magulo rin ang kanyang buhok at nangangamoy narin siya.

Ilang araw– ilang linggo na siguro siyang nakakulong dito.

I saw tears in her eyes “M-Miss, ple...please he...help m-me” naghihirapan at nagsusumamong sambit niya.

Napapikit ako ng mariin.

“S-Sinong may g-gawa nito s-sayo?” kinakabahang tanong ko kahit na may ideya na ako kung sino pero nagawa ko paring itanong.

Hindi siya umimik, nanatili lang siyang nakatingin sa akin. 

“S-Sino?” I asked again.

Umiwas siya ng tingin “He...he's a...a...a m-monster” nanginginig sa takot na sambit niya “H...H...H-He d...d..d-did t...t...this t...t..to...m-me” nahihirapang sambit niya, siguro sobrang nananakit na ang kanyang katawan, ni hindi na niya halos maibukas ang kanyang labi. Hindi ko alam pero buti ay nakasigaw parin siya kanina.

I sighed heavily “It's Stefano, isn't it? H-He did this t-to y-you?” pigil hiningang sambit ko.

Nakita ko ang pagdaan ng takot sakanyang mga mata, nakita ko ang pangingilid ng luha niya at panginginig niya.

It must be traumatic for her. Kaya siguro hindi niya mabanggit banggit ang pangalan nito.

“Please tell me, hindi siya ang gumawa nito sa'yo. Na...na...may ibang gumawa nito da...dahil alam kong hindi n-niya ito m-magagawa–”

“S...S...S-Stop!” she screamed full of despair “C-Can't you see?! A-Are you blind?! A-Are you dumb?! Isn't obvious?!” puno ng galit ang kanyang boses kaya napaiwas ako ng tingin dahil may punto siya.

Talagang halatang-halata kung sino ang gumawa nito sakanya. Hindi ko mawari, hindi ko rin matukoy pero sobrang sakit na may ganito pala siyang side, ang akala ko ay sobrang bait niya, ang akala ko wala siyang ginagawang masama, akala ko isa lamang siyang mayaman at makapangyarihang tao pero behind those things, he's really a monster. He's a devil. He's heartless and ruthless, I can't believe that he can do this things at ang masama pa ay pati babae pinapatulan at dinadamay niya.

May puso ba siya? Minsan ba nagiguilty siya sa ginagawa niya?

Pero baka sa likod ng lahat ng ito ay nay rason siya kung bakit niya nagawa ang bagay na toh, at lahat naman may rason pero hindi parin makatarungan ang bagay na toh.

“A-Anong dahilan niya at bakit niya nagawa sa'yo toh?” naguguluhang tanong ko.

Umiwas naman siya ng tingin.

“A-Ano?! A-Anong dahilan niya?!” medyo tumaas na ang aking boses dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ko.

Nakita ko naman na napakurap siya dahil sa bahagya kong pagsigaw, marahil ay nagulat siya.

Umiling-iling naman siya “H-Hindi ko alam!” umiiyak na sambit niya “B-Basta na lamang niya akong pinadukot at ikinulong dito, at dito niya ako pinapahirapan at tinutorture, m-minsan h-hindi pa niya ako pinapakain” nahihirapang sambit niya at patuloy parin sa pag-agos ang kanyang mga luha, hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko.

Married To A Monster (Completed)Stories to obsess over. Discover now