Chapter 37
"Wow! Ang gara naman ng event na toh! Pang mayaman talaga, at ang galing rin ni Janesville na makahakot ng mga ganitong kliyente oh, tiba-tiba na naman tayo nito" Adi exclaimed.
Muntik ko naman siyang mabatukan dahil sa sinabi niya. Really? She called our boss in just her first name?
"Bunganga mo Adi" saway ko at napatingin sa pwesto ni ma'am na medyo malapit sa amin, kinabahan naman ako baka narinig niya yung sinabi ni Adi pero parang hindi naman "Baka marinig ka ni ma'am doon" dagdag ko.
Hindi naman niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagtingin-tingin sa paligid. Maganda kase yung pagkakaayos dito sa area kung saan gaganapin yung event kaya siguro manghang-mangha si Adi– kaming lahat to be exact.
Kami yung nagpreprepare sa foods, at mamayang ala una pa ang start nung event. Pero dahil mabait si ma'am, inutusan niya muna kami ni Adi na tumulong sa mga staffs na mag-ayos at magdisenyo, well tapos na silang maglagay, mag-ayos at magkabit ng mga designs kaya tumutulong nalang kami sa paglilinis sa mga kalat.
"Mafefeel ko na sana yung moment mamaya kung hindi lang pang waitress ang suot natin, dapat nakagown rin tayo para bongga!" hindi paawat na sambit ni Adi.
Napailing-iling naman ako. Hindi naman kami nandito para makihalubilo sa mga mayayaman, nandito kami para magtrabaho at kahit pagsuotin pa nila kamo ng magagarang damit ay hindi ako magsusuot noon. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa mundong alam kong di para sa akin.
Nagsidatingan naman na ang mga bisita bago pa man mag ala-una, kaya naging abala kaming lahat sa pag-aasikaso sakanila. Well, pagkapasok palang nila ay nakalabandara na ang mga mamahalin nilang mga damit, mga bags at alahas pero hindi ko na lamang yun pinagtuunan pa ng pansin dahil hindi ako mahilig sa mga mamahaling bagay o gamit, wala akong pakialam kung gucci, chanel at prada pa man ang lumabandara sa harapan ko. I'm not into luxurious things but Adi is the total opposite of me.
Kase kanina pa siya hindi mapakali dahil sa kanina pa siya humahanga sa mga suot ng mga panauhin dito, kanina pa siya palihim na tumitili habang nakatingin sa mga magarbong mga damit nung mga kababaihan, at sa mga alahas at mamahaling bag na gamit nila, kanina pa niya sinasabi kung anong brand ang mga ito pero hindi ko na lamang ito pinagtuunan pa ng pansin dahil wala naman akong kaalam-alam sa mga bagay na ganun.
Kami nina Clark, Adi at Marriena ang nautusang magserve ng mga drinks kaya kami yung nandito ngayon, yung iba naman naming kasamahan ay nandun sa kusina. Si ma'am Janes naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga kakilala niya kuno kaya kanina pa naiinis si Adi sakanya sa hindi ko malamang kadahilanan.
Minsan ang gulo ni Adi pero hindi ko na lamang siya inintindi pa dahil padami ng padami na yung mga nagsisidatingan.
Nagkanya-kanya na kami dahil madami rin ang mga bisita.
Nang maubos ko yung laman ng tray ko ay agad akong kumuha sa lagayan ng mga drinks. Tahimik lang naman akong naglalagay ng mga champagne sa tray ko ng hindi sinasadyang marinig ko ang usapan ng mga kababaihan na malapit lang sa pwesto ko medyo malakas kase ang boses nila.
"I heard that this event is about the business partnership between MCorp. and Alcantara Company?" sambit nung babaeng nakasuot ng red gown na hapit sakanyang katawan, she was also holding a gucci bag? If I'm not mistaken.
The other girl laughed "Ugh! Same event, same incident" she said boredly.
"Yeah think so" pagsang-ayon nung isa. Nang mapuno ko naman na yung tray na hawak ko ay inayos ko muna ng mabuti para hindi mahulog para makaalis narin ako dito.
Akmang aalis na sana ako ng makarinig ako ng salita na dapat ay hindi ko na sana narinig pa.
"I bet, Stefano and Gwyne will be engage again. Ugh! Like we're just in the same situation but different date and day" bored na sambit nung isa at kumuha ng champagne na nasa tabi lamang nila at mabilis itong nilagok.
YOU ARE READING
Married To A Monster (Completed)
RomanceD e v i l r i e s S e r i e s # 1 Marriage. Marrying. Married. In a world where love is a luxury she doesn't believe in, Joelorie faces an unexpected offer from a man as cold and mysterious as he is compelling. Stefano Galvin Monstero isn't just an...
