C'41

1.4K 22 0
                                        

Chapter 41

"How does it feel kneeling infront of me?"

Lumamlam ang kanyang luhaang mga mata "I don't care if my knees will be sore. I will still kneel infront of you again and again until you'll be able to forgive me" sambit niya na parang wala lang sakanya na pinagtitinginan siya ngayon ng mga tao.

Napatingin ako sa paligid at nakita ko na nakatingin nga ang ilang taong naririto ngayon dito sa direksyon namin. Syempre kilalang tao si Stefano at alam kong nakikilala nila ito at nakakaagaw pansin rin kase ang suot niya, naka suot lang naman siya ng business attire halatang kagagaling niya lang mula sa kompanya niya at mukhang dumiretso pa siya dito.

Pero paano niya nalaman na nandito ako? Sinusundan niya ba ako?

I looked at him without any void of emotion on my face "Sa tingin mo maniniwala pa ako sa'yo? After what you did? After you faked everything?" I scoffed and shake my head in disbelief "Just go and fuck yourself. Hindi mo na ako makukuha sa mga ganyang salita mo" sambit ko at agad siyang iniwang nakaluhod parin doon.

Walang lingon akong umalis, iniwan siya kahit na may konting konsensya akong nararamdaman pero dahil mas pinangunahan ako ng galit at poot ay hindi ko na ito inintindi pa.

Agad akong nakarating sa bahay tinanong pa ng anak ko kung saan ko nagpunta kaya sinabi ko na lamang na nagpahangin lang sa tabi-tabi.

Napatingin ako sa anak ko at hindi mapigilang ngumiti ng mapait, kamukhang-kamukha niya talaga ang ama na kahit malayo ito ay kitang-kita ko pagkakahawig niya rito. Kaya alam kong kapag magkikita man sila isang araw ay alam kong malalaman agad ni Stefano na anak niya si Klein dahil siya lang naman ang tanging lalaking nakakuha sa akin.

Hindi parin ako nakakapagdesisyon, kung ipapakilala ko ba si Stefano sa anak ko. Nagdadalawang-isip parin ako. He have the rights but I've already put in my mind that I'll never let Stefano know about Klein. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, pinagtabuyan niya ako kaya parang pinagtabuyan niya narin ang anak ko.

But he didn't know that I am pregnant that day, even me I have no idea.

Pero kapag nalaman ko kaya na buntis ako noong araw na iyon at sinabi ko sakanya ay hindi niya kaya ako ipagtatabuyan?

Siguro, kase nanggaling naman na mismo sa bunganga niya na hindi niya ako minahal kahit kailan man.

Ginamit niya lang ako at iyan ang totoo pero bakit siya humihingi ng tawad sa akin? Hindi ba't naging totoo lang naman siya sa akin? Sinabi niya lang naman yung totoo niyang intensyon at nagpapasalamat ako sakanya dahil naging totoo siya sa sarili at sa akin.

"Anak" biglang tawag ni mama kaya nagising ako sa malalim na pag-iisip.

Napatingin ako sakanya at tipid na ngumiti "Bakit ma?" malumanay na tanong ko. Huminga naman siya ng malalim at agad na tumabi sa akin.

"May problema ka ba? Ang lalim yata ng iniisip mo?" she asked full of concern in her voice.

Napailing-iling ako at huminga ng malalim bago ngumiti ng pilit "Ang hirap ma..." panimula ko "Ang hirap magdesisyon, ang hirap mag-isip, ang hirap piliin kung ano ang gagawin. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay kasama kayo, kasama si Klein pero bakit kailangan ko pang maiipit sa ganitong sitwasyon" naiiyak na sambit ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil hindi ako mapagdesisyon ng maayos.

I want to keep my son for myself but isn't it called being selfish?

"Ano bang nangyari at bakit kailangan mong mamili?" marahang tanong ni mama sa akin.

"M-Ma, p-pagiging makasarili ba ang tawag kapag ayaw kong ipakilala si Klein sa ama niya dahil sa nangyari sa pagitan namin?" nanghihinang sambit ko "S-Sinaktan niya ako, n-nasaktan ako tapos hihingi lang siya ng tawad sa mga ginawa niya? Hindi ganun kadali lahat pero ayokong isipin lang ang sarili ko dahil iniisip ko ang anak ko na kailangan niya rin ng ama, at may karapatan rin ang ama niya na makilala si Klein pero...p-pero sinaktan niya ako, ma" tuluyan ng bumuhos ang pinipigilan kong mga luha.

Married To A Monster (Completed)Stories to obsess over. Discover now