Chapter 40
“Anong ginagawa mo dito?” taas kilay na tanong ko sa lalaking maligno na may pares ng berdeng mga mata na nandito ngayon sa tapat ng pintuan namin.
Ngumisi naman siya na parang may nakakatawa sa sinabi ko “I came here to visit your son, as what I've said” kibit-balikat na sambit niya.
Napairap naman ako.
What is his intentions? Why is he doing this?
“Akala ko biro mo lang yun” medyo pabalang na sagot ko, natawa naman siya imbes na makaramdam ng inis.
Napatingin naman ako sa suot niyang damit, he's just wearing a casual outfit. White t-shirt and a cargo shorts na para bang pambahay pa yung suot niya. Nakasukbit pa sa damit niya yung sunglasses niya, napatingin ako sa likuran niya at doon ko nakita ang saksakyan niya na talagang unang tingin palang ay alam mo ng mamahalin.
Napatingin ako sa mga kapitbahay namin na ngayo'y nagsilabasan sa kani-kanilang mga bahay para makiusisa, sumisilip sila sa bahay namin na para bang nangangalap ng tsismis, yung iba pa ay nagpapanggap na nagwawalis pero yung mata naman ay nakatuon dito sa direksyon namin.
Mabilis ko namang hinila si Sylvester papasok ng bahay at mabilis na sinira ang pintuan namin, ayaw ko kaseng may iba na namang isipin ang mga mausisa naming mga kapitbahay.
“Nakakagulat naman yung paghila mo” natatawa at nanunuksong sambit niya, tinaliman ko siya ng tingin.
“Ano ba kaseng ginagawa mo dito, ha?”
“Ulit-ulit nalang, sweetheart? Sabi ko nga bisitahin ko si kulit” he chuckled.
Napairap ako “Close ba tayo? As far as I remembered, you and me aren't even friends” seryosong bulalas ko.
Napatigil naman siya at saglit akong tinignan pero mabilis rin siyang nagpakawala ng isang nakakairitang tawa sa puntong gusto mo nalang takpan yung tenga mo dahil sa lakas ng tawa niya at ginagalaw galaw niya rin kamay niya na para bang manghahampas kaya napaatras ako ng kaunti dahil baka matamaan niya ako, maugat pa naman yung kamay at malaki mukhang isang hampas niya lang sakin ay talamsik na agad ako sa pader.
Napailing-iling ako siya naman ay natigil sa pagtawa pero may tumatawa parin ng kaunti at madramang nagpupunas ng invisible niyang mga luha. Napangiwi ako habang nakataas ang isa kong kilay.
Baliw ba siya? Para siyang tanga.
“You're hurting me, sweetheart. You don't want to be friends with me? So can I be your lover instead?” he said nonchalantly.
Napatampal naman ako sa aking noo.
Jusko, nakakastress itong lalaking ito. Sarap gisahin at ipakin sa aso.
“Tumigil ka na nga hindi ka pogi kung alam mo lang” sabat ko at natigil siya bigla sa pagtawa at nakita ko naman ang bahagyang pagtaas ng kilay niya “Tawagin ko na nga si Klein dahil baka mairita pa ako ng tuluyan sa mga pinagsasabi mo” huling sambit ko at agad siyang tinalikuran bago pa siya makasabat sa akin.
Agad naman akong nagtungo sa kwarto namin at natagpuan ko doon ang anak kong mag-isang naglalaro, agad ko naman siyang tinawag at sinabing may gustong bumisita sakanya.
Mabilis naman siyang lumabas at nagtungo sa sala kung saan naroroon ang hambog na lalaking yun.
Lumawak naman ang ngiti ng anak ko pagkakita palang kay Sylvester.
“Tito dok!” masayang sigaw ng anak ko at agad na tumakbo sa pwesto ni Sylv, mabilis naman itong sinalubong ng lalaki at agad na binuhat na parang hindi nabibigatan.
YOU ARE READING
Married To A Monster (Completed)
Storie d'AmoreD e v i l r i e s S e r i e s # 1 Marriage. Marrying. Married. In a world where love is a luxury she doesn't believe in, Joelorie faces an unexpected offer from a man as cold and mysterious as he is compelling. Stefano Galvin Monstero isn't just an...
