C'43

1.4K 19 0
                                        

Chapter 43

“Mamay, look papay oh. He's handshome like me, right mamay?”

Napatingin naman ako sa anak ko bago ibaling ang tingin sa lalaking nakatingin narin sa akin ngayon. He's looking at me like he's also waiting for my answer.

Nandito kaming tatlo sa sala at si mama naman ay nasa kusina nagluluto. Naiwan kaming tatlo dito para family bonding daw pero syempre joke lang yun. Binabantayan ko lang naman talaga si Klein at wala akong pakialam sa presensya ni Stefano. I'm just giving them time to spend it together.

Well, hindi ko naman siya pagbabawalan na bisitahin si Klein kase karapatan naman niya yun.

I smiled and looked at my son “Of course baby, you're papay is handsome because you look like him” sambit ko at agad na nag-iwas ng tingin kay Stefano na mukhang timang na natigilan dahil nakatulala.

Narinig ko naman ang palakpak ni Klein habang tumatawa “See papay you're handshome po eh!” tuwang-tuwa na sambit niya. Napailing-iling na lamang ako.

“Yeah baby, since birth though” sagot naman ni Stefano.

Automatic na tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi niya at mabilis na ibinaling ang tingin sa kaniya habang nakataas parin ang isang kilay.

Anong pinagsasabi nito? Napaka hangin naman ng hambog na toh pati anak namin inuuto.

Inuuto? Pero hindi naman yun biro kase gwapo naman talaga siya, pero hindi naman niya kailangang ipagsigawan diba?

Atsaka palagi ko na yatang ginagamit ang salitang 'anak namin'? Nasisiraan na yata ako ng bait.

Napatingin naman siya sa akin pagkatapos niyang titigan si Klein, ang kanyang mga mata ay may halong pagkapilyo dahilan para mapairap ako at napailing-iling. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa pero hindi ko na lamang ito inintindi pa at itinuon ang atensyon sa ginagawa. Kasalukuyan akong nagdudutdot sa cellphone ko kase wala naman talaga akong ibang magawa kundi panoorin lang ang mag-ama na magkulitan.

I've never seen my son this happy all my life. Iba parin talaga ang kasiyahan nararamdaman niya sa piling ng ama niya.

Napailing-iling na lamang ako at sakto ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Adi na ngayo'y parang aburido dahil sa mga sinend niyang mensahe.

From Adeahyang:

Nakakainis! Hindi ako pinapansin ni ma'am Janes.

Natawa naman ako dahil sa sinabi niya, may napapansin rin ako sakanilang dalawa ni ma'am parang mukhang may something eh pero hindi ko na lamang sila kinokompronta kase hihintayin ko nalang na si Adi mismo yung mag-open up sa akin kung ano ba talagang meron sakanila ni ma'am.

Natatawa naman ako habang nagtytype ng reply para sakanya.

To Adeahyang:

Ano ba kaseng ginawa mo?

Walang pang ilang minuto ay may reply na agad ito.

From Adeahyang:

Hindi ko alam sakanya ah! Basta bigla bigla na lang hindi niya ako pinansin nung makita niyang nakikipagtawanan ako kay Clark.

Napangisi ako ng mabasa ko yung sinabi niya.

To Adeahyang:

Syempre teh, tanga mo naman. Nagseselos yan malamang, suyuin mo nalang.

Natawa ako dahil sa reply ko at ramdam ko naman na parang may nakatitig sa akin pero isinawalang bahala ko na lamang ito.

From Adeahyang:

Married To A Monster (Completed)Stories to obsess over. Discover now