C'36

1.3K 22 0
                                        

Chapter 36

Nagising naman ako dahil may nararamdaman akong humahalik sa buong mukha ko, may mabigat rin na nakadagan sa akin kaya mabilis akong nagmulat ng mga mata at bumungad sa akin ang napakacute, napakagwapo at maamong mukha ng baby ko.

Naks, gandang pambungad naman ng umagang toh oh.

He kissed my cheeks once again “Gowd mowing, mamay ko” he greeted as he giggles. Napangiti naman ako dahil sa sobrang kakyutan niya.

Medyo nahihirapan parin siyang magbigkas sa mga salita pero may mga pagkakataon naman na nabibigkas na niya ito ng tama. Magaling kaya kaming magturo ni Zari.

I kissed his chubby cheeks “Good morning din, napakagwapo at cute kong baby” nakangiting sambit ko as I pinched his chubby cheeks.

Napatitig naman ako sakanyang mukha at hindi mapigilang ikompara ang mukha niya sakanyang ama dahil kamukhang-kamukha niya ito. Parang mini-version ni– basta ng tatay niya.

Mula sa kilay pababa sakanyang mga labi kuhang-kuha niya ang pagmumukha ng tatay niya pero cute version nga lang. I sighed. Napaka-unfair naman at ako ang nagsilang at nagpakahirap pero mas kamukha niya parin ang ama niya. Well, mas malakas siguro genes ng lalaking iyon kaya ganun. Okay narin naman at wala narin naman siya para sa akin, ang tanging pinagpapasalamat ko sakanya ay binigyan niya ako ng napakacute at gwapong anak.

Ayaw niyang maging baby ko kaya binigyan niya na lamang ako ng totoong baby.

Syempre, he doesn't know that we have a child and I don't have any plans to tell him anyway, even though he's the father, even though he have rights. The day he pushed me away, is also the day I promised to forget him and how he became part of my life.

Wala akong balak ipakilala siya kay Klein dahil sigurado naman ako na hinding-hindi na magtatagpo ang landas naming dalawa. Sa laki ng ba naman ng mundo, malabo nang magkita kaming dalawa and I'm sure about it. One hundred percent sure na sure!

“Say good morning, baby ko” sambit ko at agad kong pinulupot ang mga kamay ko sa bewang niya.

He pouted. Nagpapacute na naman ang baby damulag “Goood mowning, mamay” muntik naman akong matawa dahil sa sinabi niya. Mowning almost sounds like moaning. Nabubulol parin siya konti.

I pinched his cheeks “Not mowning, baby. It's morning” I said and kissed his cheeks “Say it, mor-ning”

“Mor...ning”

“You almost got it baby. Keep saying it” I encourage him. Napanguso naman siya.

“Morning po?” muntik naman akong mapapalakpak dahil sa nakuha niya agad at alam narin niyang gumamit ng 'po'.

I kissed his cheeks and his forehead “Good job, baby! Ang galing mo talaga, mana ka kay mama” narinig ko naman ang pagtawa niya at nagtawanan kaming dalawa.

After naming magkulitan napagdesisyunan ko naring bumangon to do my morning routine. Si Klein naman ay nakaupo lamang sa kama ko habang sinusundan ako ng tingin. He loves watching me every morning like I am his favorite cartoon movie. Palagi niyang sinasabi na maganda daw ako at ako daw ang pinakamagandang mama niya sa buong universe, well ako lang naman kase ang mama niya kaya no choice siya.

Pumasok naman ako sa banyo para makapaghilamos. Habang naghihilamos naman ako ay napatingin ako sa salamin, walang nagbago sa akin sa mukha ko pero sa katawan ko meron.

Iniangat ko naman ang t-shirt ko at bumungad sa akin ang naghilom ng sugat sa aking tiyan. Hinawakan ko naman ito at napangiti na lamang ako, malaki itong hiwa na natahi at dito lumabas si Klein.

Married To A Monster (Completed)Stories to obsess over. Discover now