a/n: This chapter is dedicated to GraceQuinto6 & sarahestilles thank you for being my active reader and for blowing up my notifications every time I have an update.
Ready na? HAHAHAHAH
Chapter 45
Napatawad ko na siya.
Iyan ang totoong nararamdaman ko ngayon. Lahat ng bigat at sakit ng loob ko ay bigla nalang nawala ng parang bula dahil naliwanagan na ang lahat.
He did that to protect me from his father and that's the truth, ang hindi ko lamang maintindihan ay bakit pilit siyang hinahamak ngayong wala namang ginagawang masama si Stefano sakanya. Just to think of it na gusto pa niya akong idamay dahil alam niyang isa ako sa mga taong mahahalaga sa buhay ni Stefano.
I can't believe that I am throwing hurtful words towards him yet behind those things he have done, he's just really protecting me and keeping me out of danger.
Napailing-iling na lamang ako habang patuloy parin sa pagtitimpla sa kape ko. After all the things that happened between us. I am still here, loving him and will always love him.
Una na pa lamang ay pilit ko nang itinatanggi na may pagmamahal pa ako sakanya pero kahit ilang beses ko itong itanggi kung ang puso ko na mismong ang nagpaalala sa akin. I still love him, despite all the things he have done. I still and will always love him.
“Mahal? Wife? Joelorie? Where are you?” narinig kong sambit ni Stefano na nagmumula sa sala. Automatikong sumilay ang isang ngiti sa aking labi dahil sa sobrang pagiging OA niya.
I giggled like teenager “Sa kusina po” mahinang sigaw ko na alam kong narinig niya dahil naririnig ko ang mga yabag niyang papalapit sa pwesto ko.
Nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko ay hindi ko muna ito nilingon kase nga abala ako sa pagtitimpla sa kape ko na kanina ko pa ginagawa. Ang tagal ko namang magtimpla.
Naramdaman ko naman ang matitigas niyang braso na pumulupot sa bewang ko at hindi na ako masiyadong nagulat ng ipatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa ginawa niya.
Para siyang nanlalambing kapag ganito siya, medyo hindi parin ako sanay sa ganitong gestures niya, na ganito siya ka-sweet.
He sniffed my neck “What are you doing?” he asked with his morning voice. Muntik naman akong mapatili dahil sa sobrang lalim ng boses niya.
Shucks, nababaliw na yata ako.
Pabiro naman akong umirap “Nagsasaing?” I answered sarcastically because it is very obvious that I am making my coffee. Tatanong-tanong pa kase.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa “You're cute when you're being sarcastic” natatawang sambit niya na siyang ikinairap ko lalo.
Hays, bumalik na naman yung Stefanong mabulaklakin ang mga salita. Hindi parin ako makapaniwala, sobrang bilis lahat ng pangyayari.
After all what happened between us, we are still here, in each other's arms.
“Cute? Ano ako bata?” mataray na tanong ko habang naghahalo.
Narinig ko naman ulit ang pagtawa niya kaya mas lalo akong napairap. Ano namang nakakatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko? Totoo naman yung sinabi ko ah.
“May laman na ba ulit yan? Ang bilis naman hindi pa natin ginagawa yun ah” pilyong sambit niya kaya muntik ko na siyang mahampas mabuti na lamang ay nakatalikod ako at may hawak akong kutsara at baso.
YOU ARE READING
Married To A Monster (Completed)
RomanceD e v i l r i e s S e r i e s # 1 Marriage. Marrying. Married. In a world where love is a luxury she doesn't believe in, Joelorie faces an unexpected offer from a man as cold and mysterious as he is compelling. Stefano Galvin Monstero isn't just an...
