Chapter 35
After four years.
"Joelorie, pasuyo nga pakiserve nga ito sa table three" Marreina pouted and I just nodded.
Napangiti ako dahil sa pagpapacute nito sa akin. Hindi naman na niya kailangan pang magpacute dahil gagawin ko naman ito as long as hindi ako busy.
Kinuha ko yung tray na inaabot niya at binigyan naman niya ako ng matamis na ngiti na agad ko ring sinuklian. Abala ngayon itong restaurant kaya alam kong hindi siya makaalis sa pwesto niya para makaserve sa taas.
Napatingin naman ako sa paligid para sana hanapin si Adi pero mukhang abala rin ito at hindi ko ito mahanap saan mang sulok.
Pati ang mga iba kong kasamahan at abala rin sa pagkuha at pagserve sa mga orders ng customers.
Kagagaling ko lang kanina sa taas and I guess pupunta na naman ako doon, matinding kaaway ko pa naman itong hagdanan kase medyo madulas siya tapos yung sandal pa namin eh hindi rin magkasundo sa hagdanan kaya minsan eh muntik na akong madulas mabuti na lamang ay nakakaya ko pang ibalanse ang katawan ko.
Kaya mas pinipili ko sa baba nalang at ayaw kong pumupunta sa second floor kase hassle masyado.
"Here's your order, ma'am, sir" I said calmly and professionally as I gently placed the foods on their table.
"Looks delicious" I heard the woman commented and I plastered a smile.
Yes naman. This restaurant is very well known for it's delicious and tasty foods. The appetizers, main course, and desserts that made this restaurant more popular. Magaling talaga yung mga cook namin.
Nang matapos ko ng ilapag yung mga order nila I stood professionally as I excused myself and told them to call me if they need anything else.
Sakto namang pagbaba ko ay nakasalubong ko si Adi na mukhang stress at haggard na. She saw me too and she frowned.
"Daming customers" she mouthed and I almost hear her voice protesting. I laughed and she rolled her eyes. Mabilis naman niya akong nilagpasan dahil may ihahatid pa siyang mga orders.
Mabilis naman akong nagtungo sa counter dahil sa padami ng padami talaga ang mga customers, nagdadagsaan sila pagkalipas ng isang oras. At ganyan ang naging gawain namin buong maghapon hanggang sa inabot kami ng gabi.
***
Napatingin ako sa orasan at muntik na akong mapamura ng makita kong mag aalas-diyes na nang gabi.
Nakaupo kaming lahat at lahat kami ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa sobrang pagod. Bandang mga alas-otso na ay medyo kumonti na ang mga customer hanggang sa magsara na kami.
Sarado na kami ngayon at lahat kami ay napasalampak nalang ng upo dahil sa matinding pagod at panghihina ng aming mga katawan. May iba pa ay nakahiga na sa sahig, yung iba naman ay sa lamesa na nakahiga at yung iba ay nakasubsob na sa upuan.
This is very exhausting day for all of us.
Wala si ma'am ngayon dahil may inaasikaso siya pero hindi naman namin siya binigo at nahandle naming lahat ng mga customers nang walang aberya at dahil yun sa pagtutulungan naming lahat.
YOU ARE READING
Married To A Monster (Completed)
RomansaD e v i l r i e s S e r i e s # 1 Marriage. Marrying. Married. In a world where love is a luxury she doesn't believe in, Joelorie faces an unexpected offer from a man as cold and mysterious as he is compelling. Stefano Galvin Monstero isn't just an...
