Chapter 44
“You two will live with me, in my house”
Napatigagal naman ako at hindi makapaniwalang napatingin sakanya. Umusbong lahat ng galit at inis ko sakanya pagkarinig ko sa sinabi niya.
Ano sa tingin niyang pinagsasabi niya? Joke time ba toh? Ang sarap niyang tirisin at isabit sa pader ng patiwarik.
I looked at him “Nagbibiro ka ba? Kase hindi nakakatuwa” puno ng sarkasmong sambit ko.
Hindi naman ito natinag at seryoso parin ang mukha na parang wala lang sakanya yung sinabi ko.
“I'm serious. I have no time throw a joke in this kind of situation” he said seriously.
“At wala rin akong oras para makipagbiruan sa'yo and what makes you think that I will agree to your condition? Bakit hindi ba pwedeng maging magulang tayo pareho kay Klein na hindi nagsasama sa iisang bahay?” naiinis at nagtitimping sambit ko.
Hindi ako makapaniwala na ganun ang kondisyon, hindi ba niya inisip na hind kami okay na dalawa? Sinusubukan ko lang naman siyang pakisamahan dahil kay Klein at hanggang doon nalang. Wala nang iba.
Wala na ba talaga?
“I want us to be a complete family” sagot niya na siyang ikinaawang ng labi ko kapagkuwan ay tumaas ang isa kong kilay.
Anong pinagsasabi niya?! Ang kapal naman ng apog ng mukha niya na sabihin yun sa mismong harapan ko pa.
I gritted my teeth “Gutom ka ba? Kulang ka ba sa kain? Are you hearing yourself, Mr. Monstero? Patawa ka po” saad ko habang naiiling-iling pero puno ng sarkasmo ang sariling boses.
“I've already said, I don't have time to throw a joke. I am dead serious, wife” he said seriously and emphasized the word 'wife' dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Tangina.
“Sa lahat ng ginawa mo sa akin, sa tingin mo ganun nalang? Pakiusap, bago pa ako mainis ng tuluyan sa'yo itigil mo na yang kabaliwan mo”
Mabilis itong nag-iwas ng tingin “I-I'm sorry but I just want to give Klein a complete and happy family” natigilan ito at napatingin sa akin “He said earlier that he wants the three of us to live in the same house he said it was one of his birthday wish, and he'll be very happy if his wish will be fulfilled” mahinang sambit niya.
Natigilan naman ako dahil hindi ko alam na may ganong kahilingan pala si Klein, wala siyang sinasabi sa akin kase ni minsan hindi niya binabanggit at tinatanong sa akin ang ama niya pero may matagal na palang kinikimkim ang anak ko. At bilang isang ina ay hindi ko manlang nakita at napansin ito, sa ilang taon ang nakalipas I didn't even see what my son truly feels. At ipinangako ko na hindi ako magiging makasariling ina sa anak ko. I promised that I will chose what's the best for my son.
Sinalubong ko ang mata ni Stefano at seryoso ko itong tinignan. Para sa anak ko ulit ay gagawin ko ito.
“Sige payag ako, para kay Klein pero sa isang kondisyon...” I stopped and breathe heavily. Tinitigan ko ang kanyang mga mata, ang mga mata niyang minsan ko ng tinignan ng puno ng pagmamahal. Ang mga matang minsan ko ng hinangaan.
“I want an annulment. Gusto kong maghiwalay na tayo. I want us to be legally separated” I said seriously while looking straight into his eyes.
Bigla naman itong nanigas at mukhang natigilan dahil sa sinabi ko, he looked at me with so much disbelief in his eyes.
I saw how pain crossed in his eyes pero mukhang guni-guni ko lang yun dahil biglang naging malamig at madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. Lihim akong napalunok dahil sa sobrang lamig ng kanyang mga mata.
YOU ARE READING
Married To A Monster (Completed)
RomanceD e v i l r i e s S e r i e s # 1 Marriage. Marrying. Married. In a world where love is a luxury she doesn't believe in, Joelorie faces an unexpected offer from a man as cold and mysterious as he is compelling. Stefano Galvin Monstero isn't just an...
