C'0

1.5K 16 1
                                        

Nagising ako dahil sa sobrang pananakit ng ulo ko, ramdam ko rin ang pananakit sa kamay ko na para bang nakagapos ito. Kaya mabilis kong iniangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko at bigla akong natigilan dahil sa bumungad sa akin.

Nasa isa akong silid, hindi pamilyar na silid.

Napalinga-linga ako sa paligid at agad na natigil ang mga mata ko sa babaeng nakagapos rin sa upuan katulad ko, at parang pamilyar ang kanyang kabuuan, hindi ko lang matukoy kung kilala ko ba ito kase nakayuko ito, natatakpan ng kanyang mahabang buhok ang mukha niya.

Natigilan ako dahil ramdam ko ang mahigpit na pagkatali sa kamay at paa ko. Napapikit ako ng mariin dahil naalala ko ang huling nangyari bago ako napunta sa sitwasyon na ito.

Si Gwyne at a-ang ama ni Stefano.

Sila ang may gawa nito, sila ang kumuha sa akin at nagdala sa lugar na ito.

Ang huling naalala ko ay may naamoy o pinaamoy silang kakaiba sa akin dahilan para mahilo ako, na siya ring dahilan kaya nananakit ang ulo ko ngayon.

Ano bang nangyayari? Bakit ako nandito? Anong gagawin nila sa akin? Atsaka bakit...ano...saan.

Hindi ko mapigilang mapamura dahil sa maraming katanungan ang bumubulabog ngayon sa isipan ko. Ang gulo, hindi ko maintindihan kung bakit nila ako kinuha, anong kailangan nila sa akin at saang lugar nila ako dinala?

Atsaka anong oras na? Nakabalik na kaya sa bahay sila Stefano? Alam na niya kaya na nawawala ako?

Hindi ko mapigilang hindi kabahan, ramdam ko narin ang pamumuo ng luha ko dahil sobra na akong natatakot. Hindi ko inaakala na mangyayari ito, ang saya saya ko lang kanina tapos paggising ko nakagapos na ako sa isang upuan habang nasa isang hindi pamilyar na lugar.

Napatingala naman ako sa kisameng punong-puno ng alikabok at saktong pagtingala ko ay narinig ko ang pagdaing ng babaeng nakagapos rin malapit sa akin. Mabilis akong napatingin sakanya at nakita ko naman na bagong gising lang ito, at mukha rin siyang nagtataka dahil sa nakagapos siya sa upuan.

Sino ba ito?

Hindi ko talaga makita ang mukha niya dahil natatakpan parin ng mahaba niyang buhok at hindi parin siya napapatingin sa gawi ko kaya hindi ko matukoy kung sino ito.

“Shit! Putangina ang sakit ng pisngi ko” malutong niyang mura at bahid ng pagkainis ang kanyang boses pero hindi yun ang nagpatigil sa akin kundi pamilyar ang kanyang boses.

Parang kilala ko kung sino siya.

“Nasaan ako putangina talaga” mura niya ulit at hindi parin lumilingon sa banda ko pero sa paraan ng pananalita niya ay napakapamilyar.

At lahat naman ng katanungan ko ay nasagot ng bigla siyang lumingon sa akin dahilan para magulat kaming dalawa, nanlalaki rin ang mga mata namin habang nakatingin sa isa't isa.

“Joelorie?!”

“Marvie?!”

Halos sabay naming sigaw at hindi naman ako makapaniwala dahil siya ang babaeng kasama kong ikinulong sa silid na ito.

“Anong nangyayari?! Bakit tayo nandito?! Sino ang putanginang nagdala sa atin dito?! Anong kailangan nila sa atin?!” puno ng inis at galit na tanong niya. Napatitig naman ako sakanya dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko dahil pati ako ay hindi ko rin alam ang kasagutan sa mga katanungan niya.

Ang tanging alam ko lamang ay, kung sino ang nagdala sa akin dito, hindi ko naman alam kung sila rin ba ang nagdala kay Marvie.

Pero anong atraso ni Marvie sakanila? Anong kinalaman niya dito?

Married To A Monster (Completed)Stories to obsess over. Discover now