C'42

1.4K 24 0
                                        

Chapter 42

Kasalukuyan kaming naririto sa kotse niya. Habang siya ay nagmamaneho papunta sa bahay namin. Napabuntong-hininga ako at isinandal ang ulo sa bintana habang pinamamasdan ang daan na tinatahak namin.

I still can't believe it. I already said it to him. Wala siyang violent reaction, hindi siya nagalit at hindi niya ako sinumbatan na siyang inaasahan ko sana pero kabaliktaran ang nangyari, nakiusap pa siya sa akin na gusto niya raw makita si Klein.

Saglit akong napasulyap sakanya na seryoso lang habang nagmamaneho. Napailing-iling ako at agad na isinandal ulit ang ulo. Gusto ko sanang matulog muna habang hindi pa kami tuluyang nakakarating sa bahay pero ayaw ko naman dahil nasa iisang kotse lang kami ni Stefano, at kating-kati na talaga akong umalis dito sa loob. Balak ko pa sanang magcommute nalang kanina pero sayang naman pamasahe kaya pumayag na ako nung inalok niya ako ng sakay tutal isang lugar lang naman pupuntahan namin.

Atsaka alangan namang chikahin ko siya diba? Eh, hindi naman kami close.

“Joelorie” narinig kong tawag niya sa gitna ng katahimikang namumutawi sa pagitan namin.

Lihim akong napairap sa hindi malamang kadahilanan “Hmm?”

Wala naman akong natanggap na sagot agad mukhang pinag-iisipan pa kung ano ang sasabihin.

Ni-last talk ba ako?

Kasasabi ko lang kanina na ayaw ko siyang chikahin o kausapin manlang tapos parang nag-oopen pa siya ng topic.

“Can I ask you a question?” he asked and I can sense some hesitation in his voice.

Saglit ko siyang sinulyapan at napairap ulit “You're already asking” walang ganang sagot ko. I heard him gasped. Serves him right.

“Hmm, I mean, can I ask again?”

“You already asked twice”

Narinig ko naman ang malakas niyang pagbuntong-hininga na parang naiinis at naasar na siya sa akin.

Ngumisi ako dahil wala siyang magagawa kapag binabara ko siya. Kung sana kase idiretso niya nalang na tanungin kaysa naman tanungin niya pa sakin kung pwede ba siyang magtanong. Parang tanga lang.

“Idiretso mo nalang kase na tanungin, dami mo pang paligoyligoy” pabalang na sabat ko. Natahimik naman ito pero kalauna'y nagsalita rin.

“What is his name?” he asked hesitantly.

Without looking at him I answered his question.

“Klein Jacob” tipid na sagot ko. Hindi naman siya umimik kaya napipilitang napasulyap na lamang ako sakanya at nakita ko naman na may magandang ngiti na nakapaskil sakanyang mapupulang labi.

“Beautiful” magaan ang boses na sambit niya habang nakangiti.

Napailing-iling na lamang ako at ngumisi. Syempre, ako mismo nag-isip ng pangalan niya.

Ako pa ba? Joelorie Gonzales na magaling mag-isip ng pangalan. Kaya nga pati pangalan ng mga kapatid ko, ako rin nag-isip. Naks, ganun talaga kaganda ang mga pangalang naiisip ko, kaya pati pangalan ng anak ko maganda.

Saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa siguro hindi na niya matiis at nagtatanong-tanong na ito pero mostly tungkol sa anak namin na siyang sinasagot ko naman.

“What is his favorite food?” he asked again.

“Hindi siya mapili sa pagkain, kahit anong nakahain kakainin niya” sagot ko.

Nakita ko naman ang pagtango-tango niya “Favorite color?” alanganin pa niyang tanong.

“Sky blue”

Married To A Monster (Completed)Stories to obsess over. Discover now