Chapter 39
"Nak, si Klein sinugod namin sa hospital. Sobrang taas kase nang lagnat niya"
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni mama. Pilit kong kinalma ang sarili ko dahil sa mga panahong ganito ay kailangan kong maging kalmado para makapag-isip ng maayos, kahit na binubundol na ako ng sobrang kaba sa dibdib.
Never kaseng nagkasakit ng malubha si Klein na sa puntong isusugod pa siya sa hospital, kapag nilalagnat siya ay pinapainom ko lang siya ng gamot ay okay na pero iba yata ngayon kase sinugod pa siya sa hospital.
Naiiyak ako pero kailangan kong maging matapang para sa anak ko.
Agad ko namang tinanong kung saang hospital at sinabi kay mama na hintayin nila ako dahil papunta na ako at agad kong binaba ang tawag.
Mabilis naman akong nagpaalam kay ma'am at kay Adi na nagtataka pa kung bakit ako nagmamadali pero sinabi ko na lamang na emergency kaya nakaalis ako. Hindi ko na minsan pang nilingon ang kinaroroonan ni Stefano dahil mas importante ang lagay ngayon ng anak ko- anak namin.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong pumara ako ng masasakyan at sakto namang merong tumigil na taxi sa harapan ko. Wala akong inaksayang oras at agad na sumakay. Hindi ko naman mapigilang mag-alala kay Klein habang nakasakay ako sa taxi, iniisip ko kung bakit siya dinapuan ng lagnat eh mukhang masigla pa naman siya kahapon.
Wala pang trenta minuto ay nakarating na ako agad sa hospital na sinabi ni mama, mabilis naman akong pumasok at dumiretso sa front desk para tanungin kung saan ang room ng anak ko na agad naman nilang sinabi.
Agad kong tinungo yung room na sinabi nung nars at kumatok bago ko ito buksan, bumungad naman sa paningin ko si mama na nasa gilid ng kama ni Klein at si Zari na nakaupo sa couch habang may kung anong kinakalikot sa cellphone. Napatingin naman ako sa baby ko at nakita kong mahimbing itong natutulog na parang isang anghel
Hindi ko naman mapigilang manlambot dahil sa amo ng mukha ng anak ko, agad akong lumapit kay mama na ngayo'y may tipid na ngiti sa labi habang nakahawak aa kamay ng anak ko. Agad naman akong nagmano.
"Anong sabi ng doktor ma, bakit daw mataas ang lagnat niya?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok ng anak ko na mahimbing na natutulog. He really looks like an angel.
Tumingin naman sa akin si mama "Dengue, nak" malumanay na sambit niya.
Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
"Bumaba naman na ang lagnat niya dahil napainom na siya ng gamot, ang kailangan nalang daw niya ay pahinga at obserbahan nalang kaya kailangan na niya munang manatili dito sa hospital ng mga ilang araw" dagdag pa ni mama at medyo nakahinga naman ako ng maluwag.
Dengue is a serious case too and unexpectedly si Klein ang isang natamaan nito. Kailangan ko na yatang maglinis-linis sa bakuran namin kase mukhang maraming lamok ngayon.
Sabi naman ni mama ay pupunta ulit dito yung doktor na nag-aasikaso kay Klein para icheck ulit yung lagay ng anak ko.
Napatingin naman ako sa relong pambisig at alas-diyes na pala ng gabi pero hindi ko parin nararamdaman ang antok dahil mas nag-aalala ako kay Klein na ngayo'y hindi parin nagigising dahil siguro sa pagod kaya mahimbing parin itong natutulog. Ako ang pumalit sa inuupuan ni mama kaya nakaupo ako ngayon dito sa gilid ng kama ng anak ko. Napahawak ako sa kamay niya at bahagya pa itong hinahaplos.
Ayaw ko sa lahat ay may nagkakasakit sa isa sa mga pamilya ko.
Tumikhim naman si mama dahilan para makuha niya ang atensyon ko kaya napatingin ako sakanya.
YOU ARE READING
Married To A Monster (Completed)
RomanceD e v i l r i e s S e r i e s # 1 Marriage. Marrying. Married. In a world where love is a luxury she doesn't believe in, Joelorie faces an unexpected offer from a man as cold and mysterious as he is compelling. Stefano Galvin Monstero isn't just an...
