THE FACELESS GUY IN MY DREAM

35 2 2
                                    

THE FACELESS GUY IN MY DREAM (SHORT STORY #1)

THE FACELESS GUY IN MY DREAM (SHORT STORY #1)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


***

Anong gagawin mo pag ikinasal ka sa isang taong hindi mo kakilala sa panaginip mo?


You shouldn't mind, right? Kasi nga panaginip lang iyon.


Pero paano naman kung hindi siya mawala-wala sa isip mo? Palagi mo siyang hinahanap sa panaginip mo. Para sa'yo taken ka na sa kanya, hindi ka na ba talaga maghahanap ng iba?


***


Riya's POV

"Te, bantayan mo muna kapatid mo ha? May pupuntahan lang ako saglit." Sabi ni mama.

"Okay, ma." Sagot ko at tiningnan ang kapatid kong 2 years old na naglalaro sa kanyang laruan na bus. Nakita kong sumenyas ang kapatid ko ng pabilog sa kamay niya na ang ibig sabihin ay kakantahan ko siya ng The Wheels On The Bus, so kumanta ako. "~the wheels on the bus go round and round, round and round, round and round. The wheels on the bus go round and round. All through the town~" Paulit-ulit kong kinakanta iyan hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pagdilat ko, bumungad sa akin ang napakagandang mga puno sa paligid ko. May mga ilaw na sobrang colorful tingnan. Parang mga Christmas tree na may mga Christmas lights. Tumayo ako at naglalakad habang manghang-mangha sa paligid.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa tabing dagat. Doon, may isang lalaking nakaupo at nakatalikod sakin. "Um, excuse me?" Tawag pansin ko sa lalaki. He didn't budge nor answer me so I walked closer to him. "Hey!" Tawag ko ulit pero hindi niya parin ako pinapansin.

Ngumuso ako at tumabi sa kanya. Patuloy na nagsasalita kahit pa ayaw niya akong pansinin. "Where are we? Bakit parang ang ganda naman dito? Wala ba tayo sa earth?" I tried telling jokes but still it didn't entertain him. "Okay fine, tatahimik na!"

Ilang minuto kaming tahimik at tiningnan ko ang katabi. Nakaside-view siya pero kahit na ganun ang gwapo niya. Nakasuot siya ng polo na plain white and jeans na plain white rin. But still I couldn't clearly see his face kasi nga nakaside view siya. But his jawline were screaming that he's handsome.

"Why do you keep staring at me?" He hissed.

"Ayaw mo kasi akong pansinin eh!" Padabog kong sagot at nag-iwas ng tingin. Napatitig ako sa dagat dahil sa ganda rin ng kulay. Bakit puro lights ang nakikita ko eh umagang-umaga! "Anong... pangalan mo?"

"..."

"Ako nga pala si Riya."

"I know." Aniya na ikinalingon ko sa kanya.

"You know me?" Hindi ulit siya nagsalita. "Mahal ba ang bayad ng mga salitang binibigkas mo?" Pasiring kong turan.

Umalis ako doon dahil talagang ang tipid niyang magsalita nabobored ako. Pinagpatuloy ko ang paglalakad. Nabigla nalang ako nang may humawak sa kamay ko. Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa lalaki. Sinundan niya ako?

"Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?" I tried to get rid of his hand pero mahigpit ang hawak niya.

"Because you're my girlfriend?" Patanong niyang sagot.

"W-Whatㅡgirlfriend? Are you crazy?" Napasigaw tuloy ako.

"Noisy!"

"Wow, paladesisyon ka ah! Hindi nga kita kilala eh!" Napatingin ako sa mukha niya pero nangunot lang ang noo ko dahil hindi iyon malinaw sa paningin ko. Blurry lang siya.

"So you totally forgot about me?" May bahid na pagtatampo ang boses niya.

"Pramis, wala talaga akong boyfriend. Wait, kaya ba kilala mo ako?" He nodded. "Pero bakit hindi kita maalala kung ganun? Baka naman ibang babae yun?"

"I don't like any other girl but you." Aniya kaya kinilig ako. Enebe! My heart starting to skip a beat and I felt a tingling sensation in my stomach. "Tagal mong bumalik." Mahinang bulong niya.

"Huh? Teka, nasaan ba tayo?"

"We're in your dream, love." Sagot niya. At doon na ako napatigil. Naalala ko bigla na pinabantay ako ni mama sa kapatid ko pero nakatulog ako.

"Hala, yung kapatid ko!" Tarantang bulalas ko.

"You're going to leave me again?" I saw tears from his eyes. "Please marry me." Tuluyan akong napanganga sa sinabi niya. He kissed both of my hands. "I want you to mark as mine before you go back to your world."

"P-Pero, paano kung hindi na ako babalik?"

"Wala tayong magagawa." Malungkot niyang sagot.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ikinasal ako sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa dalampasigan at hindi niya mabitaw-bitawan ang kamay ko. He's so sweet and I just can't help but to fall for him. I'm crying.

"Hey, what's wrong? Why are you crying, love?" He wiped my tears using his right thumb.

"I love you." Naisambit ko nang hindi sinasadya. Ang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko matagal ko na siyang nakasama. "I don't want to leave you."

"I love you more and me too, I don't want you to leave but we all know you can't just do that. You can't leave your family there." Napatitig kami sa sunset. "Bago lumubog ang araw, kailangan mo ng bumalik. Please, love, gumising ka na."

Ilang ulit akong umiling-iling. "No, I can't. Sama ka sakin, please!"

He just smiled. "Soon, magkikita rin tayo. Hahanapin kita. Just take care of yourself, okay? I love you. At kapag nagkita tayo ulit, I'll marry you again." He kissed my lips as tears keep falling in my cheeks. "Take care, my love. I love you."

Nagising ako dahil sa mahinang sampal sa pisngi ko. "Aray ko naman, ma!" Reklamo ko.

"Bakit ka ba umiiyak? Umiiyak ka sa panaginip mo?" Dahil doon naalala ko siya. My boyfriend, my husband. Kahit na sa panaginip ko lang iyon, masaya ako kasi naranasan ko ang mahalin at alagaan na para bang isa akong babasaging bagay. Alam kong imposible na magkita kami sa totoong buhay pero kuntento na ako sa panaginip lang kami nagkikita.

That night, after we ate our dinner, I tried to sleep again and I fell asleep. Pero hanggang nagising ako kinabukasan, hindi na siya ulit dumalaw sa panaginip ko. I've been looking for him every chances na nakakatulog ako pero hindi na talaga siya nagpakita ulit.

Bakasyon na at hanggang sa balik eskwela ay wala akong gana dahil hindi ulit siya nagpakita. "Hmp! Akala ko ba mahal mo ako? Bakit hindi ka na nagpakita?" Napaiyak nalang ako.

Nandito ako sa boarding house namin at nagscroll sa Facebook. Maraming mga manunulat at mga threader at nag aadd friend sakin. Since I like reading short stories and threads, I accepted all of their friend requests.

Habang nagscroll ako sa facebook, may nascroll akong post na threads kaya binasa ko iyon hanggang sa may nabasa akong 'Kung hindi mo na nakikita ang walang mukhang lalaki sa panaginip mo, ibig sabihin nun natagpuan mo na siya sa totoong buhay nang hindi mo alam.'

Napatigil ako. "I-Ibig sabihin, natagpuan ko na siya?"


ㅡ THE END ㅡ

**
A/N: Vote and Comment :)
Guys, you can message me your real short stories. Highlight niyo lang and ako ng bahala sa lahat. I can give credits to you naman so don't worry. Anyways, happy reading!

SHORT STORIES (COMPILATION)Where stories live. Discover now