ANNIVERSARY SURPRISE

9 1 0
                                    

Anniversary Surprise (SHORT STORY #6)

Anniversary Surprise (SHORT STORY #6)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

"It was our anniversary and I'm planning on surprising my love of life. But to my surprise, she's the one who surprised me with a hurtful reality. Kaya imbes na siya ang i-sorpresa ko, ako pa itong na-surprise nila. Tsk!"

***

Brent's POV

"Ready na ba ang lahat?" Excited kong tanong sa mga kaibigan ko. Today is our day. Anniversary namin ngayon ng babaeng unang minahal ko. Siya ang naging liwanag sa madilim kong buhay at nang dahil sa kanya, nakaya kong magpatuloy. At ngayon nga ay isu-surprise ko siya.

"Yup, wag kang mag-alala, pre!" Jonas tapped my shoulder. Shît, I'm so nervous.

"Paano kung di niya magustuhan?" Kabado kong tanong.

"Brent, tanga lang ang di magustuhan tong bongga mong surprise. Gosh, ang laki kaya ng iniwaldas mo para rito. Kakainggit nga eh, sana ganito din jowa ko." Bulalas ng pinsan kong si Michelle.

Natawa ako. "Sabihan ko na ba si Lucas?" Panunuya ko.

"Sir, may dumating na po." Sabi ng staff sa restaurant. Andito kasi kami sa rooftop ng isang mamahaling restaurant dahil gusto ni Lia na makakita ng city lights pag gabi.

Taranta naman kaming umayos at napalinga-linga. Mas lalo akong di mapakali. Nang bumukas ang pintoan sa rooftop ay agad akong ngumiti ng malaki. Madilim na kasi gabi na at ang lahat ng ilaw ay nakapatay. Saka lang i-o-on pag nakapasok na si Lia.

Pinagpapawisan akong nakatingin lamang sa bulto ng babaeng mahal ko na lumabas mula sa pintoan. "Happy Anniversary!" Sigawan ng mga kaibigan namin kasabay ng pagliwanag sa paligid.

"Babe, h-happy anniversary!" Di ko mapigilang mautal dahil sa kaba. Nilapitan ko na siya mismo dahil natulala lang siya at napako sa kinatatayuan. Hinalikan ko siya sa sentido niya.

Binigay ko sa kanya ang kumpon ng tulips na hawak ko. "B-Brent..." Mahinang usal niya. Tila kinakabahan.

"What is it, babe? Let's sit first, hmm?" Malambing kong saad saka hinawakan ang kamay niya pero ganun nalang ang pagkagimbal ko nang iniwas niya ang kamay niya mula sa hawak ko.

I saw her swallowed hard. "Brent kasi..." Hindi siya makatingin sakin at halatang di siya mapakali. "Kasi... buntis ako." Aniya na may namuong luha sa mata.

"Y-You're pregnant?" Rinig ko ang pagsinghap ng paligid. Ngingiti na sana ako nang maalala kong wala pa palang nangyayari sa pagitan namin ni isang beses kasi malaki ang respeto ko sa kanya. "What do you mean, babe? Wala pa ngang namagitan satin eh. Is this some kind of a joke, right?"

Napaluha ako nang tuluyan ng bumagsak ang luha niya at umiling-iling. "I'm sorry..."

Napalingon kami sa pintoan nang may pumasok doon na lalaki. May itsura at magkasing-tangkad lang kami. "Hey, sorry natagalan ako." Tuluyang nanghina ako nang halikan ng lalaking iyon si Lia.

"Brent!" Sigaw ng isa sa barkada namin at inalalayan ako.

"I'm sorry. Brent, I'm so sorry." Hinging tawad ni Lia.

"Lia... p-paano?" Walang halos boses na lumabas sa bibig ko. "Paano mo nagawa sakin to? I treated you right! I respected you, nagawa mo pa ring lokohin ako?" Di ko napigilang mapasigaw habang umiiyak. Wala na. Lahat ng pangarap kong may kinalaman sa kanya nawala na nang parang bula. "Sa anniversary pa talaga natin ko pa malalaman? How could you do this to me?" Pinanlisikan ko ng mata ang lalaki. "At Ikaw? Alam mo bang may jowa na yang nilandi mo ha? Anniversary namin ngayon oh pero sinira mo!" Sigaw ko.

"Alam ko at believe me or not, sinubukan kong pigilan ang naramdaman ko kasi mali. But I love her. She's pregnant with me and I won't let her to be away from me. I know, it's my fault. I'm sorry." Sinserong saad din nung lalaki.

Naluluhang nabalik ko ang tingin kay Lia. She's crying kaya pinaupo siya ng lalaki. Kitang-kita ko pa ang kamay nilang mahigpit ang hawak sa isa't isa.

"Do you love him?" Walang lakas na tanong ko kay Lia.

Tumango siya. "I love him."

Tumango din ako. "Did you love me while we're still together?" Masakit man, di ko napigilang itanong iyon.

"I do, I really do loved you. But Sean, Sean made me realize, my love for you is not that deep and I don't to be unfair sa'yo. I really want to tell you the truth pero ayokong saktan ka. You're so good to me, Brent kaya masaktan ka. I'm really sorry."

"Sinaktan niyo na nga ako eh! Pucha!" Napaupo ako sa sahig. Hindi makalapit ang mga kaibigan namin at mas pinili nalang manahimik sa tabi. "Sapat na sakin malamang minahal mo ako. I love you so much, Lia, but I can't take your happiness away from you. Masaya na ako kung saan ka masaya. Malaya ka na. Pinapalaya na kita at hinahayaang makasama siya."

"Lia..." Naisambit nung Sean ang pangalan ni Lia nang yakapin niya ako ng mahigpit.

"I'm really hoping you find someone who is better than me. Someone who will treasure and love you because you're a good man, Brent. I don't deserve you, I really don't. Thank you so much for everything. You made my year being with you unforgettable." Mas nasaktan ako sa sinabi niya sakin. Niyakap ko din siya pabalik. Our last hug.

"Can I ask for a favor?" Mahinang tanong ko.

Kumalas si Lia at tiningnan ako sa mata. "Kahit ano."

"Can we greet each other for the last time?" Hiling ko.

She held my hand. "Happy anniversary, babe." She smiled while tears keep falling down from her eyes.

"Happy anniversary. Please be happy." Napapikit ako saka tumalikod at lumabas ng rooftop. Sobrang sakit na kaya hindi ko na kayang nakikita silang magkasama.

Pucha! Anniversary namin pero heto pa ang nangyari. Siguro nga hindi pa talaga siya ang para sa akin. Ang lupit mo naman kupido eh! Pinagtagpo mo nga kami pero di tinadhana!

ㅡWAKASㅡ

SHORT STORIES (COMPILATION)Where stories live. Discover now