Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
***
"My name is Selene and I'm a Selenophile. What a coincidence, right?"
"I don't know but I feel like I'm meant to be one of the stars that always shine bright in the sky alongside the moon."
***
Selene's POV
"I'm sorry to say this but your daughter can only live within two months. Her disease getting worse and worse and it's now complicated." The doctor announced those words to my parents where I wasn't allowed to hear pero dahil matigas ang ulo ko at gusto kong malaman ang kalagayan ko, I took a peeked and eavesdropped.
Nanghihinang napaupo si Mama sa sahig ng ospital habang inaalo siya ni Pap. "My baby.. she doesn't deserve this. She's too young, too innocent. I can't live without my baby!" Umiiyak ng umiyak si Mama habang ako ay tinatakpan ang bibig ko dahil sa hikbi ko.
"I'm sorry.." The doctor said and left my parents.
"Mahal, habang andito pa ang anak natin, wag tayong humiwalay sa kanya. We'll do anything upang mapasaya siya." Rinig kong sabi ni Papa ngunit pinalo lamang ni Mama ang kamay niya.
"Are you saying na mamamatay si Selene?" Sigaw ni Mama.
"Nasasaktan din ako Selena! Anak ko rin si Selene, sobrang sakit sa damdamin! Kung pwede nga lang na ako nalang eh! Pero alam nating pareho na wal tayong magagawa! Mahirap kalabanin ang sakit ng anak natin! Please, imbes na umiiyak tayo dito ay bantayan nalang natin si Selene. Wag tayong aalis sa tabi niya. Sulitin natin ang mga panahong andito pa siya." Mahabang usal ni Papa.
Hindi ko na kinaya pa at bumalik na ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot.
Ayokong iwan si Mama! Ayokong iwan si Papa! Ayoko pang mamatay! Bakit ako pa? Sa dinami-dami ng mga bata jan, bakit ako pa ang nagkaroon nito?
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto kaya palihim kong pinunasan ang luha ko. "Anak, how are you feeling?" Malambing na tanong ni Mama habang umuupo sa tabi ko. "Are you hungry?"