PART II
Tyla's POV
Napahigpit ang kapit ko kay Benj nang sugurin kami ni Madam Chloe nang biglang may tumunog na ringtone na nakapagpahiyaw sakin dahil sa sobrang gulat.
Nagtaas-baba ang dibdib ko dahil sa abot-abot ba kaba. "Yes!" Minulat ko ang mata at nakitang hawak ni Madam Chloe ang cellphone niya at may kausap doon. Yung tono ni Madam ay pagalit dahil siguro galit siya sa pag-istorbo nang kung sino mang tumawag sa gagawin sana sa amin ni Madam.
"B-Benj, ang susi..." Bulong ko sabay turo sa mesa ni Madam kung nasaan ang susi ng office niya.
"Dito ka lang." Dahan-dahang lumapit doon si Benj habang nakatutok ang mga mata namin kay Madam Chloe na nanlilisik na ang matang nakatingin sa gilid at galit paring kinakausap ang katawag.
Pigil ang hiningang inabot ni Benj ang susi at tila nabunutan ako ng tinik nang matagumpay niyang makuha iyon. "B-Bilis!" Nauutal na ako at nanginginig ang kamay naming pareho habang sinusubukang buksan ni Benj ang pinto gamit ang susi.
"Where do you think you're going?" Nanlaki ang mata ko at napalingon kay Madam. Her eyes, her bloodshot eyes were screaming no mercy. Itinaas ulit ni Madam ang kamay niyang may itak at sumugod sa amin.
"Benj, hurry!" Napasigaw na rin ako at napasiksik kay Benj.
"Hindi kaayo makakaalis rito ng buhay!" Sigaw ni Madam at nang makalapit na siya sa amin ay napapikit ako. Naramdaman ko nalang na may humila sakin at rinig ko ang pagbukas at sirado ng pinto. "Mapapatay ko rin kayo!" Sigaw ni Madam sa loob ng office niya at tumawa ng mala-demonyo.
"Kailangan natin tong i-report sa Principal para sila na ang makapagreport sa mga pulis." Wika ni Benj at ibinulsa ang susi ng office ni Madam.
***
"What are you talking about? Are you saying na papatayin kayo ni Chloe at nakita niyo rin ang kaklase niyong pinatay niya sa loob ng office niya?" Tanong ng Principal. Naglakas-loob kaming dumiretso rito sa Principal's office dahil takot na takot na talaga kami sa maaari pang mangyari kapag wala silang alam tungkol kay Madam Chloe.
"Yes po, eto nga po ang susi ni Madam, sir." Sabay abot sa susi.
"Bakit nasa inyo to? Did you lock her in her office?"
"Yes sir, kailangan naming gawin yun kung hindi papatayin niya kami! Sir, maniwala ho kayo sa amin. Muntik na niya kaming mapatay kanina!" Giit namin.
Napahawak ang principal sa sentido niya. "Kids, there's no such thing as what you have watched in the TV. Kakanood niyo yan ng horror. Balik na kayo sa klase niyo." Kinuha ni sir ang susi ni Madam Chloe sa amin.
"But sirㅡ"
"If you say a word one more time, I'll suspend you both. You violated our one of the rules here at ni-lock niyo pa talaga ang guro ninyo. Where's your respect now?" Nagalit na ang principal kaya wala na kaming nagawa ni Benj at umalis doon.
"They won't believe us and won't take an action? Pwes, tayo ang gagawa upang mawala na si Madam Chloe sa school na'to." Ani Benj habang patungo kami sa classroom namin.
"What do you mean, Benj?" Hindi sumagot si Benj hanggang sa nakarating kami sa room.
"Benj, Tyla, are you okay?" Nagulat ako sa tanong ng isa naming kaklase.
"Huh?" Kunyareng hindi ko alam ang pinagsasabi nila.
"I heard you earlier sa office ni Madam Chloe at alam rin namin ang ginawa niya kay Brenda pero ayaw maniwala ng mga teachers nang sabihan namin sila."
YOU ARE READING
SHORT STORIES (COMPILATION)
Non-Fiction[SHORT STORIES] Date Started: March 23, 2024