SLEEPWALKING (PART II)

19 1 0
                                    

Mira's POV

Nangangatal ang labi ko habang nakatingin sa ulong putol na nakatalikod sa gawi ko. Nag-iba bigla ang pakiramdam ko. Tila masusuka na ewan. "Mira, takbo!" Sigaw ng kung sino pero hindi ako nakakilos bagkus tinaas ko ang tingin ko saka nagimbal ako sa nakita.

Yung babae, dilat na dilat na ang mga mata na purong puti. May hawak na kutsilyong may bahid pa ng maraming dugo. Tila bumara ang lalamunan ko kaya napalunok ako ng wala sa oras. Nawalan din ng lakas ang mga tuhod ko kaya hindi ako makatakbo. A-Anong nangyayari?

Labis ang takot ko nang sumugod sa akin ang babaeng wala man lang reaksyon ang mukha. Tila wala siya sa sariling sinugod ako dala ang kutsilyong hawak ng kaliwa't kanang kamay niya. Dahil hindi ako makakilos kahit anong pilit ko, sinubukan ko nalang sagangin ang kamay niya. "T-TULONG!" Buong lakas na sigaw ko. "RAFFFF! TULONG!"

"Grrrrrr!" Rinig kong tinig mula sa babae. Yung tinig na parang naghihilik.

Natumba ako nang itulak niya ako gamit ang isang kamay kaya nadapa ako katabi yung pugot na ulo. Mas lalong napahiyaw ako nang mapagtantong si Teejay pala iyon. Ulo iyon ni Teejay. Ibig sabihin wala na siya? Ano ba kasi ang nangyari?

Malakas ang babae kumpara sakin. "Mira!" Nakita ko si Lesly na karambulan na yung babae. "Ah!" Kita ko ang pagdaplis ng kutsilyo sa pisngi niya. "Mira, tulong!"

Hindi ko alam ang gagawin ko pero isa lang ang alam ko, ayokong mapahamak sila. Kilos, Mira, parang awa mo na!

Pinilit kong tumayo at naghanap ng pwedeng magamit upang mailigtas si Lesly. Nakita ko ang isang maliit na batong hugis kabibe sa gilid. Bahala na!

"Bitawan mo siya!" Sigaw ko at sinugod ang babae. Pinaghahampas ko sa ulo niya ang bato kaya dumugo iyon. Nanginig ang kalamnan ko sa nakita. Hindi! Baka mapatay ko siya! Binitawan ko ang bato nang mabitawan na niya si Lesly.

Hinawakan ko ang kamay ni Lesly saka ko siya itinayo. "Asan sila?" Tanong ko.

"Si Teejay..." Tinuro ni Lesly ang ulo ni Teejay. "Sana pala hindi nalang niya ginawa yun."

"Ang alin? Lesly, anong ginawa niyo?" Sigaw ko.

"Grrrr!" Tumayo ang babae at kahit puno na siya ng dugo ay tila wala lamang yun sa kanya. Blangko parin ang mukha.

Kapwa nagtaka kami ni Lesly na hindi kami nito sugurin bagkus lumihis ito ng daan at lumabas ng silid. "T-Tara na.."

Hawak-kamay kaming lumabas ng silid na iyon at dahan-dahang naglakad upang di makagawa ng ingay.

Papababa ba kami ng hagdan nang makita na naman namin ang mga dugong nagkalat sa sahig. Nakarinig kami ng ingay sa gilid na parang tunog ng paulit-ulit na saksak kaya nilapitan namin yun. "Hindi!" Sigaw ni Lesly nang makita naming si Diro pala ang paulit-ulit na sinasaksak. Bumulwak na ang dugo niya sa kung saan-saang parte ng katawan niya. Wala ng buhay si Diro na nakadilat parin ang mga mata habang paulit-ulit ay walang sawang pinagsasasaksak siya ng babae.

Hinila ko patago si Lesly upang di kami matagpuan ng babae. Sumilip kami sa maliit na butas at nakita ko si Aya na takot na takot habang naglalakad sa corridor. Tatawagin ko na sana siya nang dambahin siya ng babae at sinaksak ang leeg. Kagaya kay Diro, paulit-ulit din iyon hanggang sa malagutan ng hininga si Aya.

Tumulo ang luha naming pareho ni Lesly. Hindi ganito ang gusto naming mangyari. Gusto lang naman naming mag-hike at nakikitulog lang naman kami. Bakit kailangang umabot sa ganito? Mamamatay ba kami? Mauubos ba kaming lahat?

"Raf..." Naiusal ko nang mapagtantong hindi pala siya kasama naming umakyat kanina. Sana okay lang siya. Sana ligtas siya.

Kahit papano ay nakahinga ako ng maluwag sa inisip. Kailangan naming magkita. Pupuntahan ko siya. "Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Lesly.

SHORT STORIES (COMPILATION)Where stories live. Discover now