Madam Koi Koi (PART I)

16 1 0
                                    

Madam Koi Koi (Short Story #8)

Madam Koi Koi (Short Story #8)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*****

A monster.

Yan ang tawag namin sa guro naming walang patawad kung magparusa. Makagawa ka lang ng kahit maliit lang na pagkakamali, manginginig ka na sa takot dahil sa parusa niyang walang kasiguraduhan kung mabubuhay ka pa ba.

Makakahinga ka ng maluwag kung sisigawan, papaluin, at babatuhin ka lang niya pero higit pa dyan ang gagawin niya sa'yo. Kung hindi mamartilyohin ang kamay mo, kukunan ka naman ng kuko gamit ang matutulis na bagay.

Sobrang natatakot kami sa maaari pa niyang gawin so we had to secretly get rid of her, na sana hindi namin ginawa.

Dahil sa ginawa namin, masnagiging halimaw siya. Yes, we were the reason. We made her into a monster even more.

******

Tyla's POV

"Hi, anong pangalan mo?" Tanong sakin ng seatmate ko. Kakapasok ko lang sa classroom namin at agad umupo sa bakanteng upuan.

"Ako si Tyla. Ikaw?" Pakilala ko.

"I'm Benjamin, you can call me Benj. Nice to meet you, Tyla." Nagshake hands kami.

First day of school namin at isa akong transferee dahil kalilipat lang namin sa bayan na ito.

Nagsidatingan na rin ang iba pa naming classmates hanggang sa nagbell na nga hudyat na magsisimula na ang klase.

Dahil wala pang pumasok na guro sa classroom namin ay nag-iingay ang mga kaklase ko. Sobrang ingay na aakalain mong nasa merkado kami. Hinablot ko nalang ang headset ko at nakinig ng music. Maya-maya, may nagtanggal sa headset ko sa left ear kaya napatingin ako kay Benj.

"Paparating na si ma'am." Aniya kaya tinanggal ko na din ang sa right ear at pinatay ang music.

Napalingon kami sa may pinto nang makarinig kami ng matinis na tunog ng isang takong. At may pumasok na isang babae. Maganda, matangkad at morena. May dala-dala itong isang makapal na libro at mahabang stick. What are we, a kid? Napairap ako sa hangin.

"Do that again one more time and I'll stab your eyes using this. You wouldn't want that, right?" Awtomatik akong napatingin ulit sa guro namin nang magsalita ito at nakita kong sa akin ito nakatitig kaya napalunok ako.

SHORT STORIES (COMPILATION)Where stories live. Discover now