SHE'S A PSYCHOPATH (SHORT STORY #2)
***
Isang gabi, kasama ang magkakaibigang nagkayayaang magpaparty, mangyayari ang hindi inaasahan ng lahat.
Isang kagimbal-gimbal, nakakapanindig balahibo, nakakapangilabot, at higit sa lahat habangbuhay babaon sa alaala nila.Kung isa ka sa kanila, uunahin mo bang iligtas ang mga kaibigan mo o ang sarili mo?
***
Aubrey's POV"Sure na yan ah? Wala nang bawian. Sasama ka na samin mamaya?" Kanina pa paulit-ulit sa katagang ito si Juhanna habang umiinom ng juice which is araw-araw niyang iniinom.
"Sama ka na, please?" Pagpapa-cute naman ni Shane. Andito kami ngayon sa boarding house ni Kathlea dahil pag-uusapan daw namin ang pagpaparty ni Shane bukas ng gabi.
"Eh, sabi ko naman diba makakapunta lang ako kung papayagan ako ng parents ko? Y'all know naman na strict ang parents ko." I flipped my hair.
"OA! Saka duh, ano ka? Teenager? Ayt oo nga pala 19 ka pa so belong ka pa sa teenager but wait, adult ka na rin naman so there's no way na hindi ka papayagan saka kami naman ang mga kasama mo." Sabat ni Kathlea.
"Luh, bakit si Aubrey pinipilit niyo tapos ako, hindi? Nakakatampo kayo, amp!" Pagtatampo kuno ni Rhea.
"Ay oo nga pala, girls. Kailangang magpapilit ni Ate." Halakhak ni Hanna. Si Rhea kasi ang pinakamatanda samin dito sa boarding house at ayaw na ayaw niyang tinatawag na ate dahil siya rin naman ang pinakamaliit saming lahat.
"ATEEEE!" Kantyaw naming lahat kaya mas lalong nalukot ang mukha ni Rhea.
"I hate you!" Maktol niya kaya nagtawanan kaming lahat.
***
"Waaaaa! Eto ba ang hindi papayagan? Aga nga dumating eh!" Sinalubong kami ni Shane ng yakap isa-isa. Sa bahay nila kasi gaganapin ang party bukas at dito kami mag-o-overnight ngayon since wala rin ang parents niya, out of town.
"Sigurado ka ha nagpaalam ka sa parents mo, baka mamaya mapagalitan kami nyan!" Ani Kathlea habang nagpapahinga kaming lahat sa sofa.
"Yeps, don't worry. Besides, si daddy nga ang nag suggest na magpaparty eh pang stress reliever daw." Napatango-tango nalang kaming lahat sa sinabi ni Shane.
"Inaantok ako. Shane, nasan ang magiging kwarto namin?" Tumayo si Rhea at humikab.
"Halikayo, I'll show you your room. Pasensya na dalawa lang guest room namin so tagdadalawa nalang every room." Umakyat kami sa second floor at inihatid kami ni Shane sa magiging kwarto namin. Sa isang kwarto, si Rhea at si Juhanna. Saka sa kabila ay kami ni Kathlea.
YOU ARE READING
SHORT STORIES (COMPILATION)
Non-Fiction[SHORT STORIES] Date Started: March 23, 2024