SLEEPWALKING (PART I)

18 1 0
                                    

SLEEPWALKING (SHORT STORY #10)

SLEEPWALKING (SHORT STORY #10)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.

Eh sa mga sleepwalker kaya? Maganda kaya silang biruin lalo pa't naglalakad sila habang tulog? Diba nakakatawa yun? Ma-testing nga...

Curious kami eh!
Eto ang pagkakamaling nakapagpagawa sa amin ng bagay na halos umubos sa aming magkakaibigan.
We were just curious.

Dahil sa kagustuhang gawin ang isang birong sa umpisa pa lang ay sana hindi nalang namin ginawa, nauwi sa kagimbal-gimbal na pangyayari ang outing naming magbabarkada.

In order to survive and to get out of that place alive, we have to fight back.
In short, murder the murderer.

***

Mira's POV

"Bilisan niyo!"

"Tsk. Bakit pa ba sinama ang mga yan?"

"Iniinggit lang tayo, amputa!"

"Hoy, maghihiwalay din kayo sinasabi ko sa inyo!"

"Walang forever dahil ako ay single!"

Ilan lang ang mga iyan sa isinigaw ng mga kabarkada ko habang naglalakad kami dala-dala ang mga bag namin. Bakit nga ba sila nagkaganyan?

Isinama ko lang naman kasi ang boyfriend kong si Rafael at magkaholding hands pa kami while walking kaya ang mga very supportive kong friends ay ang bibitter. Amp!

Pero kahit na ganun hindi namin sila pinansin. "Are you okay there, love?" Marahang tanong ng mahal ko. Enebe! Eme.

"Um, no." I pouted. Ang bigat-bigat kasi ng backpack ko. Hindi ko naman pwedeng ibigay kay Raf kasi may backpack din siya.

"What? Give me your bagㅡ"

"Eme!" Pagputol ko sa kanya. "Eme-eme lang po! Don't worry, I'm fine. Ako pa!" Finlex ko pa ang muscle ko but Raf seemed unconvinced. He just stared at me tila ang plastic-plastic ko.

"Guys, let's take a break!" Sigaw niya bigla kaya napahinto ang nauna kong mga kaibigan.

Wait, hindi ko pa pala sinabi kung anong ginagawa namin ngayon. Nagha-hike kami. Inakyat namin ang Mt. kalayo o Musuan Peak dito sa Bukidnon. We're all adventurous at marami-rami na rin ang naaakyat naming mga bundok mapa-Luzon o Visayas man. Hindi pa namin nasubukan dito sa Mindanao kaya sinubukan namin at itong Mt. Kalayo nga unang pinuntahan namin dahil sa isa naming kaibigan na taga rito.

SHORT STORIES (COMPILATION)Where stories live. Discover now