Mahal Ko o Mahal Ako (SHORT STORY #09)
***
May tanong ako.
Alin ba ang pipiliin mo? Yung taong mahal mo na walang pakialam sa'yo kahit anong pagpapansin mo o yung taong mahal ka na kahit anong pag-iignora mo ay andyan parin at hindi sumusuko sa'yo?***
Sachi's POV
Inis kong pinulot ang cellphone ko nang mag notify ito ng walang tigil. Madaling araw pa pero pang tanghali na ang inis ko dahil sa kakabwisit ng lalaking ito. Kailan niya ba ako tatantanan? Kapag gumuho na ang mundo? Kapag pumuti na ang uwak?
Tiningnan ko ang mga messages niya sakin. Nakuha niya ang facebook ko dahil sa pesteng pinsan ko na barkada niya.
From: Knight Lerkin Emmanuel
Hi Sachi, good evening.From: Knight Lerkin Emmanuel
Tapos ka na bang kumain, ako tapos na.From: Knight Lerkin Emmanuel
Good morning. Wake up na may class ka pa ng 7am diba?Napaikot ang mata ko sa mga cringe messages niya. Agad kong binura iyon lahat dahil sa pandidiri. Gosh! Sana hindi ko siya nakilala. Naalala ko tuloy nung panahong umamin siya sakin. Gusto niya daw ako. Like what the hell? Hindi ang tipo niya ang gusto. I hate bookworm men.
I know him dahil schoolmates lang kami. Simula noon hanggang ngayon palaging libro ang ka-date niya. May itsura at matalino siya oo pero di ko type. Dahil parang mas nabobobo ako lalo kapag nasa paligid ko ang mga matatalinong kagaya niya. Wala siyang alam na sport, wala ring talent at talagang sinasalihan niya ay tagisan ng talino chu-chu. Ang tipo ko ay yung mga sporty, talented na mga lalaki like my crush Eron.
Gosh! Automatic talagang gumaganda ang araw ko kapag nasisilayan ko ang gwapo niyang mukha. He's a dancer, singer at varsity ng school namin. All package mima! Kaya lang, sobrang masungit niya sa tuwing nagpapapansin ako. Pero keri lang dahil gwapo naman.
Bumangon ako at naghilamos saka nag toothbrush. Isang linggo ng ganito ang buhay ko. Nagigising sa mga messages ng walanghiyang Lerkin na yun. May wifi kasi kami dito sa bahay ay di ako nag-ooff kaya nare-receive ko agad ang mga messages niya. Hindi kasi ako nagsa-silent ng phone.
Naligo na ako at pagkatapos ay kumain. Ako lang mag-isa sa bahay dahil out of town ang parents naminㅡbusiness matter. Ang Kuya ko naman ay nag overnight sa kabarkada niya kaya ako lang dito ngayon.
YOU ARE READING
SHORT STORIES (COMPILATION)
Non-Fiction[SHORT STORIES] Date Started: March 23, 2024