Coincidence or Not? (SHORT STORY #11)
***
What if may crush ka? Tapos nagtagpo landas ninyo kung kailan ka nagplanong magpapansin sa kanya? Is that a coincidence or not?
Eh yung hindi pa natatapos ang araw ay bigla kayong nagkita ulit. Is it still a coincidence or still not?
Coincidence or not, does it matter? What matter the most is that you're happy na sa palagi mong pagdadasal na masilayan siya ay nagkakatotoo nga.
Coincidence or not, it doesn't matter, right?
Let's just say, siguro ito ang gusto ni fate. Siguro kayo talaga ang para sa isa't isa. Delulu na kung delulu!So if you have feelings for someone, don't pretend like it's nothing or just a simple crush.
Remember, regret always comes at end.
So pursue him/her before it's too late.***
Zehayna's POV
"Itulak mo ako ha pag dumaan na ang crush ko sa classroom natin." I giggled while holding our General Mathematics book.
"Ang landi mo talaga! Saka kana manlandi kung pasado ka na sa exam, please!" Pagsisira ni Pyl sa mood ko. We're best friends since we can remember.
"Duh! Ikaw nga hindi nanlandi pero bakit bagsak din?" Pagbabalik ko sa inis.
"K, fine!" Sinamaan niya ako ng tingin. Paakyat kaming third floor dahil doon ang room naming mga Grade 12. Kakatapos lang ng break time kaya heto kami't pabalik sa room. "Bilisan mo dahil male-late na tayo!" Pyl fastened her pace kaya hiningal ako kakahabol sa kanya.
"Charpyl, hinay-hinay naman!" Sigaw ko sa buong pangalan niya. She hated her full name so much so she stopped and glared at me again!
"Mention my full name again and I'll say 'bye friendship!'" Sabi niya using monotone voice.
I pouted. "Eh kasi namanㅡahhh!" Hindi inaasahang natapilok ako at nawalan ng balanse. Kita ko ang paglaki ng mga mata ni Pyl at sinubukan pa akong habulin at abutin ang kamay ko pero sadyang malayo siya sakin kaya hindi niya ako maabot.
"Zehayna!" Sigaw niya.
"Charpyl!" I closed my eyes as I waited my body to land in the stair. Pero hindi nangyari yun, bagkus naramdaman ko ang tila matitipunong braso na nakayakap sa katawan ko at nasinghot ko ang isang pabangong pamilyar na pamilyar sakin. How can I not familiar this perfume kung ito lagi ang hinahanap-hanap ko?
Nag-iinit ang mukhang napamulat at napaangat ako ng tingin. "A-A-Ah... Eh..."
"...i, o, u. Are you learning the alphabet here?" He whispered. Dahil malapit lang ang tenga ko sa bibig niya, rinig na rinig ko ang boses niyang marahan while chuckling a bit. Napalunok ako.
Hinila ako bigla ni Charpyl kaya natauhan ako at napakurap-kurap. "S-Sorry! Sorry!" Nagpapanic kong saad. Ramdam ang init sa mukha. "And thank you! Bye!" Dahil sa lakas ng tibok ng puso ko, hindi ko na alam ang gagawin kaya tumakbo nalang ako paakyat ng hagdan.
![](https://img.wattpad.com/cover/365534131-288-k603110.jpg)