DARE (SHORT STORY #5)
***
"We were inseparable. But after an accident, I became a stranger to her"
"I was dared to make him smile even just once, but without knowing it, I turned out to be his happiness."
***
Antunina Eloysa' POV
"That's Leo Aarav Cartel." Ani Jerica sabay turo sa lalaking nasa pinakasulok ng library. Oo Jerica nga ang pangalan niya. Kung ang bantot ng pangalan niya, jejemon naman sakin. Hays!
"Aarav? Anong klaseng pangalan yan? Parang Arab lang eh tapos pinalitan lang ang b ng v."
Jerica stared at me flatly. "Oh my dear friend, don't forget your name is the worst, idiot." Napanguso ako. "Anyways, sabi-sabi ng ilan ay suplado yan at hindi namamansin, parang may sariling mundo. Laging nakabusangot na parang pasan ang lahat ng problema sa mundo. Ang dare ko sayo ay patawanin siya, since wala pang nakakita satin dito na ngumiti o tumawa yan kahit isang beses. Ano, kaya mo ba?" Panghahamon sakin ni Jerica.
Taas-noo ko siyang tiningnan. "Minamaliit mo yata ako eh! Yakang-yaka ko yan, ako pa!" Saba flex ng muscle ko. "Pagbanggit palang ng pangalan ko sa lalaking yan, tiyak tatawa na yan!" Pagmamayabang ko.
"E, baka nakakalimutan mong ilang beses na yang nakasaksi ng kahihiyan mo dati, bakit walang ngiti pa rin ang kumurba?" Matigas na sambit ni Jerica, Rica na nga lang.
Since high school, schoolmates na namin yang si Leo pero ngayong college na kami nalaman ko ang pangalan niya. Hindi naman kami close para malaman ang pangalan ng isa't isa. At tama kayo nang mabasa, I've done so many embarrassing things since elementary pa ata. Well, I'm cute yes but still tatanga-tanga ako sa lahat ng bagay. Ewan, bakit ako ganyan, inborn na ata. Minsan nga kahit maingat ang paglalakad ko bigla-bigla akong nadadapa kaya lahat ng nakakilala sakin ay nasanay na sa twing nadadapa ako sa kung saan-saan.
"Anong premyo pag nagawa ko ang dare?" Bagot kong tanong.
"Libre kita ticket ni Taylor Swift." Nakangisi na ngayon so Rica kaya naman tuwang-tuwa akong kumapit sa kanya habang tumalon-talon.
"Wahhhh! Taylor Swift!" Di ko napigilang sigaw.
YOU ARE READING
SHORT STORIES (COMPILATION)
कथेतर साहित्य[SHORT STORIES] Date Started: March 23, 2024