"What are you talking about? Gusto mo talagang mawala ako nang tuluyan?" asik ko at pinilit pang gayahin ang kasungitan ni Queen Luminara.Ang hirap maging kontra-bidang pilit at may puso. Ang hirap-hirap palang maging impostor pero iyong iba ay ginagawa pang profession.
"Ngunit masungit at tuso ka pa rin kaya alam kong ikaw pa rin ang asawa ko. Bakit pa nga ba ako umaasang magbabago ka pa?"
Pagak naman akong natawa. Kung makahusga ito kay Queen Luminara ay para bang hindi niya gustong-gusto na makasama ang reyna sa kama.
Tsk! Mga lalaki nga naman. Kahit saang mundo mo pala ilagay ay akala mo ay hindi sila nagkakamali rin.
Sa halip na patulan ang sinabi niya ay dumulog na lang ako sa hapag-kainan. Wala namang pinagkaiba ang pagkain nila rito. Napansin ko lang na may katabangan lang talaga. Para bang kulang sa seasoning. Kaya siguro mahaba ang life span nila rito. Healthy ang mga pagkain nila. Walang halong preservatives.
At ang toxic rin ng mga nilalang dito. Wala talagang bago. Tsk!
Walang ingay na kumain ako. Nahahalata ko ring panaka-naka niya akong sinisiringan ng tingin. Hindi ko alam kong may gusto ba siyang sabihin o sadyang nagagandahan lang siya sa akin. I mean, kay Queen Luminara pala pero magkamukha naman kami ng kaniyang asawa kaya sa akin na rin siya nagagandahan.
"Anong gagawin mo kay Lady Aeris," bukas ko sa usapan.
Hindi naman tama na paasahin niya iyong isa, 'no? Porke't ba siya ang hari ay ayos lang na marami siyang asawa? Saka nabanggit niya na gusto ng ayusin ng reyna ang relasyon nila kaya marapat lang na maging malinaw ang lahat sa pagitan nila. Ako na ang magsasalita para sa reyna dahil magaling ding magtago ng nararamdaman ang babaita.
Ay, sorry ho, Queen Luminara. Babaita ka naman talaga. Itanong mo pa sa readers ng Shadows of Lumina. You're one of the most hated characters in the novel.
"Anong inaasahan mong gagawin ko sa kaniya? Wala naman siyang kasalanan sa akin."
Napatigil naman ako sa panguya at pinakatitigan siya. Bigla na lang din pumasok sa aking isipan kung paano hatawin ni Aeris si Luminara ng baston.
Bakit ba kasi nakatulog ako nang naganap ang away nila kagabi? Pero kung sabagay, mas mabuting nakatulog ako dahil kung hindi ay nakita ko kung paano sila mag-sex.
Eww! Virgin pa ako sa totoong buhay, 'no?! I'm the kind of lady who's never been kissed or touched.
"Whatever. Aurelia Vespertine, Sinclair Emberwood at Liora Celestia... kilala mo ba sila?" kaswal kong usisa sa kaniya.
"Sa tingin mo ba ay hindi?" paasik niya namang tanong.
Hindi naman ako nakasagot. "Kung sakaling namatay ako nang tuluyan, gagawin mo bang reyna ng Nocturna si Lady Aeris?"
Halatang natigilan naman siya sa aking katanungan. Ilang minuto pa siguro ang lumipas bago siya nakapagsalita.
"Maaring oo, maaring hindi."
Nanliit naman ang aking mga mata dahil sa kaniyang naging sagot. Hindi pa rin mababago ang katotohanang malaki talaga ang posibilidad na maging reyna si Aeris kapag nawala si Luminara.
Hang in there, Queen Luminara. Maisasauli ko rin nang lubusan itong katawan mo at makakabalik din ako sa mundong pinanggalingan ko.
"Traydor," pabulong ko pang komento. "Hindi mo ba talaga ako mahal?" direktang tanong ko pa.
Nabulunan pa siya kaya kaagad kong inabutan ng tubig. Nang kumalma na siya ay nagtanong ulit ako.
BINABASA MO ANG
The Villainous Queen (Resurrection Series #2)
FantasyLavender Grazei, a top student at Edenbrook University majoring in Literature, faces an unexpected twist when she wakes up in the body of Queen Luminara after encountering death on a Lumina Cruise. Lost and confused, she must find a way to return t...