"Queen Luminara!" malakas kong sigaw.
Malinaw kong nakitang nakabulagta sa lupa ang reyna at siguradong wala ng buhay pa habang nagtatawanan sina Cassandra at Aeris. Silang dalawa talaga ang unang magbubunyi kapag namatay ang reyna.
Nakapa ko pa ang aking dibdib dahil sa sobrang bilis at lakas ng tibok ng aking puso. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang din ako natakot nang ganito dahil lang sa isang panaginip.
"C'mon, Lavender. Panaginip lang iyon, okay? Hinding-hindi nila kakayanin ang kapangyarihan ni Queen Luminara. Relax. Breathe in, breathe out."
Naramdaman ko ang pananakit ng aking buong katawan habang wala ako masyadong maaninag. Marahan akong bumangon mula sa malamig na sahig kong kinasasadlakan. Akmang tatayo na ako nang bigla ko na lang maramdaman ang paghigpit ng kung anong nakatali sa aking magkabilaang kamay at paa.
"W-What the h-hell?!" asik na sa pinaghalong nalilito at kinakabahang tono. "Oh, shit! Aray, ha!" reklamo ko nang pahigpit na pahigpit ang kadena sa aking mga kamay at paa. Para ding kinukuryente ako.
Ano ba ang nangyari? Bakit nakakulong ako rito?!
Kinalma ko muna ang nagde-derilyo kong sistema. Wala akong maintindihan sa nangyayari ngunit pakiramdam ko rin ay may hindi magandang nangyari kagabi habang si Queen Luminara ang nasa kaniyang katawan.
"May nalabag na batas na naman ba ang reyna para magising ako sa lugar na ito?"
Hindi lang naman pala ako ang habulin ng panganib, eh. Kaya siguro sa katawan na ito ako napunta dahil pareho kami ng may-ari na kaaway ni Kamatayan.
"Nasa Narroc ba ako?"
Napailing ako dahil hindi rin ako siguro sa aking hula. Marahan lang akong bumangon at iniwasang masyadong igalaw nang husto ang aking mga kamay at paa.
"Hello? May nilalang pa bang nakaririnig sa akin, ha?!" sigaw ko pa. Tanging katahimikan lang ang sumagot sa aking tanong. "Nice talking to yourself, Lavender. Hanggang dito ba naman ay loner ka pa rin."
Napabuntonghininga ako at nanahimik na lang muna habang nag-iisip ng paraan kung paano makatakas rito. Hangga't nasa katawan ako ni Queen Luminara ay may pag-asa pang makabalik ako sa mundong pinanggalingan ko.
That's the spirit, Lavender! As long as we're breathing, there's hope. So, let's keep taking those deep breaths until we wake up from this nightmare.
Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan ng seldang pinagkukulungan sa akin. Mabuti na lang at kahit paano ay may liwanag mula sa maliit na bintana pa naman akong nasisilayan.
"Ouch!" hiyaw ko pa nang mapaso ako nang hawakan ko ang bakal na siyang nagsisilbing lock ng pinto. Hindi ko napigilang mapaiyak dahil sa hapdi ng aking palad.
Nakaramdam ako ng hilo at sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay biglang pumaimbabaw ang tinig at mukha ni Mommy Britney sa aking isipan. Umiiyak ito habang nakamasid sa katawan kong nakahiga sa hospital bed. Pakiramdam ko ay may kung anong pumipiga ng aking puso habang naririnig ko ang hikbi ng babaeng siyang kumupkop sa akin bilang isang tunay niyang anak.
"Mommy," tangi kong nasambit at marahang napaupo.
Tuloy-tuloy na rin ang paglandas ng aking mga luha. Hindi ko na ito napigilan pa. Ngayon ko lang napagtantong ni isang beses ay hindi ko hinayaan ang aking sariling mas mapalapit kay Mommy nang husto. Mas kinakausap ko pa si Ate Peach kaysa sa kaniya.
Baka kaparusahan ko na rin ito. Pinili kong sumuko at huwag ng iligtas ang aking sarili dahil sa galit ko sa aking tunay na ina. Hindi ko man lang inisip na may masasaktan akong pamilya kapag nawala ako. I was selfish and brat.
BINABASA MO ANG
The Villainous Queen (Resurrection Series #2)
FantasyLavender Grazei, a top student at Edenbrook University majoring in Literature, faces an unexpected twist when she wakes up in the body of Queen Luminara after encountering death on a Lumina Cruise. Lost and confused, she must find a way to return t...