CHAPTER 4- VILLAINOUS QUEEN

657 156 2
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





I was just staring at my own reflection in the water, still pondering why I found myself in a world confined to the pages of a book.

If that's indeed the scenario, then I must have come across a book before losing consciousness in the depths of the sea. And I didn't hallucinate when I saw Queen Luminara's face in the book "Shadows of Lumina."

Nakakabagot naman pala sa mundong ito.

Wait... Does this imply that all the characters in the book are potentially accessible for me to interact with here? Is there a possibility of meeting Aurelia Vespertine, Liora Celestia, and Sinclair Emberwood in person?

If I'm currently in Nocturna, does that mean Pyropolis, Aurorium, and Glacialis also exist?

"Hindi ba at mahigpit na ipinag-uutos ng punong hukom na huwag kang aalis sa iyong Nocta, Queen Luminara?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kaagad na bumungad sa aking paningin ang napakagandang mukha ni Lady Aeris.

Hindi na ako nagtataka pa kung bakit mas mahal siya ni King Thorns kaysa kay Luminara. Galing siya sa isang noble family at itinuturing na siyang pinakamatalino sa kanilang pamilya. Magaling din siyang gumamit ng mahika.

"Hindi mo ba ako naririnig?" ulit na tanong nito.

Bakit ba ang bossy ng mga tao rito sa kay Queen Luminara?

Kahit sa libro ay pilit nilang pinapasama ang imahe ng reyna kahit na may mga magandang rason naman siya para pahirapan ang mga itinuturing na bida sa kwentong ito. 

Hindi ko rin nabasa na ang bahaging ito ng libro. Tumigil ako sa parte kung saan sunod-sunod ang weirdong panaginip ni Queen Luminara. Iyon din ang dahilan kung bakit nakakagawa siya ng mga bagay na nakakasakit na. Pisikal man o emosyonal.

"Ang bahaging ito ng palasyo ay napapabilang pa rin sa aking Nocta, Lady Aeris," mahinahon kong sabi at sinalubong ang tingin nito.

Mukha nagulat pa ito sa naging tono ng pananalita ko. Madalas kasing cold o kaya ay sarcastic ang pananalita ni Queen Luminara sa kanila. Lalong-lalo na sa babaeng ito.

"Paano mo nagawang iligtas ang iyong sarili?" usisa naman nito.

Pinakatitigan pa ako nito sa paraang pinag-aaralan ang aking reaksyon. Halata ring interesado ito sa aking magiging sagot. Naglakad pa ito papalapit sa akin at tumayo sa mismong tabi ko.

Pareho na kaming nakatitig sa artificial lake na nasa harapan namin ngayon. Kung gaano katagal na ang Nocturna Kingdom ay gano'n na rin katanda ang lawang ito.

Pumihit ako papaharap sa kaniya at gano'n din naman siya. Pinigilan kong mapasinghap bago nagsalita.

"I don't know either," sabi ko pa.

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon