Narcs. Iyon ang tawag sa mga buhay na kaluluwa na pagala-gala rito sa Nocturna. Sila iyong mga ninuno ni Queen Luminara na siyang nagsisilbing guardian angels niya kumbaga. Dahil nga patay na ang kanilang katawang lupa ay nagsisilbi na lamang silang salamin ng totoo nilang pagkatao. Ibig sabihin ay lahat ng galaw at pananalita nila ay kabaliktaran iyon ng kanilang nais ipahiwatig.
Wala silang kapangyarihan at hindi sila mapanganib ngunit kaya nilang magkapit-bisig para iligtas ang reyna tuwing nalalagay ito sa panganib. Nababalaan din nila ito sa tuwing may kapahamakang papalapit.
Ang reyna lang din ang kanilang sinunod. Hangga't ayaw ni Luminara na umalis sila sa Nocturna ay hindi iyon mangyayari. Ngunit dahil sa ginawa ko ay tuluyan silang naglaho.
Damn it, Lavender! Anong ginawa mo?!
Mahirap talaga manirahan sa mundong hindi mo kabisado ang pasikot-sikot at mas lalong mahirap manirahan sa katawan na hindi naman sa 'yo at pasukin ang buhay nito ng wala kang kaalaman.
I'm sorry, Luminara.
"Dito ka ba matutulog?" usisa naman ni King Thorns.
Hindi naman ako sumagot. Ang totoo ay kanina pa ako nagsimulang makaramdam ng takot sa mundong ito. Kanina habang nasa pagsasanay kami ay hindi ko mapigilang manginig kahit na nakaupo lang naman ako at nakikinuod lang. Nagdahilan lang ako na masama ang aking pakiramdam. Mabuti na lang din at hindi ako pinilit ng haring pangunahan ang pagsasanay kagaya ng nakasanayan nila.
"Masama pa rin ba ang iyong pakiramdam, Lu?" tanong na naman ng lalaki habang direktang nakatingin sa akin. Halatang pinapakiramdaman nito ang aking kilos.
"Oo," sagot ko naman.
Kahit gustuhin ko mang bumalik sa Nocta ng reyna ay hindi ko magawa dahil sa nakakainis na pananggalang. Sana lang ay huwag siyang buwisitin ni Aeris para maisipan niyang tanggalin iyon.
"Halika't maghapunan na tayo nang sa gano'n ay magamot kita."
Kaagad akong tumayo nang maramdam ko na naman ang antok, senyales na paparating na si Queen Luminara. Siya naman ang siyang may kontrol sa kaniyang katawan.
Mabilis kong niyakap ang hari. Halatang nagulat pa ito sa ginawa ko pero nakabawi rin naman kaagad.
I'm sorry, Luminara. Sana ay matulungan mo akong makabalik sa mundong pinanggalingan ko.
"Pasensiya ka na kung nasigawan kita kanina," sabi ng asawa ko sa mahinahong boses. Bahagya ko siyang itinulak at tinitigan nang masama.
"Ako ay iyong sinigawan? Sa anong kadahilanan?" usisa ko pa. Pagkalito naman ang aking nababasa sa kaniyang mukha.
Teka... may ginawa na naman ba akong hindi maganda? Bakit wala na naman akong maalala? Saka bakit wala ako sa aking Nocta? Anong ginagawa ko rito sa kaniyang silid?!
Bago pa siya makatugon sa aking katanungan ay nagmamadali akong lumabas ng kaniyang Nocta. Narinig ko pang tinatawag niya ako at sinubukang habulin ngunit ginamit ko ang aking kapangyarihang maglaho at dumiretso sa lihim na yungib ng Nocturna na ako lamang ang nakakaalam.
Para makapasok sa lugar na ito ay kailangan ng isang malakas na kapangyarihan para labanan ang mahika ng tagapangalaga ng ikatlong buwan na si Goddess Nocturna. Sa madaling salita ay ako lamang ang makagagawa niyon kaya ligtas ang lugar na ito sa kahit na anong panganib.
Hindi totoong pinaslang ko si Goddess Nocturna kagaya ng inaakala ng lahat. Nagkaroon lamang kami ng kasunduang hayaan ko siyang bumaba mula sa buwan at mamuhay nang malaya at payapa sa yungib na ito.
BINABASA MO ANG
The Villainous Queen (Resurrection Series #2)
FantasiaLavender Grazei, a top student at Edenbrook University majoring in Literature, faces an unexpected twist when she wakes up in the body of Queen Luminara after encountering death on a Lumina Cruise. Lost and confused, she must find a way to return t...