CHAPTER 12- BACKSTORY

411 121 3
                                    

Nailibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng Nocta ni King Thorns. Wala man lang akong makita na kahit na anong bakas ni Queen Luminara dito.

Napahalukipkip ako at nag-isip ng puwedeng gawin. Malamang sa malamang ay dito naman magigising ang reyna sa lugar na ito dahil nandito ako. Kasalanan niya rin naman kung bakit hindi ako makapasok sa kaniyang Nocta.

"Lu," tawag sa akin ng hari. "Halina't kumain bago tayo pumunta sa kapatagan."

"Kapatagan? Pupunta tayo roon?" Hindi ko mapigilang ma-excite. Sa wakas ay makakalabas din ako ng Nocturna.

"Oo. Pinayagan ka ng Punong Hukom na pumunta roon para sa pagsasanay ng mga bagong mandirigma. Iyon nga lang ay hanggang kapatagan ka lamang."

Wait, what?! Pagsasanay? OMG! Bakit parang hindi magandang pangitain ito? Baka ako pa ang unang tumumba kaysa sa mga baguhang mandirigma.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay. Hindi ito kasinglambot ng aking inaasahan at hindi rin naman masagwa. Patunay lang na sanay siyang humawak ng kahit na anong sandata simula bata pa lang. Kahit ang kamay ni Luminara ay hindi rin naman perpekto. May mga peklat pa, isang palatandaan na isa ring siyang mandirigma bago naging reyna.

"You know how to paint with your hands, right? I mean, real painting, not some magic trick or whatever," tanong ko pa habang hinimas-himas ang kaniyang kamay.

Napasiring naman siya sa akin at halatang hinuhusgahan ako. Marahil ay nalilito na naman siya sa mga sinasabi at kilos ko. Malinaw pa sa tubig ang kaibahan namin ni Luminara kaya hindi na ako magtataka pa kapag nagdududa siya sa akin ngayon.

Wala akong magagawa dahil ganito ako—mabait na OA. Hindi tulad ng kaniyang asawa na nonchalant kaya inaakala ng lahat na bato ang kaniyang puso.

"Yeah, I guess? Why do you ask?"

"Do you think you could paint me and hang it on your wall?"

"Sure, if you really want me to... But don't you remember? I did it once before, and you cursed me out and even burned the painting."

"Seriously? I’m sorry—"

"Yeah, you should be."

Man, that was harsh. Is there like a whole backstory to Queen Luminara and King Thorns? Aish! Damn it! I really should've finished reading Shadows of Lumina!

"Alright. My bad, and hey, can I let you in on a little secret?" pabulong kong sabi.

Baka mamaya ay may makarinig sa amin at maintindihan ang usapan namin. Mahirap na at baka may nagpapanggap lang dito na hindi multilingual.

"What's the secret?"

Napasinghap muna ako. Kailangan kong magtiwala sa lalaking ito. Kailangan ko ng kakampi sakaling magkabunyagan na.

"Well, my personality is kinda different in the evening and morning, you know? I don't know how it happened, but I realized it after they nearly offed me. Like, this Luminara you're talking to right now, well, me actually, won't know what's happening in the evening, and the Luminara you're hanging out with in the evening won't have a clue about me. Makes sense?"

"It doesn't make sense."

Napairap naman ako. "Wala ka ba talagang napapansin o nararamdamang kakaiba sa akin, Thorns?" malumanay kong sabi.

Napatulala naman siya sa akin. Hindi kasi nagsasalita nang gano'ng tono ang reyna. Baka nga ay may napapansin talaga siya. Ayaw niya lang bigyan ng pansin o kaya ay nakikiramdam lamang siya.

"Fine. It does make sense. Sino ang totong Luminara sa inyo kung gano'n?"

Hindi ako kaagad nakasagot. Kinabahan din ako at baka mali ang aking naging desisyon na sabihin dito ang tungkol sa soul switching namin ng reyna.

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon