CHAPTER 15- SUPERPOWER

335 109 1
                                    

Napabalikwas ako ng bangon nang aking maramdaman ang marahang haplos sa aking pisngi. Pag-angat ko ng tingin ay kaagad kong nakita ang maamong mukha ni King Thorns. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa klase ng kaniyang tingin.

Paniguradong may kababalaghan na naman silang ginawa ni Luminara sa kamang ito kagabi. Tsk! Nayurakan na talaga nila ang pagiging virgin na introvert ko.

Paano ko ba sasabihin sa kaniya na sa tuwing umaga ay ako ang nasa katawan ng kaniyang asawa, ha?

"Huwag kang gagawa ng kalokohan sa tuwing wala ako at hintayin mo akong mailabas ka sa mundong ito. Huwag mo ring aakitin ang aking asawa!" sigaw niya pa sa akin.

Napatulala lang ako sa kaniya habang pilit na iniintindi ang kaniyang sinabi.

"What?" tangi kong nasabi. "I mean, what did you say? Mailabas sa mundong ito?! Akitin?! What do you mean?!" sunod-sunod ko pang tanong.

Siya naman itong napakurap-kurap. Paniguradong nagulat din siya sa pagpa-panic ko.

"Ikaw ang may sabi niyon. Ako'y iyong inutusan na isigaw ko sa iyo ang mga katagang iyon pagkamulat na pagkamulat mo pa lamang-"

"Eh?!" react ko na naman. "Are you serious? Ako ang may sabi..."

Hindi ko na naituloy pa ang aking sasabihin nang lubusang maintindihan ko ang kaniyang sinabi.
Dahan-dahang namilog ang aking mga mata at bumaba ng higaan sabay talon-talon.

"Yey! Tutulungan niya ako, tutulungan niya ako! Yes!" malakas kong sabi at hindi napigilan ang sariling sumayaw-sayaw pa. "The best ka talaga, Queen Luminara! I'm your number one fan! Number one fan, fan, fan!" pakanta ko pang sabi.

Nilingon ko si King Thorns na nananatiling nakaupo sa kama ng asawa niya habang matamang nakatitig sa akin. Halatang na traumatize dahil sa celebratory ceremony ko sa ganito kaagad.

Lumapit ako sa kaniya at dinutdot ang kaniyang braso gamit ang aking kalingkingan.

"Huwag kamo siyang mag-alala. Hindi kita aakitin. Kamukha mo si Thorne Flamest but mas trip ko siya kaysa sa 'yo dahil pareho kaming tao, 'no? Magkasing-edad din kami. Parang lolo at lola ko na kaya kayo rito. Sa hula ko ay mga nasa 250 years old na kayo ng asawa mo. Of course, hindi nga lang halata dahil magical creatures kayo at fictional characters din. Kapag nakalabas ako rito ay hinding-hindi na ako mahihiya sa kay Thorne-"

"Luminara!" sigaw niya sa akin dahilan para mapatalon ako sa gulat.

"Diyos ko naman, King Thorns. Bakit ba?" himutok ko habang sapo ang aking dibdid. Mabuti na lang talaga at pareho kaming hindi flat chested ng reyna.

"Wala akong maintindihan sa iyong mga ikinikilos at tinuran. Sa tuwing sasapit ang araw ay umaakto kang tila wala sa sarili at nahihibang."

Grabi naman manlait ang isang ito. Nahihibang talaga? Well, parang gano'n na nga. Sino bang hindi masisiraan ng bait kung napunta ka na lang sa mundong hindi naman talaga totoong nag-e-exist?

Wait... Hindi ba sinabi sa kaniya ni Queen Luminara ang totoo?! So, hindi niya pa rin alam na ako si Lavender at ako ang nagmamay-ari ng katawan ng reyna sa umaga?! Why naman, bakit?!

Napalunok ako at sinamsam ang aking katinuan. Tiyak ding may rason si Queen Lu kung bakit itinago niya sa kaniyang asawa ang katotohanan.

Baka kaya dahil ay malaki pa rin ang trust issues niya sa hari? Tsk! Kailangan ba sila magkakaroon ng happy married life, ha?!

"Ay, whatever," sabi ko na lang at walang salitang lumabas ng kuwarto ng reyna. Naabutan ko si Meredith na naglalatag ng pagkain sa mesa.

"Sa tingin mo ba ay magiging maganda o makisig ang magiging anak namin ng hari?" pabiro ko pang sabi.

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon