"Sigurado ka bang kaya mo na?" pangugumpirma pa ni Ate Peach sa akin.
Kararating lang namin sa bahay galing hospital. Isang linggo na rin ang nakararaan simula nang magising ako. Bago ako lumabas ng hospital kanina at dinalaw ko muna sina Elvira, Gab at Cleo na wala pa ring malay hanggang ngayon. Hindi ko alam kung totoong konektado ba ang nangyari sa amin sa Lumina Cruise o nagkataon lang talaga ang lahat.
"Opo, Ate. Huwag kang mag-alala dahil ayos na ayos na ang pakiramdam ko," sagot ko naman para huwag na itong mabahala pa.
"Okay. I trust you, Lavender. Alalahanin mo palagi ang habilin ko, ha? Don't go around doing stupid things that will put your life in danger. Also, you must double your defense from now on. Hindi pa nahuhuli ang nagtangka sa buhay mo. Alam kong mabait ka kung kabaitan ang pag-uusapan pero kung minsan ay may katigasan din 'yang kukuti mo."
"Opo," tipid kong sagot.
Sumenyas na lang din ako na gusto ko ng pumasok ng aking kuwarto bago pa ako mabingi sa habilin na may halong panenermon nito. Tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
Kalmado lang akong pumasok ng kuwarto. Kahit isang buwan na akong wala rito ay wala pa rin namang pinagbago rito. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuan ng aking silid. Nang dumapo ang aking paningin sa study table ay kaagad ko itong nilapitan at hinanap ang Shadows of Lumina na libro ngunit wala naman dito.
Tinapon kaya ni Ate Peach?
Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. Mabuti na lang at nasa sala pa si Ate. Mukhang nagulat pa ito sa biglaang pagsulpot ko.
"Why?" tanong pa nito. "You need something?"
"Uhm, may pumasok ba sa kuwarto ko? I mean, naglinis?"
"Wala, bakit? Kung kailangan mo ng cleaning assistance ay tawagan mo ang number na ipapasa ko sa 'yo. Huwag mo munang pagurin ang sarili mo at huwag kang makulit, hmm?"
Kung gano'n ay nasaan ang Shadows of Lumina?
"Ate, may Shadows of Lumina book ka ba?"
"Ha?" nalilito naman nitong sabi.
"Shadows of Lumina book, may copy ka ba?"
"Ano? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, Lavender."
"Wala," sukong sabi ko na lang. Ang linaw at lakas naman ng pagkakasabi ko pero mukha ngang totoong hindi nito naiintindihan ang sinasabi ko.
Something's going on, huh?
Bumalik na ako sa kuwarto at hinanap na lang ulit ang libro. Hinalughog ko na ang kabuuan ng aking silid pero hindi ko talaga makita. Sigurado naman akong ipinatong ko lang ang libro dito sa study table ko.
O baka nasa locker room ko? Saan ko ba talaga inilagay iyon?
Napailing na lang ako at napagdesisyonang bumili na lang sa online book store. Nakahinga ako nang maluwag nang makitang marami namang nagbebenta ngunit nadismaya rin nang bigla na lang mag-off ang cellphone ko. Nakalimutan ko palang i-charge. Binuksan ko ang aking laptop pero lowbat din yata.
Mabigat ang buntonghiningang aking pinakawalan at nagpalit ng damit. Pupunta na lang ako ng mall para doon na lang mismo bumili ng libro. Best-selling book naman ang librong kailangan ko kaya paniguradong hindi ako mahihirapang maghanap.
Gusto kong tawagan si Meredith para magpasama pero wala rin akong lakas ng loob na gawin iyon. Nagpakawala lang ulit ako ng malalim na hininga.
Mabilis kong isinukbit sa aking balikat ang shoulder bag ko at walang ingay na lumabas. Sa tingin ko ay nakabalik na rin si Ate Peach sa hospital. Sila Mom at Dad naman ay nasa kaniya-kaniyang opisina nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/363588479-288-k189049.jpg)
BINABASA MO ANG
The Villainous Queen (Resurrection Series #2)
FantasyLavender Grazei, a top student at Edenbrook University majoring in Literature, faces an unexpected twist when she wakes up in the body of Queen Luminara after encountering death on a Lumina Cruise. Lost and confused, she must find a way to return t...