Kanina pa ako nakabalik sa aking katawan ngunit ko pa magawang bumangon. Pagod na pagod ako na tila ba'y nakipagtagisan ako ng lakas o kaya naman ay galing sa isang mahabang digmaan.
Ano na naman kaya ang ginawa ng mortal na dalaga kanina? Sana naman ay wala siyang ginawang kalokohan.
Hindi ko nararamdaman ang presensiya ng kahit na sino sa aking Nocta. Mag-isa na naman lamang ako rito.
Napapikit ako at hinahanap ang kinaroroonan ng aking asawa ngayon. Nakaupo siya sa isang mahabang lamesa na puno ng pagkain. Nasa iisang hapag-kainan lamang sila ng pamilya ni Lady Aeris. Nagkakaroon na naman sila ng pagpupulong habang wala ako.
Idinilat ko ang aking mga mata at humigit ng isang malalim na hininga. Hindi ko na ramdam pa na isa akong reyna ng palasyong kinaroroonan ko. Kung noon ay ramdam ko pa ang galang ng mangilan-ngilan sa pangkat ng hukuman, ngayon ay hindi ko na alam pa kung may naniniwala pa ba sa aking kakayahan.
Marahan na akong bumangon at bumaba ng higaan. Naupo ako sa tapat ng aking salamin. Nakita ko ang aking sarili na tila ba balisa sa kung anong bagay. Palakad-lakad ako habang kagat-kagat pa ang aking labi. Bigla ko na lang naalala ang mortal na dalaga. Siya ito at hindi ako.
Lavender Grazei ang kaniyang pangalan. Ano na naman kaya ang suliranin ng isang ito at napakalalim ng kaniyang iniisip?
Batid kong gusto niya na ring makauwi sa mundong kaniyang pinanggalingan ngunit hindi magiging madali ang lahat lalo pa at isa siyang sakripisyo ng alagad ng kadiliman. Kailangan niyang manatiling matatag habang siya ang may kontrol sa aking katawan.
"Lu."
Kaagad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Kaswal na tingin lamang ang ibinigay ko sa aking asawa. Naglakad siya papalapit sa akin at niyakap ako mula sa aking likuran.
Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko kayang tanggalin ang kaniyang mga kamay sa aking baywang kahit na pakiramdam ko ay kumikilos na rin siya para mapagbagsak ako. Hinding-hindi ko matatanggap kung magkataong si Lady Aeris ang hahalili sa akin bilang kaniyang reyna.
"Nangangalap ng mga matitibay na patunay ang pamilya nina Lady Aeris upang mapatalsik ka sa iyong puwesto," wika niya at ipinatong ang kaniyang panga sa aking balikat. Nagtama rin ang aming mga mata sa salaming nasa harapan namin.
"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" malamig kong tanong. Mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.
"Dahil ikaw ang aking reyna at ako ang iyong hari. Hindi ba at nangako tayong magsasama sa tagumpay man o kabiguan?"
Hindi naman ako nakaimik. Pumihit ako paharap sa kaniya at ipinatong ang aking mga kamay sa kaniyang magkabilaang balikat.
"Hindi mo ako kailangang panigan dahil lang ako ang iyong asawa-"
"Hindi lang kita asawa kundi ako ay lubos na umiibig sa iyo, Luminara," tuwid niyang sabi na siyang nagpagimbal sa puso kong matagal nang hindi tumitibok nang mabilis at malakas kagaya ng sa ngayon.
Napalunok na lamang ako at pilit na sinasalubong ang kaniyang tingin. "Ngunit hindi ba at si Lady Aeris ang iyong iniibig-"
Ipinatong niya sa aking bibig ang kaniyang daliri upang hindi na ako makapagsalita pa. Mas naging tuwid pa ang titig niya sa akin.
"Alam mong ginamitan ako ng mahika ng aking ina upang kalabanin ka, hindi ba? Alam mong pinapaikot lamang nila ako upang huwag pumanig sa iyo. Bakit mo hinayaang gamitin nila ako? Tunay nga bang si Pinunong Thunder na ang iyong napupusuan o iniibig mo pa rin ang Prinsipe ng Lumina?"
Saglit kaming nagkatuosan ng tingin at bandang huli ay niyakap ko na lamang siya. Ayaw kong mag-aksaya ng panahon para magpaliwanag pa. Anuman ang aking rason ay walang makaiintindi niyon. May mga bagay lang na kailangan mangyari upang mananatili ako sa aking puwesto.
![](https://img.wattpad.com/cover/363588479-288-k189049.jpg)
BINABASA MO ANG
The Villainous Queen (Resurrection Series #2)
FantasyLavender Grazei, a top student at Edenbrook University majoring in Literature, faces an unexpected twist when she wakes up in the body of Queen Luminara after encountering death on a Lumina Cruise. Lost and confused, she must find a way to return t...