"Gagana naman kaya ito?" mahinang tanong ko pa. Hindi ako duda sa spell kundi sa aking kakayahang paganahin ito. Iba pa rin kapag si Luminara ang talagang siyang mag-cast nito. Tumikhim ako at marahang tumayo.
Pumikit ako at inihanda ang aking sarili. Kanina ko pa kinakabisa sa aking isipan ang spell na nakasulat. Sadyang mautak talaga si Luminara. Alam niyang hindi niya na magagawang iligtas pa ang kaniyang sarili rito dahil wala na siyang oras pa kaya sa akin niya binigay ang assignment na tumakas dito.
Mabuti na rin naman at naisipan niyang mag-iwan ng sulat dahil kung hindi ay magigising siyang nandidito pa rin. Buong araw lang akong magmumukmok dito dahil hindi ko naman kayang labanan ang mga mahikang pumabalibot sa akin. Feeling ko ay palalayasin niya na talaga ako sa katawan niyang ito kapag tumunganga lang ako maghapon sa kulungan na ito.
"Sizadatro Cazanglaradha!" sigaw ko pa.
Nagulat pa ako nang bigla na lang natanggal ang kadena sa aking mga paa at kamay. Maging ang ilaw ng bola ay nawala rin. Ibig sabihin ay puwede ko na ring gamitin ang kapangyarihang maglaho. Maging ang tila visible na hangin na nakapaligid sa selda ay nawala rin.
Wow! Awesome! Ang powerful pala ng mahika ni Luminara.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Kaagad kung ginamit ang kapangyarihan ni Luminara para makapunta ng Noktarya. Kailangan kong mahanap ang libro na siyang sasagot sa aking katanungan.
Sa isang iglap lang ay nasa loob na nga ako ng library. Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Ang aking naririnig lang ay ang malakas na tibok ng aking puso.
Walang ingay na sinuyod ko ang kabuuan ng silid. Iniisa-isa kong tingnan ang mga pabalat ng libro na aking nadadaanan. Sana nga ay nandito ang Ginintuang libro na aking hinahanap.
"Hey!"
"Ay, kalabaw!" hiyaw ko pa dahil gulat. "Oh? Hi, Bookie! Nandito ka pa rin pala," bati ko pa sa berdeng libro.
"Yeah. I can't go out from this place anymore."
"Ayaw mo pa? Dito ka naman talaga nararapat dahil libro ka at library ang lugar na ito. Pasalamat ka at hindi ka pa nga na-e-evict sa bahay ni Kuya, eh. Aray!" hiyaw ko na lang ulit nang tumalon ito papunta sa aking balikat.
"Your name's Lavender, right?"
"Yep."
"What are you searching for?"
"A book?"
"What kind? I can help."
I paused my steps. "Honestly, it didn't occur to me to ask for your help. Have you seen a golden book?"
"All books are golden."
I scratched my head. "Yeah, but the special one. The one Queen Luminara owns."
There was a thoughtful pause before a response. I decided to keep searching. The book I needed seemed elusive.
Could it be elsewhere, maybe hidden away? If so, where?
"Hey, Bookie-"
"Why do you need the golden book?" tanong na naman nito.
Pinigilan ko ang aking sariling kunin ito mula sa aking balikat at itapon na lang. Nawawalan ako ng pokus sa aking ginagawa.
"To find a way back to Planet Earth, Bookie. I can't stay in Lumina World too long. It's risking Queen Luminara's life more. I have to end this illusion, whatever it is. So, if you know where it is, just tell me, okay? Time's running out."
BINABASA MO ANG
The Villainous Queen (Resurrection Series #2)
FantasyLavender Grazei, a top student at Edenbrook University majoring in Literature, faces an unexpected twist when she wakes up in the body of Queen Luminara after encountering death on a Lumina Cruise. Lost and confused, she must find a way to return t...