PROLOGUE

2.1K 277 7
                                    

Shadows of LuminaKABANATA XXVPahina 200

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Shadows of Lumina
KABANATA XXV
Pahina 200

Walang mababakas na kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha habang nakatayo sa harapan ng kanilang nasasakupan. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang galit at pagkadismaya na nararamdaman habang matalim ang mga titig na ibinibigay sa kaniya.

"Ikaw lamang ang may kulay berdeng dugo sa buong Imperyo ng Lumina, mahal na reyna," mahinahong sabi ng Punong Hukom na si Lady Seraphina. "Iyon ang nagbigay daan para italaga ka bilang reyna ng Nocturna."

"Ikaw lang din ang may kapangyarihang tanggalin ang pinakamalakas na mahika na siyang nagsisilbing pananggalang ng Narroc," dagdag ng isa pang kasapi ng hukuman.

Ang tinukoy nito ay ang bilangguan kung saan nakakulong ang nilalang na minsang sumira sa buong kaharian ng Nocturna at halos pumatay sa dating emperador ng Lumina Empire.

Ang Nocturna Kingdom ay kilala bilang bihasa sa paggamit ng iba't-ibang sandata at kinikilalang may pinakamatapang at mahuhusay na mga mandirigma. Iyon ang dahilan kung bakit sa bahaging ito ng Lumina ipinagkatiwala ang lahat ng nilalang na itinuturing na malaking balakid para sa kapayapaan ng buong imperyo.

Alam na alam niya kung saan patutungo ang usapang ito. Nanatili siyang nakataas-noo. Pinigilan niyang mapalingon sa gawi ng isang mandirigma na nakapuwesto sa mataas na lugar, limampung metro ang layo nito mula sa kaniyang kinatatayuan, at malinaw niyang nakikita ang sibat ng pana nitong nakatutok sa kaniya.

Lingid sa kaalaman ng lahat, mayroon siyang natatanging kapangyarihan kung saan nakikita niya ang lahat ng nangyayari sa paligid. Para bagang mayroon siyang mga hindi nakikitang mga mata sa lahat ng bahagi ng kaniyang katawan, kaya kahit hindi siya literal na nakatitig sa lahat ng naririto ngayon, alam niya ang bawat kilos ng mga ito. Iyon nga lang ay may limitasyon din ang paggamit niya ng kapangyarihan niyang ito dahil mabilis lamang na manghina ang kaniyang katawan.

"Tapusin na natin ang paglilitis na ito!" biglang sigaw ng Kapantay na Hukom na si Lord Valarian. "Isang tanong, isang sagot, Queen Luminara... ikaw ba ang nagpalaya sa sa dating hari ng Nocturna?"

"Magsalita ka, Queen Luminara," pautwas at may diin sabi ni King Thorns. Kaswal lang din ang ibinigay niyang tingin sa asawang hari. Kaya lang naman siya pumayag na makipag-isang dibdib dito dahil iyon ang mas nakabubuti para sa Nocturna.

"Kapag sinabi ko bang hindi ako ang nagpalaya kay Lancelot ay maniniwala kayo?" mahinahon niyang tanong.

"Sa tingin mo ba ay matatakasan mo pa ang kataksilang ginawa mo, Queen Luminara?" sarkastikong tanong ng babaeng katabi ng hari ngayon.

"Royal Noble Consort, Aeris, hinihingi ko ba ang iyong saloobin?" may diin niyang tanong sa babae. Sa halip na masindak ito sa kaniya, nagpakawala pa ito ng nangungutyang tawa.

Isang kasapi ng hukuman pa ang nagmamadaling pumanhik sa kinaroroonan ng puno at ikalawang hukom. Pumaimbabaw ang katahimikan sa palagid habang masinsinang nagdidiskusyon ang lahat ng kasapi ng hukuman. Mukhang nagtatalo pa ang mga ito.

Galit na humarap si Lord Valarian sa kaniya at itinaas nito ang kanang kamay. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Malakas ang ebidensiyang hawak nila para tuluyan siyang hatulan ng kamatayan sa harap ng Nocturians.

"Mahal na reyna!" rinig niyang sigaw ni Court Lady Meredith. Bakas sa boses nito ang matinding takot para sa kaniya.

Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang lumaban. Mabilis pa sa hangin na nasangga niya ang lahat ng sibat na humahagibis papunta sa kaniyang kinaroroonan.

Walang karapatan ang sinumang may ranggo sa kanilang kaharian na tulungan siyang makipaglaban sa kanilang mandirigma. Kahit ang hari ay walang magagawa para iligtas siya.

Wala ring karapatan ang kahit na sinong nasa mataas na posisyon na tulungan ang mga mandirigma na bawian siya ng hininga. Ang tanging magagawa lamang ng mga ito ay manuod kung paano siya kitilan ng buhay ng mga sundalo ng kaharian na siya mismo ang nagsanay para maging handa sa anumang digmaan.

Mapait siyang natawa habang nakikipagtuosan sa kamatayan. Hindi niya inakala na ang kahariang kaniyang ipinagtatanggol sa anumang kapamahamakan sa loob ng ilang taon ay siya rin naman palang tatapos sa kaniyang buhay ngayon.

Ang sunod na nangyari ay tanging tunog lang ng espada ang kaniyang naririnig. Isa laban sa hindi mabilang na kawal na minsan din namang naging tapat sa kaniya.

"Mamamatay akong may dangal!" sigaw niya sa gitna ng kaliwa't-kanang pananangga niya sa mga patalim na umaatake sa kaniya. "Hinding-hindi kayo mananalo! Isinusumpa ko ang kahariang ito! Magdurusa kayo higit pa sa dinaranas kong ito!"

"Luminara!" Ang boses na iyon ang kaniyang huling narinig bago pa tumama sa kaniyang tiyan ang dalawang mahaba at matalim na patalim. Tumagos pa ang mga iyon papunta sa kaniyang likuran. Kaagad na sumuka siya ng dugo at napaluhod.

Sinikap niyang tapunan ng tingin ang kinaroroonan ng kaniyang asawa na ngayon ay pinipigilan ng mga kasapi ng hukom na lapitan siya. Kahit anong pagpupumiglas nito ay wala itong magagawa para iligtas siya.

"Lumaban ka!" muli nitong bulyaw, puno ng pakiusap. "Tumayo ka, Lu!"

Sa kauna-unahang pagkakataon ay pareho nilang nasaksihan kung paano magsilandas ang kanilang mga luha. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na tinawag siya nito sa pinaikling pangalan niya na tanging ang malalapit lamang sa kaniya ang binibigyan niya ng karapatang gumamit niyon.

Hindi niya mapigilang mapahiyaw nang tila ba nilalamon siya ng mainit na mainit na hangin. Kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng mahikang ito. Si Aeris. Lihim nitong tinutulungan ang mga mandirigma na tapusin siya. Nilalabag nito ang batas ng paglilitis.

Bago niya pa magamit ang kaniyang kapangyarihan ay may isa pang malakas na kapangyarihan ang tumama sa kaniyang katawan ngunit hindi niya matukoy kung sino ang nagmamay-ari niyon. Ramdam na ramdam niya kung paano humiwalay ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan.

Kahit anong kaniyang gawin ay hindi niya na kaya pang lumaban o baka nga ay ayaw niya lang itama ang isang pagkakamali sa pamamagitan ng isa pang pagkakamali.

Iyon ang naging hudyat para tuluyang mawalan siya ng paningin, pandinig at hininga.

This is just a break in the grand plan of destiny. I'll be back, guided by fate's hand.

To be continued...

The Villainous Queen (Resurrection Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon