Nasa may swimming pool si Jeferylle ng may narinig siyang nagtu-tugtog ng gitara. Napalingon siya at nakita doon si Thirdy.
Mataman niyang pinagmasdan ang lalaki. Kapagkuwan ay kumunot ang noo niya ng may makita.
May hikaw. Ha? Kailan pa ito naghikaw?
Then he was singing.
Fly me to the moon
Let me play among the stars
Let me see what spring is like on
A-Jupiter and Mars
In other words, hold my hand
In other words, baby, kiss meFill my heart with song and let me sing forevermore
Damn.. His voice.. It was like.. Shit heart, kalma!
Tila yata siya pinangapusan ng hininga. Ang hot nitong tingnan habang nag-gigitara at kumukanta. Dahil malapit lang naman sila sa isat isa, at hindi niya alam kung bakit hinid niya naramdaman ng dumating ito.
Dahan-dahan siyang huminga. That was the time she realized she was holding her breath.
Alam niyang walang tao dito kanina ng dumating siya. It was 10 in the morning.
Napatingin siya sa braso nito, may tattoo pala ito? Sabagay gabi at madilim noon, hindi nito nakita 'yon noon. At magdadalawang linggo na siya dito pero hindi niya naman nakikitang nagsusuot ito ng walang manggas.
Ngayon lang. Na tila ba t-shirt iyon dati at ginunting lang ang manggas. And damn girl! Ang tigas tingnan ang braso! Napatitih siya sa tattoo nito. Malaki iyon. Pero hindi niya alam kung ano. Tila sinakop nito ang buong braso.
Pero bakit ang linis pa din itong tingnan?
"Ilan ang tattoo mo? " Wala sa loob na sambit niya.
Napatingin ito sa kanya. "Apat lahat. Gusto mong makita? " May naglalarong ngiti sa mga labi nito.
Umirap siya sa hangin. He was teasing her again! At kumulo agad ang dugo niya!
Sa klase ng ngisi nito ay tila siya sinisilaban. Parang pakiramdma niya ay may ibang kahulugan lahat ng lumalabas sa bibig nito.
Ang isip mo ang madumi. Saad ng isipan niua.
Tse! Tumigul ka! Singhal niya sa sariling isip.
O baka nga totoo. Baka siya lang ang nabibigay ng ibang ibig sabihin ng mga salita nito. Dahil doon sa nangyari sa kanila 4 years ago?
Maybe.
He chuckled. "Meron sa dibdib ko, meron sa likuran, may isa sa puson. Gusto mong makita?"
"Tigilan mo nga ako, baka 'di kita matantiya. Matulog ka sa labas ng bahay mo"
Natawa ang lalaki "sabi mo nga bahay ko, bakit ako matutulog sa labas? "
"Huwag mo kasi akong inaakit" Napapikit siya. Kulang na lang tampalin niya ang sariling bibig! Anak ka ng tinapa Jeferylle! Bakit iyon ang lumabas sa bibig niya?!
Gusto na lang niyang magpalamon sa lupa sa hiya!
Humalakhak ito. Aba at marunong palang humalakhak ang gago? "Ay hindi pa ba? "
She snorted. "Tigilan mo ako" Marahas niyang sambit para itago ang hiya.
"Oo na. Eto naman, high blood ka masyado. Tara sa mga baka, doon ka magpalamig"
She pouted. "Galing na ako doon"
"Nag-order nga ako ng MacDonald's. Halika, kainin natin sa lilim ng puno, mas masarap ang hangin doon"
YOU ARE READING
SUBMISSIVE 2: THIRDY VILLANUEVA
RomanceNang maghagis yata si Lord ng kamalasan sa mundo, nasalo na yata ni Jeferylle ang kalahati. She was cheated by her boyfriend. Ang masaklap, hindi sa babae siya ipinagpalit kundi sa lalake. Ang sakit no'n sa parte niya. Maganda naman siya, mabait a...